< Back to Transcripts

Message of Vice President Leni Robredo Ozamiz City People’s Rally Misamis University Covered Court, Feliciano St., Ozamiz City, Misamis Occidental

May 5, 2022
Ozamiz City, Misamis Occidental
No items found.

VP LENI: Maayong udto! Kumusta kayo, Ozamiz? Maraming salamat. Maraming salamat po sa napakainit niyong pagtanggap sa amin ngayon. Ayan, bago po ako magpatuloy, ang aking pasasalamat sa ating RPC - Misamis Occidental na pinamumunuan po ni Miss Daphne Kuok. Salamat din sa pagpahiram po sa atin ng facility na ito, thank you po, Doctor Karen De Leon at Doctor Orly De Leon ng Misamis University. Maraming salamat din, maliban po sa RPC - Misamis Occidental, maraming salamat din sa Ozamiz Youth for Leni-Kiko,

[crowd cheers]

Youth Vote for Leni-Kiko, La Salle and La Sallians for Leni-Kiko, LGBTQIA+ Misamis Occidental, KPop Stans for Leni-Kiko, Ozamiz for Leni-Kiko. Ang akin din pong pagbigay galang sa minamahal na anak ng ating Vice President Kiko Pangilinan, Frankie Pangilinan. Nandito din po 'yung representatives saka ang ating mga senatorial slate, sa pangunguna po ni Senator Risa Hontiveros, Dean Chel Diokno, Representative po ni Senator Leila De Lima, Senator Sonny Trillanes, Congressman Teddy Baguilat, Attorney Sonny Matula, Attorney Alex Lacson. Ayun.

Pero kumusta kayo? Grabe, tanghaling tapat, siksikan kayo, tingin ko kanina pa kayo nakatayo, pero buhay na buhay ang dugo. Mamaya, ha? 'Yung mga placards mamaya ko 'yan babasahin.

[crowd cheers]

Gusto ko muna ipaabot sa inyo ang aming mensahe dahil ngayong campaign period, first time kong dumaan dito sa Ozamiz. Alam niyo naman, alam niyo naman na huli na kong nagdesisyon, kaya huli din akong nakaumpisa at napaka-limited talaga 'yung oras, hindi namin kayang maubos 'yung buong Pilipinas.

Kaya po pinagtutulung-tulungan na namin ngayon. Si Senator Kiko ay nasa ibang lugar din, 'yung iba nating mga senatorial slates nasa ibang lugar din, 'yung mga anak ko watak-watak din ngayon, nire-represent din ako.

At nagpapasalamat ako sa inyo dahil hindi pa man po ako nakakariting dito, alam kong napakarami niyo ng ginagawa para tulungan tayo sa kampanya. Mula po noong nag-declare tayo noong October, nakikita ko na sa Facebook, nakikita ko na sa Twitter, nakikita ko na sa Instagram, hindi ko nakikita sa Tiktok kasi wala akong Tiktok account, pero maraming salamat. Maraming salamat sa pagtatayo para sa ating bayan.

Alam po namin, alam po namin na dito sa Misamis Occidental, hindi ganoon kadali tumayo para sa atin.

[crowd cheers]

Pero kahit maraming hadlang, kahit napakahirap, kami po ay talagang nakakataba ng puso namin na patuloy pa din kayong lumalaban.

Ito po, kakaibang eleksyon ito. Ewan ko lang kung napansin ninyo, siguro 'yung mga ka-edad ko dito napansin ito, na kakaiba 'yung eleksyon ngayon. 'Yung eleksyon pong ito, hindi lang ito laban naming mga kandidato, pero ang nakataya dito 'yung kinabukasan ng ating bayan. Kami pong naglalaban, napaka klaro na ibang iba ang aming mga pinapaniwalaan. Ang klase ng pamahalaan na isusulong namin, ibang iba sa klase ng pamahalaan na isusulong ng aming katunggali. Ang klase ng politikang pinapaniwalaan namin, ibang iba.

