< Back to Transcripts

Vice President Leni Robredo’s Message at Kalinaw Dabaw: Davao Region People’s Rally, Digos, Davao Del Sur

March 24, 2022
Digos, Davao Del Sur
No items found.

VP LENI: Maayong Buntag, Davao! Grabe nakakagulat kayo. Nandiyan ako sa backstage kanina, naririnig ko na 'yung mga boses ninyo pero mas grabe pala pag andito sa harapan. Kaya maraming maraming salamat Davao. Ayan, bago po ako magpatuloy, ang akin pong pagbigay galang sa ating Vice Mayor ng Digos City, Johari Baña, Maraming salamat po for joining us today at 'yung mga members ng Digos City Council, maraming salamat po sa inyong lahat. Gusto ko din pong pasalamatan 'yung iba't ibang mga grupo na nandito at organizers ng event natin this morning, RPC Davao Region, RPC Davao Del Sur, Doctors for Leni, Lawyers for Leni, Gensan Youth for Leni, RPC Gensan.

Papasalamatan ko din po ang atin pong mga sponsors for today's rally: Mr. Joel Lao, Dr. Riz Pangan, Ms. Judy Ann Prantilla. Siyempre, si Dr. Mannyl Gonzales, Ms. Agatha Salanatin, Attorney Genevieve Paulino, ayun. May iba't ibang mga grupo din po who are joining us this morning. Nakikita ko po, Mindanao Farmers for Leni-Kiko. Akbayan si Leni Davao Del Sur, Davao Del Norte for Leni, Robredo People's Council Davao Del Norte, AKMA PPM, [inaudible 00:03:17] Electric Coop Now and Infinity Davao Region. Maraming salamat po sa mga Electric Cooperatives who are joining us this morning.

Ayan, matagal na natin silang mga partners. "Eskwetas for Leni." Maraming salamat, ano ito? "Yakap ng Davao, Leni-Kiko." "Samahan ng Atenistang Pink ang boto." Maraming salamat sa mga Atenista na mga nandito. "Mga PolSci students for Leni." Ayan, tinitingnan ko muna 'yung mga groups ha, ano ito? "SAPA 34." Maraming salamat sa inyo. "Akbayan Partylist." "Ipanalo natin ito from procrastinators for Leni." "Leni bhie, tara na't mag-LDR, Lungsod ng Davao ng Rosas." "Hala bira kay Leni kita." Ano ito? "[inaudible 00:04:24] women for Leni-Kiko." "Di bayaran, kasali ako sa 16% kasi si Leni ang aking President." Ayan, "VP Leni, pa-selfie, defense pa namin 3PM." Oh dito na kayo sa may harap. "Leni pa-selfie, birthday ko po bukas." "VP Leni, pa-picture ko po. Ipapakita ko lang ang susunod na presidente sa mga kaibigan kong BBM." Ayan, "Babae sa babae for Leni." "I shine, you shine, we shine. Pag sa halalan si Leni ang nag-shine." "Sa gobyernong tapat, may ompawat lahat." Maraming salamat. "We are Davao de Oro for Leni-Kiko." Maraming salamat. "Kami mga Davaoeño, ug Leni-Kiko among boto." Maraming salamat. "Absent sa Duty for today's rally." Naku. "Salamat VP." Ay naku ito, may na-achieve ito ngayong umaga. "Salamat VP, uuwi ako na may bebe." "Food Security gawing priority kaya si Senator Kiko ang ating ka-tandem." "Leni di ka looser, triggered lang sila.” "Leni-Kiko, sa Digos lahat tayo makakaraos." "Kung kulay rosas ang bukas, siya ay para sa aking hanggang wakas." "Future Lawyers for Leni." "Do not accept if track record is broken." "Master crammers for Leni." Ano ito? "Crush ko taga Bicol, Presidente ko taga Bicol din." Ayan, "Same lang sa mga katabi."

