< Back to Transcripts

Message of Vice President Leni Robredo Oroquieta Multi-Sectoral Assembly Provincial Cultural and Farmers Training Center, Misamis Occidental Provincial Capitol, Oroquieta City, Misamis Occidental

May 5, 2022
Oroquieta City, Misamis Occidental
No items found.

PART 1

VP LENI: Maayong aga! Na– ano 'yun? Mamaya, mamaya. Maayong aga Oroquieta! Maayong aga Misamis Occidental. Ayan, nakarating din ako dito. Actually, second time kong pumunta ng Oroquieta, pero alam niyo naman na huli na noong nag-decide akong tumakbo kaya hindi ko talaga maubos 'yung ikot ng Pilipinas. Pero ngayon na last three days to campaign, talagang siniguro namin na makadaan dito sa inyo.

At isa sa mga pinaka malaking dahilan kung bakit siniguro namin na makadaan dito dahil nga nabalitaan namin na marami tayong volunteers dito. At itong pagpunta namin ay pasasalamat sa inyong lahat. Alam namin na dito sa lugar ninyo, hindi ganoon kadali magkampanya para sa akin, pero siguro ito 'yung beauty ng lahat na nangyayari. Kasi dito mo masusukat na despite the difficulties, lumalaban pa din kayo.

Hindi naging madali 'yung buong journey, hindi lang ngayong eleksyon pero 'yung buong journey ko as a politician. Nagsimula ako noong 2013, walang kaplano-planong tumakbo, pero namatay 'yung asawa ko. Noong namatay 'yung asawa ko, bigla ako naitulak sa isang bagay na hindi ko naman ginusto. Noong tumakbo ako noong 2013, ang kalaban ko pinaka malakas na political dynasty sa amin.

Noong tumakbo ako, wala kong kapera-pera, wala akong kakampi na local officials. Dati, 'yung distrito namin walong LGUs, sa walong LGUs isa lang 'yung kakampi kong mayor. Sa 186 na barangays, 25 lang 'yung kumampi sa akin na barangay captains. 'Yung kalaban ko incumbent. Lahat na pera meron, hindi ako naka-mount kahit isang rally, 'yung lakad ko paunti-unti lang na mga grupo kasi 'yun lang 'yung kaya ko, wala akong pang arkila ng sound system, wala akong ability na tapatan 'yung ginagawa ng kalaban, walang kaduda-duda na matatalo ako sa eleksyon,  pero noong nagbilangan, nanalo ako by a landslide.

'Yun 'yung una sa akin na lesson. 'Yun 'yung unang pagpapatunay na no amount of power, money, or machinery makaka-topple sa lakas ng nagkakaisang taumbayan. Noong tumakbo ako as vice president noong 2016, wala pang masyadong nakakakilala sa akin dahil bago ako. Noong umikot ako, totoo na admin candidate ako, pero sobrang dehado ako because I was running against the son of the dictator. I was running against more seasoned politicians.

Talagang parang basang sisiw ako dati. Pag pumupunta ako sa mga events, parang pag tinitignan ako ng mga tao, magtatanong sila sa iba "Sino ba 'yun?" Hindi nila alam kung sino ako.

Pero siguro 'yung one trait sa akin, may eleksyon o wala, sobra ang sipag ko. And you know, of the six candidates dati for VP, noong nagsimula ako, ako 'yung number six of six, talagang pinaka last sa surveys. Nagsimula ako at one percent, pero dahil sa sipag na magpakilala ng sarili sa mga tao, nanalo ako.

Pero noong nanalo ako, hindi naging madali. Kahit panalo na ako as VP, hindi naging madali 'yung pag-upo ko as VP because of the political climate. 'Yung pinaka unang binato sa akin, nandaya ako sa eleksyon. And dahil naabuso 'yung social media, kahit hindi totoo, marami 'yung taong naniwala na talagang nandaya ako.