Ano po 'yung aming paniniwala? Ang paniniwala namin: ang paraan lang para umangat ang buhay ng lahat, ang gobyernong tapat. Pero 'yung sa amin po, ang pangako namin na gobyernong tapat, hindi lang basta pangako. Ipinakita na po namin 'yun, isinabuhay na namin sa buong panunungkulan namin ni Senator Kiko.

Lagi ko pong sinasabi pag panahon ng eleksyon: marami 'yung manliligaw sa ating boto. Pag panahon ng eleksyon, ang mga kandidato nag-uunahan, nag-aagawan para makatulong. Pero kailangan ang dapat lagi nating tanong: kung walang eleksyon o noong wala pang kampanya, asaan kayo? Kung sinasabi niyong mahal niyo kami, papaano niyo 'yun pinakita sa amin noong wala pang eleksyon.

Alam niyo, pagdating ng eleksyon, sasabihin ng mga kandidato 'yung lahat na gusto nating marinig. 'Yung lahat na pangako na gusto natin, 'yun 'yung ipapangako ng lahat na kandidato. Lahat na kandidato magsasabi: mahal ko ang mahihirap. Lahat na kandidato magsasabi: galit kami sa korapsyon. Lahat kami. Lahat kami magpapakita ng aming mga plataporma. Pero ang aking pong pakiusap: huwag tayong magpapabudol. Pag nagsabing "mahal ko ang mahihirap", papaano nila pinakita ang pagmamahal sa mahihirap noong wala pang eleksyon?

Ako po, 'yung record ko andiyan para tingnan ng lahat. May eleksyon o wala, nandito ako. May eleksyon o wala, nagpapakasipag ako sa aking pagtatrabaho. Noong ako po umupo bilang Vice President, lahat na kahirapan, hinarap ko, alam niyo 'yun. Napakaliit ng mandato ng aming opisina, napakaliit ng aming budget, pero nagawa naming tumulong sa pinakamahihirap na mga komunidad.

Kahit po nasa receiving end ako ng lahat na trolling, ng lahat na bashing, hindi po kami nagpa tinag, tuloy tuloy pa din ang trabaho. Karamihan dito mga kabataan. Karamihan sa inyo nasa social media. Siguro kung ililista natin 'yung lahat na akusasyon laban sa akin, siguro kulang ang isang papel.

Pinaka una pong akusasyon sa akin, nandaya ako noong eleksyon. Ito ba 'yung mukha ng mandaraya? Pero dahil maraming trolls sa social media, maraming napapa paniwala. At ito po, kahit Supreme Court na ang nagsabi, nag revision na, nag bilangan ulit, ang sabi ng Supreme Court, 15-0 ang desyon, talagang panalo ako at walang dayaan na nangyari.

Pero kahit Supreme Court na ang nagsabi, ang fake news patuloy pa din hanggang ngayon. Ang sinasabi pa din nandaya pa din ako ng eleksyon. At nakakalungkot, hanggang ngayon, naniniwala pa din ang marami sa ating mga kababayan.

'Yung fake news po laban sa akin, hindi lang ako na nandaya. Nabasa niyo na: lugaw, bobo, lutang, ano pa? NPA, oligarch, elitista. Ayun, di ba? Kabit, maraming boyfriend, pati buntis! Sa edad kong ito, sinasabing– ano 'yun? Puppet, ano pa? Dami niyong alam ah? Ano 'yun?

[crowd cheers]

Alam niyo po nakakatawa nga ito, mamaya na kayo sumigaw kasi baka pag puwede ng sumigaw wala na kayong boses. Ang nakakatawa po ganito, 'yung unang kwento, 'yung asawa ko daw, pangalawa ko lang 'yun asawa. Sabi ko papaano kaya 'yun mangyayari, nag asawa ako 22 years old. So, kung meron akong previous na asawa, baka kinse anyos ako nag asawa.

Hindi pa nakuntento, ang sunod ng kwento, 'yung una ko daw na asawa, NPA. Pero hindi pa doon huminto, ngayon ang kwento na, hindi lang 'yung una kong asawa, ako na mismo ang NPA.