"Ang elsa d' felix ay Leni leads." "Ikaw gudyut ang aking i-vote." "Puyat for Leni." "Sa gobyernong tapat, magkaka-degree lahat." "Ang tax binabayaran. Kami hindi." "Shoutout kay Andree Jed, may exam siya ngayon kaya di makapunta." "VP, single pa po ba si Dok Tricia?" "Rosas ang kulay ng bukas." "Ipagbawal man ang rally sa Davao City, Leni will find a way." "Ang dami ng para kay Leni, pero nasaan ang para sa akin?" "Gorgeous gorgeous girls will vote for Leni." Ayan, "Since 28 years, hindi ko pa po naranasan ang yakap ng isang ina. VP Leni, puwede po ba yakapin nyo po ako nang mahigpit kahit isang beses lang po maranasan ko man lang po ang yakap ng isang ina." Mamaya, punta ka dito mamaya.

"First time voters for Leni." "LGBTQIA+," Maraming salamat. "Pangulo since 2022, youth vote for Leni." Maraming salamat. "Tunay na pagbabago - USEPHIANS for Leni." Maraming salamat sa inyo. "Catcats for Leni." "LGBT power rangers na magaling convert from BBM to Leni and Kiko." Maraming salamat. "Gusto niyang regular na trabaho, P750." "Ako si Paul, nakaranas man ng lindol, titindig para kay Leni na aking idol."  "VP Leni, ang iyong yakap ay magsisilibing pinakamagandang regalo sa aking kaarawan ngayong March 29." Lapit kayo dito. "Ako si Mayet for Leni-Kiko." "VP Leni, puwede bang galit ang V please." Maraming salamat. "Bidabida for Leni." "President Leni Cutie. "Gobyernong tapat." "You can't spell Philippines without LENI." Ayan, "Bansalan para kay Leni." "Dear ex, balik ka na. Dear Leni, pakibalik na ang tiwala namin sa gobyerno. Dear Jr, ibalik ang inyong kinawa." Ayan, "Akala ko kasi birthday mo, ang daming handa. Happy Birthday. Handang ipaglaban ka." Maraming salamat. "Pahiram ng oras mo, six years lang." "Basher noon, volunteer ngayon." Palakpakan natin.

"Kidapawan Youth for Leni," maraming salamat. Ano ito? "[Dubadu– Dubadu Leni Leni 10:22]" Ayan. "Puro ako– Mga walang budget for Leni-Kiko." "Puro akong Ilokano pero ang aking presidente ay si Leni Robredo." "[speaks in local dialect 10:38 - 10:43]." Ayan, ito po, ibaba muna natin  'yung mga placards natin, ipapatuloy natin mamaya. Kasi gusto ko lang kayo makausap at ngayon lang ako pumunta dito para magpasalamat sa inyong lahat.

Alam niyo po, mula noong eleksyon ng 2016, nakabalik na ako dito ng several times dahil meron po tayong mga project dito. Iba-iba po 'yung mga projects natin sa iba't ibang mga probinsya dito sa Davao region, karamihan po doon tuwing may sakuna. Halimbawa po dito sa Davao del Sur, 'yung sunod-sunod na mga lindol, nagpadala po tayo dito ng mga teams para gumawa ng relief operations at  maraming mga lugar dito sa Davao del Sur nagkaroon po tayo ng relief operations for the earthquake victims.

Noong pandemic din po, tuloy tuloy 'yung pagpadala natin sa napakaraming ospital sa buong rehiyon. Hindi lang po dito sa Davao del Sur, pero pati sa iba pang mga province dito sa Davao City. Meron din po tayong mga projects with other youth groups, ito po 'yung aming Angat Buhay Youth na ang pinupush po natin ay mga programa sa pangkapayapaan, ayun. Pero bakit ko sa inyo ito kinukuwento? Dahil po pagdating kasi ng eleksyon, marami 'yung pupunta dito sa inyo at makikiusap, manliligaw. At lahat pong makikiusap at manliligaw ang sasabihin, aasikasuhin ko kayo, mahal ko kayo.

Pero 'yung sa akin lang po, alam ko na marami kayong kahirapan na pinagdaanan para makapunta kayo dito ngayong umaga. Marami sa inyo, siguro nagsimula ito, iilan lang kayo. Nagsimula 'yung iilan maglakas ng loob pero ito po, bakit tayo naglalakas ng loob? Bakit napakataas ng energy level natin ngayong araw? 'Di ba? Bakit desididong desidido tayo ngayong eleksyon na ito? Dahil 'yung pinaglalabanan ngayon hindi na lang contest ng mga kandidato. Ang pinaglalabanan ngayon, kinabukasan niyong lahat.