In the six years that I was vice president, talagang I was subjected to the worst form of harassment, bullying, trolling. Na kahit pinanalo ka sa Supreme Court unanimously, 15-0 'yung desisyon sa Supreme Court panalo ako, nagkaroon ng revision, nagbilangan ulit, dumagdag pa 'yung boto ko. Pero hanggang ngayon, hanggang ngayon 'yung narrative pa din, nandaya ako.

And 'yung nakakalungkot doon, 'yung nakakalungkot doon kasi ang social media 'yung gamit, maraming trolls, grabe 'yung propaganda, grabe 'yung disinformation, maraming taong ayaw sa atin saka galit sa akin kasi napapaniwala sa fake news.

Pero, kahit napakahirap noong six years para sa akin, I powered through. Talagang ang ginawa ko, tutok lang sa trabaho kahit grabe– alam niyo siguro nababasa niyo naman sa social media 'di ba? Lahat yata ng klaseng  pambubully saka  pangtro-troll sinabi na sa akin. Kung ano ano 'yung accusations na binato sa akin. 'Yung pinaka una nga na nandaya ako sa eleksyon. Pangalawa, na kabit ako. Pangatlo marami akong boyfriends. Pang-apat– palala ng palala eh, ang pinaka magaan na accusation sa akin: lugaw, bobo, lutang. Okay na 'yun.

Pero, 'yung kabit, maraming boyfriends, nag-progress 'yun. Ang susunod nang kuwento, pangalawa ko na lang daw asawa 'yung asawa ko. Nakakatawa siya kasi nag-asawa ako at the age of 22, so sabi ko, "Kung pangalawang asawa ko na 'yung asawa ko, anong age ba ako unang nag-asawa? Kinse anyos?" Sunod, lumala pa. Hindi na lang may asawa ako dati, pero 'yung asawa ko dati NPA. Noong hindi pa nakutento, ako na mismo 'yung NPA at 'yun 'yung kuwento ngayon.
Pero the sad thing about social media, alam na 'yun ng mga kabataan, dahil 'yung social media works on algorithms, marami 'yung nagpopost na anonymous, gumagamit ng ibang pangalan, 'yung kaisnungalingan nagiging katotohanan.

So sa akin, nagtrabaho lang ako, talagang sobrang focused ako sa trabaho, alam ko 'yung gusto kong gawin pag naging VP ako. 'Yung aming opisina na dati ceremonial lang, na-convert namin into an advocacy-heavy one. Noong pumasok ako as vice president, 'yung una naming ginawa, talagang nilinis namin 'yung opisina. Ewan ko kung alam niyo 'yung ISO, nag-apply kami for ISO certification dahil ano bang gustong sabihin ng ISO certification? Na 'yung standards sa opisina, international standards. Dahil ang paniniwala namin, kung paghusayan namin 'yung opisina namin, mas makakapgsilbi kami sa tao.

Ang Office of the Vice President, very limited mandate, very limited resources, pero alam niyo, despite the limitations, sobrang dami naming na-accomplish. Pagkaupong-pagkaupo ko, we launched Angat-Buhay. Ang Angat-Buhay is our anti-poverty program. Pinili namin 'yung pinaka mahihirap na lugar dito sa Pilipinas at doon kami tumutok ng tulong.

Majority noong mga lugar nandito sa Mindanao. 'Yung aming mga pilot areas dito sa Mindanao, nasa Lanao del Sur, Lanao del Norte, Bukidnon, meron kami Zamboanga del Norte, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, nandoon 'yung aming mga anti-poverty programs. Ang mga anti-poverty programs namin on education, health, women empowerment, housing, rural development, 'yun 'yung aming ginagawa.