Ito po nakakatakot  ito. Nakakatakot ito, dahil baka ang eleksyon ang maging basehan ng pag desisyon ng ating mga kababayan, kasinungalingan. Kaya po napakahalaga ng ginagawa niyong mga volunteers. Di ba nag-umpisa tayo, nagpapa lugaw, kung ano ano 'yung ginagawa natin, ngayon nagha-house to house na tayo. Bakit siya mahalaga? Mahalaga siya dahil pinapalitan natin ng katotohanan ang lahat na kasinungalingan.

Ito pong ikot natin ngayon sa buong Pilipinas, sinusuyod natin. Lahat na sulok sinusubukan natin puntahan. Noong isang araw po, naandoon ako sa Kalinga, pumunta akong Abra, nagkaroon ng rally sa Baguio. Sunod na araw, apat na probinsya pinuntahan namin. Galing po kaming Aklan, galing kaming Antique, galing kmaing Iloilo, galing kmaing Negros Occidental.

Kahapon nandoon pokami sa  Lanao del Norte– uy alam niyo! Nandoon kami sa Lanao del Norte, nagkaroon ng rally kagabi sa Dipolog. Kanina pong umaga, nandoon ako sa Oroquieta, nandito ako ngayon sa Ozamiz. Mamaya po may mga meeting lang ako sa CDO pero papunta po kami ng Prosperidad sa Agusan del Sur dahil doon ang rally. Bukas susuyurin ulit namin ang BIcol Region. Sa Sabado, pupunta kami ng Tarlac at Pampanga, pag gabi Miting de Avance.

[crowd cheers]

Hindi po kami– hindi po kami nakukuntento sa isang malaking rally lang. 'Yung mga hindi nakakapunta sa malaking rally, kailangan naming puntahan. Pero po bakit kami nagpapaka pagod na ganito? Dahil gusto namin sa inyong ipakita at iparamdam na pag kami po naging Pangulo at Vice President, saka po 'vung mga Senador natin, gobyerno ang lalapit sa tao.

Ang paniniwala po namin, ang mga lingkod bayan kailangang binababa ang sarili nila sa pinaka mahihirap na mga komunidad dahil 'yun lang 'yung paraan para maramdaman ng tao na kakampi niya ang gobyerno.

Noong ako po nag Vice President at ni-launch po namin 'yung Angat Buhay, nandoon po kami sa pinaka mahihirap na mga lugar sa PIlipinas. Marami po kmaing projects nandito sa Mindanao. Marami kaming projects sa Lanao del Sur, Lanao del Norte, Bukidnon, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi.

Pinaka malapit po dito, tingin ko– sa Clarin meron tayong, sa Clarin meron tayong Community Learning Hub. Pero 'yung pinaka malapit ditong pilot area namin sa Angat Buhay, isang maliit na bayan na mahirap puntahan, ang pangalan niya Siayan sa Zamboanga del Norte.

Pinili po namin ang Siayan dahil for a very long time, siya ang pinakamahirap na bayan sa buong Pilipinas. Noong pumunta po kami doon, marami kaming projects na ni-roll out. Isa sa mga problema ng Siayan pagpunta namin, napaka taas ng  drop out rates sa high school.

Sinubukan po naming alamin kung bakit ganoon. Ang dahilan, maraming mga bata kailangan maglakad ng three, four hours each way every day, just to go to school. Ano po 'yung ginawa natin sa Siayan? Nagpatayo po tayo ng dalawang dormitories sa loob ng public high school. Isang dormitory para sa mga babae, isang dormitory para sa mga lalaki. 'Yung mga mahihirap na nakatira sa malalayo, tumitira sa dormitoryng libre. Pagkatapos po naming gawin 'yung dormitory, sinukat ulit namin 'yung school attendance, dramatic ang improvement.

Pero bakit namin nai-roll out ang isang programa na very localized pero grabe yung impact? Nagawa po namin 'yun dahil ako mismo ang pumunta sa Siayan. Ako mismo ang nakiusap sa mga tao para alamin kung ano ang problema. Ganito po ang pinapangako namin na magiging ganitong klaseng public servants kami.