Kanina po sa backstage, meron tayong mga bisita na mga bata. And 'yung mga bisita nating mga bata, kahit hindi pa magkakampanya, naiintindihan na. Sinasabi nila, “We will campaign for you.” Pero bakit ganito? Ako po marami na akong eleksyon na pinagdaanan, si Senator Kiko lalo na, pero pareho po kaming nagkukuwentuhan na parang kakaiba talaga 'yung eleksyon na ito dahil ang tao, napakataas ng pagmamahal sa bayan. And ito pong pagmamahal sa bayan, ito 'yung nagbibigay sa atin ng lakas para kahit– kahit mahirap ay nilalakasan natin 'yung loob natin na tumindig.

Naalala ko pa po noong nagsisimula pa lang, kaka-file ko lang po. 'Di ba kaka-file ko pa lang, natutuwa akong nakikita ko sa Davao City, meron pa ilan-ilan na nagpi-pink Wednesdays, nagsusuot ng pink. Nakita ko din nagkaroon ng parang motorcade. Nakita ko din, meron iba nagpapalugaw, totally unexpected dahil Davao ito. Pero 'yung tanong kung bakit ba nandito kayo– kayo ngayong araw umaga. Marami sa inyo nagbiyahe malayo pa. Sino ba 'yung galing sa malayo? Marami di ba? 'Yung mga kakuwentuhan ko sa likod, sobrang aga daw nila gumising ngayon para mag-biyahe papunta dito.

Ano? Eight hours? Ah walang tulog! Sino 'yung mga walang tulog dito? Pero 'yun nga 'yung tanong natin, alam niyo everywhere we go, ganito 'yung fervor, ganito 'yung init, ganito 'yung lakas ng loob. Ito po alam ko na hindi lang ito dahil sa amin, pero alam po dahil ito sa malaking pagmamahal ninyo sa ating bayan. Kaya ko po sinasabi kanina, kinuwento ko po sa inyo 'yung mag projects na ginawa namin dito. Alam niyo po na malaki 'yung talong ko sa Davao noong nakaraang 2016 [crowd cheers: Babawi kami!]. Maraming salamat. Pero ito nga po, kaya ko siya kinukuwento dahil dapat naman kaming mga lingkod bayan ganoon. Na pagkatapos ng eleksyon, kinakalimutan na namin dapat 'yung politika, di ba? Pagkatapos ng eleksyon, wala nang mga kulay kulay, wala nang parti-partido, ang dapat inaasikaso na namin, pangangailangan ng taumbayan.

Kaya po ito 'yung klaseng governance, ito po 'yung klaseng pamamahala, ito 'yung klase ng politika na pinapangako namin sa inyo. Kaya po natin sinasabing gobyernong tapat, angat buhay lahat dahil ang paniniwala namin, pag ang gobyerno matapat, mas marami sa mga kababayan natin ang matutulungan. Ang gobyernong tapat pinakita po namin ito sa Office of the Vice President. Kahit po kakaunti 'yung aming pondo, napakarami ng aming nagagawa dahil sinisiguro namin na 'yung kakaunti napupunta siya kung saan niya dapat mapuntahan. Walang perang napupunta sa korapsyon, at sa amin po walang transaksyon– walang transaksyon between politiko to politiko. Ito po pag-uusap lang ng Pilipino sa Pilipino. Ano ang pangangailangan mo, ano 'yung magagawa ko para sa pangangailangan mo? Anong gustong sabihin ng gobyernong tapat? Maayos na pamamahala, disenteng gobyerno, matino at mahusay na mga lingkod bayan.

Pag sinabi po naming "Ayaw namin ng korapsyon," marami po kaming resibong puwede ipakita. Ano po 'yung resibong 'yun? Hindi na lang po kami ang nagsasabi ng ayaw namin sa korapsyon, ang COA na mismo nagsasabi taon-taon, taon-taon nakukuha po namin 'yung pinaka mataas na COA audit rating. Bakit mahalaga 'yun? Mahalaga po 'yun dahil hindi lang sa mas marami kaming natutulungan, dahil walang perang napupunta sa korapsyon. Pero mahalaga 'yun dahil pag ang taumbayan alam niya na 'yung kanyang mga lingkod bayan ay hindi nangungurakot, nagtitiwala siya. Marami po kaming nagagawa sa aming Angat Buhay Programs dahil sa mga volunteers at dahil sa partners. Pero tingin niyo ba kung hindi kami katiwa-tiwala, makakahanap ba kami ng volunteers? Wala. Dito po sa Davao, marami sa amin nagvo-volunteer. 'Yujng mga nagvo-volunteer. 'Yung mga doktor, noong nag-roll out po kami ng Bayanihan E-Konsulta, may mga galing ditong mga doktor, nagvo-volunteer sa amin. Pero bakit sila nagvo-volunteer? Dahil alam nila na hindi masasayang 'yung kanilang pagod.

Ewan ko po kung nakikita niyo sa Facebook. Pag merong rally, hindi nagugutom karamihan dahil nagshe-share share ng pagkain. Pagka katapos ng rally, hindi pa isang oras malinis na lahat dahil 'yung mga nag-aattend ng rally sila din 'yung naglilinis. 'Yung pinakahuli pong napakalaking rally sa Pasig, marami 'yung mga nawalan pero 'yung nawala nila nakuha din nila kasi may mga nagsauli. Pero bakit po mahalaga na i-point out natin ito? Kasi pinapakita nito na ang Pilipino, sadyang mababait. Ang mga Pilipino sadyang mga malilinis. Naghahanap lang sila ng inspirasyon na 'yun 'yung pupukaw ng kanilang kabaitan at kahusahayan. At ngayon, ito po 'yung klaseng pamahalaan na kapag ang pamahalaan naging halimbawa siya ng kabutihan, naging halimbawa siya ng pagkamaasikaso, naging example siya na katiwa-tiwala tayo lahat din sumusunod. At 'yung taumbayan kapag binigyan po natin ng choice kung maayos o hindi maayos, pipiliin niya 'yung maayos.

Ang problema na ngayon napakarami nating fake news. At 'yun po 'yung una kong hihilingin sa iyo– sa inyo. Napakarami po ngayong fake news, marami tayong mga kababayan iba 'yung desisyon sa eleksyon dahil naniwala sa nababasa nila. Kaya puwede po ba kaming makahingi ng tulong na sabayan niyo kami sa paglaban na 'yung kasinungalingan palitan natin ng katotohanan. Kaya 'yung sa atin po pag ang katotohanan nababasa ng ating mga kababayan, sigurado akong ang pipiliin nila kabutihan.

Halimbawa po kanina may binasa akong placard, "Dating nangba-bash," di ba. Dating nangba-bash, ako tingin ko ganoon lang naman kasi akala nila masamang tao tayo. Pero 'yung pagkamasamang tao 'yung resibo mo nandiyan lahat. Nag– tayo po noong binigyan tayo ng mandato kahit napakakonti ng mandato natin ginawa natin 'yung lahat. Ano po 'yung mga programa natin para sa mga kabataan dahil maraming kabataan dito? Ang atin pong pinapangako, de kalidad na edukasyon. Pangako natin na kahit may kawalan tayo ng panggastos, sigurado kayong makakatapos at siguradong dekalidad na edukasyon 'yung makukuha niyo.

Papaano po natin maa-achieve 'yung dekalidad na edukasyon? Unang-una, itaas natin 'yung budget ng edukasyon. Pangalawa, asikasuhin natin 'yung ating mga teachers. Ang suweldo po ng ating mga teachers malayo sa suweldo ng teachers sa ibang mga karatig bansa natin. Marami sa ating mga teachers ang daming trabahong ginagawa maliban sa pagturo. Kaya po sinasabi natin para maka-concentrate 'yung teachers natin sa pagtuturo alisan na sila ng mga admin na mga trabaho. Bigyan sila ng maraming mga trainings na hindi nila pagkakagastusan, pamahalaan ang nagbibigay para sa kanila. Dahil makaka-produce po tayo ng maayos na estudyante kapag inasikaso natin 'yung mga teachers.

Kaya ito po ang nakita ko– o, ACT nandito pala kayo. ACT Teachers Partylist, ayan. Maraming beses nagka– nakausap ko na 'yung mga miyembro ng mga teacher organization at ito 'yung mga kanilang hinaing. Gusto din nila naman na makatulong sa pag-ayos ng dekalidad na edukasyon pero maraming sagabal. Ang akin pong pangako sa inyo, aasikasuhin namin kayo at ang makikinabang diyan 'yung mga kabataan natin.