Na hindi kami makukuntento na nandoon lang kami sa Malacañang, nasa aming air conditoned na mga opisina, naghihintay ng mga report. Pero magiging working president po tayo, na pupuntahan ‘yung mga lugar na kinakailangan ang gobyerno. Mas malayo, mas mahirap puntahan, mas mahirap ang lugar, mas nandoon kami.

Dahil ang paniniwala ko, walang pagbabagong mangyayari sa bansa natin pag hindi natin pinangalagaan ang pinaka-maliliit sa atin. Hindi po natin papayagan na ‘yung mga mayayaman lalo lang yayaman, ‘yung mga mahihirap hindi umaasenso sa buhay.

Sa Angat Buhay program po natin, napakita natin, na pag ang mayayaman binigyan natin ng pagkakataon tumulong, gusto naman nila tumulong. Marami po kaming mga pabahay, sa Marawi, sa Camarines Sur, sa Albay, libre. Papaano namin ‘yun nagawa? Dahil ‘yung mga partners namin na nakakaluwag sa buhay, generous sa kanilang blessings. At ‘yung mga private pong organizations, gusto naman tumulong pero hindi sila tutulong kung wala silang tiwala sa pamahalaan.

Kaya po ang ating Pilipinas na pinapangarap, isang Pilipinas na ang mga nakaka-ginhawa, tutulong sa mga naiiwan. At ‘yung gobyerno nandiyan para maging inspirasyon siya. Na mga tao pinapakita niya ‘yung pinaka-mabuting side niya. Nakikita natin ‘yun ngayong kampanya. Meron ba sa inyong bayad?

CROWD: Wala!

VP LENI: Hindi ba karaniwan sa inyo, hindi lang hindi bayad, pero abonado pa? Pero kahit abonado kayo, masaya kayo sa ginagawa niyo? Ayan ang gusto nating klaseng Pilipino. Na lalong tumutulong, lalong nagiging masaya dahil tumutulong siya. Mangyayari lang ito kapag ang leadership, inspiring. Pag ang leadership bini-bring out ‘yung best sa atin.

Kaya po ito ‘yung pinapangako namin sa inyo; Mararamdaman niyo na ang gobyerno, nagtatrabaho. Mararamdaman niyo na ang gobyerno malinis at matapat, para lahat tayo nagtutulungan. Hindi ko po sinasabing napakahusay ko, na kaya ko ang lahat ng problema natin. Pero ang sinasabi ko lang sa inyo, kasama ko kayo sa paglutas ng problema ng ating bansa.

Sinumulan na po natin ‘yan ngayong kampanya. Ang ating laban hindi natatapos sa eleksyon. Mas may malaking laban tayo pagkatapos ng eleksyon. At inaasahan ko po, kasama ko pa din kayo sa laban na ‘yun. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Mabuhay po kayo. Meron pang tatlong araw mula ngayon para magkampanya. Kunting tumbling na lang po, ihirit na natin lahat.

At i-greet din natin, meron dito nagbi-birthday. Ano pong pangalan niyo?

Audience: Darlen Calderon.

VP LENI: Ayan, si Ma’am Darlen. Ilang taon na Ma’am? Ilang taon na? Oh, si Ma’am Darlen, 64th birthday niya ngayon. Kaya happy happy birthday. Taga-Clarin si Ma’am Darlen. Ang laki ng party mo. Ayan, “VP Leni, pinapunta ako ng papa ko dito para itindig ang buong pamilya ko,” maraming salamat sa papa mo. “Ang ganda mo VP Leni parang ako.” Okay ang mga taga-Ozamis ha. “Check list sa mga dapat piliin, Leni check, Kiko check, ako check,” “LaSallians for Leni,” “Fact check the patriarchy,” “Mga nag-eexam sa rally for Leni-Kiko,” “Artist for Leni,” “May 9 Let Leni lead,” “Kahit delikado ang grado, kay VP Leni pa rin ang boto ko,” “Thirsty for good governance,” “Raised by a strong single mama, like VP Leni and Senator Risa.”