Sa kalusugan ano 'yung ating programa? Aasiksuhin natin ang ating healthcare system na kahit wala kayong pera ay makakatanggap kayo ng klase ng medical assistance na kinakailangan ninyo. Pero ito pong lahat na pangako na ito, magagawa lang po natin kapag inayos natin 'yung gobyerno. Dahil kapag hindi po natin inayos 'yung gobyerno wala ding pagbabagong kailangang– wala din tayong pagbabagong maaasahan. Ang pagbabago po wala po 'yun sa akin, wala 'yung kay Senator Kiko, nasa ating lahat na pagbabago.

Magkakaroon lang po ng pagbabago kapag tayo sama-sama nagdesisyon na aayusin natin 'yung pamahalaan. Pero ito po, magdedesisyon lang ang taong tutulong siya kapag nagtitiwala siya sa kaniyang gobyerno.

Ano pa po 'yung ating mga pangako? 'Yung Local Government Unit i-strengthen po natin lalo na 'yung mga barangay dahil sila 'yung takbuhan ng mga tao. Pero gaya po ng sabi ko, kapag panahon ng eleksyon maraming pupunta dito, maraming mangangako. Pero 'yung mga nangangako hanapan natin ng resibo. Kapag sinabi nilang mamahalin nila kayo tanungin niyo, "Noong hindi pa ba kayo kandidato, naisipan niyo man lang ba kaming silipin?"

Halimbawa po dito sa Davao Region, dito lang sa Davao del Sur sunod-sunod 'yung mga lindol. Noong dumadaan ba kayo sa sakuna naisipan lang ba kayong kamustahin? Naisiban ba kayong tulungan ng nagsasabing mahal kayo? Kaya po ito kapag panahon ng eleksyon sabi ko nga, parang nililigawan din 'yung mga dalaga. Maraming magpapapogi pero huwag tayong maniniwala. Ang tignan natin ano 'yung kanilang track record.  Ang track record, ang karakter, 'yun 'yung magpapakita kung 'yung pangako nila magagawa nila.

Ito po 45 days na lang eleksyon na. Alam ko po na bago tayo makaipon ng ganito karami, nag-umpisa din tayo sa kaunti. Ngayon, parami tayo nang parami. Nakita natin dito magkakasama tayo, pero dapat hindi pa tayo magkampante. Dapat lalo pa tayong magparami. Ano? Paano tayo magpaparami? Mangumbinsi pa tayo. Di ba, mangumbinsi pa tayo, kumbinsihin natin. Papaano ba tayo? Papaano ba tayo nakumbinsi? Ganoon din 'yung gagawin natin kung paano tayo magkukumbinsi ng iba. Kapag ginawa natin 'yun malaki ang pag-asa natin sa eleksyon.

Kaya po ito nagpapasalamat ako sa lahat ng nagsakripisyo para makasama natin ngayong araw. Hindi niyo po alam kung gaano kami nasisiyahan na alam namin dito sa Davao Region may mga kasama kami sa laban na ito. Kaya maraming maraming salamat po sa inyo. Ang paghingi ko po ng tulong ay hindi lang para sa akin, pero para din po sa aking mga kasamahan. Ang akin pong Vice President, palakpakan po natin, Senator Kiko Pangilinan. Ang atin pong mga Senador na kasama ngayon: Dean Chel Diokno, Attorney Alex Lacson, may representative po tayo, Attorney Sonny Matula, Senator Leila de Lima, Senator Sonny Trillanes. Pinapakiusap din po natin, Senator Risa Hontiveros, Congressman Teddy Baguilat.

Ayon, ito po gaya ng sabi ko, 45 days to go. Marami pa po tayong kailangan trabahuhin. Kaya pa ba natin? Ayan, kung kaya pa natin higitan pa natin 'yung lahat na ginawa na natin in the past few months. Pag tayo po magtrabaho ng sabay-sabay, mananalo po tayo pagdating ng Mayo. Kaya mabuhay po kayong lahat. Maraming maraming salamat sa inyo.

[END]