“IIPians for Leni-Kiko,” “Single mom for Leni,” “Si Leni at Kiko ang nagiisang tiyak sa isang libong duda,” “Kulay rosas ang bukas.” ‘Yung mga pa-picture mamaya. “Why Leni? Because why not? And if it’s not her then who do you think, di ba?” “Bonifacio farmers for Leni,” “Mga nanganganib sa second sem for Leni,” “Panay–” ano, ano, pwede pong paayos? “Pan-ay Clarin Youth for Leni-Kiko,” “A person with a real heart, Leni-Kiko is the start.” “Sa gobyernong sigurado, Leni-Kiko ang iboto.” “Senator Risa, I love you.” “Mga may past due sa–” ay ano? “May mga past due sa Microsoft Teams for Leni.” “Pagadian youth for Leni,” “Mga papasa sa LET for Leni.” “Chicsilog, chicks na may itlog for Leni.” Opo, picture tayo mamaya. Mamaya, pipirmahan ko ‘yan.

“Future math teacher for Leni-Kiko,” “Pa-hug,” mamaya. [reads placard in local dialect 26:56-27:02] Leni, kay moagi ko Presidente.” “May mga exam for Leni.” “La Sallian student leaders for Leni.” “Malapit nang i-unfamily for Leni.” “Huy, tumingin ang 17th pangulo ng Pilipinas. Ang ganda niya.” “Mga hindi na-crush back for Leni.” “Bumyahe ng 2 hours for Leni-Kiko.” “Sure na sa Zambo Sur.”

“VP Leni I’m so enchanted to meet you. Swifties for Leni.” Mamaya. “Sa gobyernong tapat, asa manta mag-shot?” huwag muna. Kapag nanalo na tayo. Saka tayo magsa-shot. “Color lugaw pero ang puso at isip ko si VP Leni pa rin ang hinihiyaw,” "Mga walang jowa for Leni." "Psychology students for Leni-Kiko." "Pa-pic VP Leni para proof ko sa mga kaibigan kong BBM." Mamaya, babalikan kita. Maraming salamat, ano ito "STAYs for Leni.” "Sayangin mo lang ako, wag lang si Leni Robredo."

"Bright bright na way ambag sa batch for Leni." Sinong pinapatamaan niiyo? [Langga ah 28:28] "Leni, [speaks in local dialect 28:39 - 28:41] I love you." Uy, meron pang isang may birthday, "VP Leni, birthday ko po ngayon, puwedeng pa-hug?" SIno may birthday, ikaw? Halika-halika punta ka dito. Dahan-dahan.

"Hello future president," ang ganda naman niyan. Anong pangalan mo? Ano pangalan? Jasmine? Ilang taon na? Ilang taon ka na? Ayan, happy birthday tayo kay Jasmine, 10 years old siya ngayon. Happy birthday Jasmine. Sabay kayo ni ma'am [Darlen 29:33].

[crowd sings]

Ayan si ma'am Darlen saka si Jasmine, parehong birthday ngayon. Ang laki naman ng mga birthday party niyo, pero walang pagkain. Ah marami daw pagkain. "The last man standing is a still a man kasi uupo ang woman." "May mga lihim na pagtingin for Leni." "Sa gobyernong tapat, lahat ng kasarian angat."

O ito, "I'm dealing with these boys when I really need a woman." "Lawyers, Ekonomista, Naninindigan, I love you." "Mga laging puyat for Leni-Kiko." "Talo sa survey, panalo sa election day." "Leni, can't stand–" ano 'yan y’all? "–so she better be sitting in Malacañang." "Dapat sina Leni, Kiko, Chel. Deserve natin ng gobyernong tapat."

"Our university president is an empowered woman. We need another one for our country." Anong school 'yan? Anong school? Ano 'yun? Ah dito, dito. Misamis University. "It's a revolution, the time will come for us to finally win." "Madam Leonor, ikaw ang Leniwanag sa dilim." "Mga gurong lumalaban para sa kulay rosas na bukas ng kabataan." Ani ito? "[Jeonghan 31:36] fans for Leni." "Ma'am Leni, pa-shout out po." "Mga dapat piliin: Leni-check, Kiko-check, ako-check." "Kapag nahilo, dalhin sa pamangkin ni Senator Kiko." Sinong pamangkin? Ang daming pamangkin ni Kiko. SI Donny ba? Si Donny?

"Sa gobyernong hindi tapat, respect my opinion ang sabat." "Mga pinagbawalan ng electioneering for Leni-Kiko. #DepEdteachersforLeni-Kiko." "Mga naubusan ng brainChels for second sem for Leni-Kiko." "Overthinkers for Leni." "Pang matagalan friends since 2015 for Leni." "Farmers for Leni-Kiko." "Sa gobyernong tapat, hindi pa rin ako sapat." Hugot 'yun?

"Mga Lenit-go for Leni." "Sa gobyernong tapat, angat-buhay–" ano ito? "–lahat." Ano 'yun? Ah deaf community. "Deaf people in Misamis Occidental support Leni-Kiko," love you po. "May mga exam pero naki-rally pa rin for Leni-Kiko." "The last man standing is a woman." Ano ito? "Presidency test positive," akala ko naman pregnancy test. "Comm majors for Leni-Kiko." "Buong barkada for Leni." "Leni for Leni."

"Hold-up! [speaks in local dialect 33:41 - 33:44]" "Gobyernong tapat, angat buhay lahat." 'Kulay rosas ang bukas." "Ipanalo na natin ito, kay Leni tayo lahat." "Dapat piliin– Leni, Kiko at Ako." "Attend rally now, cram later." Uy si Tricia 'yan! Salamat, salamat. Maraming salamat, maraming salamat.

Ano ito? "Birth month ko ngayon, pa-pic na lang po," happy birthday. "Mga bayot for Leni." "Future ekonomista for Leni." "Kakampnks assemble," maraming salamat. "Hindi lang puro drawing kina Leni at Kiko." "Future architects for Leni." "Sahara sideliners for Leni-Kiko." "Sa gobyernong tapat, makakapunta ng concert at fan meet lahat."

"Senior citizens–" ayan, 'yung mga seniors natin nandoon, palakpakan natin sila. "I think therefore I'm Pink." "Leni-Kiko Kakampink Clarenians." "VP Leni 'wag niyo pong sayangin ang pinaka unang boto ko." Hindi pa maka-boto for Leni-Kiko. "Mga may social anxiety pero lalabas pa rin for Leni."

"Leni, I love you." Ano 'yan? "–203 Billion times." O ito, may pasabi si Britney Spears, "Beat him Leni one more time!" "MedTechs for Leni." Ano ito? "[inaudible 35:47] for Leni-Kiko." "Number one ka sa among pamilya VP Leni." "Leni-Kiko for the win." "Ikaw kailan ka magiging akin?" "Liwanag sa dilim." "Ginago kaya nagbago ng president."

"[Rush B 36:08] for Leni." "Where flowers bloom, so does hope." "Don't [inaudible 36:14] for Leni." "UST Med for Leni." "Asthmatics for Leni." Hindi ko nababasa, "Nursing students for Leni." "Breadwinners for Leni."

"Madam Leni, hindi kami bayad." "Tamang presidente muna, saka na ang tamang tao." "Sa gobyernong tapat, dugo't pawis mo'y higit pa sa sapat." "[Mag-uuma 36:41] para kay Leni-Kiko." "[speaks in local dialect 36:45 - 36:48]" "Hold-up! [speaks in local dialect 36:51 - 36:54]" "Kung ang bisaya ng beautiful ay guwapa, crush kita Senator Risa." "VP Leni, you're the only president I need."

Ayan, babalikan ko kayo ha? May endorsement lang kami with the sectors, babalik ako.

[END]