Example lang, kasi pinaka malapit dito siguro sa inyo 'yung Zamboanga del Norte. 'Yung pinaka mahirap na bayan sa Zamboanga del Norte, ang pangalan niya Siayan. Ang Siayan was the poorest municipality in so many years all over the Philippines. Ano ba 'yung mga example ng mga ginawa naming program sa Siayan? Halimbawa, ang isang pinaka mahirap na problema sa Siayan, napakataas ng drop-out rate sa high school. And ang dahilan kung bakit napakataas ng drop out rate sa high school, ang mga bata kailangan maglakad three to four hours each way, everyday, just to go to school.

So, ang ginawa namin sa Siayan, sa loob ng compound ng public high school, nagpatayo kami ng dalawang dormitories where students can stay for free. So, isang dormitory for boys, isang dormitory for girls. At alam niyo, noong nagkaroon ng dormitory doon, sobrang nag-improve 'yung attendance rates sa high school.

Marami kaming mga feeding programs, maraming mga programa for farmers, maraming mga programa for fisherfolk, maraming mga health programs. Pero ang masasabi ko lang: All over the Philippines, even outside of our Angat Buhay areas, pag merong calamity, kami parati ang unang nandiyan. Pag bumagyo, nandiyan kami. Pag lumindol, nandiyan kami. Pag may sunog, nandiyan kami. Noong pandemic, kami lagi 'yung pinakaunang nagdadala ng tulong on the ground.

Itong Misamis Occidental, kahit hindi namin siya Angat Buhay pilot area, during the pandemic, tuloy tuloy 'yung tulong namin sa mga ospital dito. Nagpapadala kami ng mga PPE sets, ng mga medical supplies sa iba't ibang mga medical institutions. Nagpadala ng financial help para sa mga na-oospital na kulang ng pambayad sa ospital. And nagbukas tayo ng isang Community Learning Hub. Nagbukas tayo ng isang Community Learning Hub sa isang bayan dito.

Ang pinaka konsepto ng Community Learning Hub, noong mga sarado 'yung mga eskwelahan, naglagay tayo ng isang center na may mga gadgets, may mga trained tutors, para 'yung mga bata may mapuntahan kahit sarado 'yung eskwelahan.

Pero 'yung pinakabuod nito, bakit namin ito nagagawa kahit limited 'yung aming budget? Ang isang dahilan, dahil pinangalagaan namin ang pera ng taumbayan. Na kahit kakaunti lang ng aming budget, na-stretch namin ito para mas maraming lugar 'yung matulungan.

At itong pag sinasabi namin na pag walang korapsyon, may resibo kami. At ang resibo namin, hindi lang 'yung mga projects na nagagawa namin. Pero ang resibo namin, COA na mismo ang nagsasabi na malinis 'yung aming pamamalakad. Sunod sunod na taon, nakukuha namin 'yung pinakamataas na COA Audit Rating, pagpapakita na walang korapsyon na nangyayari. At 'yung pinakaebidensya nito, pag walang korapasyon, taumbayan 'yung nakikinabang.

Ang pangalawa, dahil malinis ang aming opisina, ang private sector malaki ang tiwala sa amin. At dahil, at dahil malaki 'yung tiwala sa amin ng private sector, marami 'yung tumutulong sa amin. Kaya 'yung aming kaunting pondo, na-eexpand namin para mas marami 'yung matutulungan. Ang isang aral na nakuha ko doon, ang private sector gustong gustong tumulong. Pero ang kailangan lang nila, tumiwala sila sa tutulungan nila na masisiguro sa kanila na 'yung tulong sa kanila mapupunta doon sa pinakagusto nilang mapuntahan.

So, we were able to do so much because of that. At 'yun 'yung aming programa ngayon. Ito 'yung klaseng pamahalaan na ino-offer namin sa inyo ngayon. Alam niyo, pag panahon ng kampanya, pag panahon ng kampanya, maraming mga kandidatong lalapit. Maraming mga kandidato nag-aagawan pang magbigay ng tulong. Pero laging, laging dapat ang tanong natin pag sinabi nila na aasikasuhin namin kayo, mahal namin ang Misamis Occidental, dapat tanungin natin sila: Kung talagang mahal niyo ang Misamis Occidental, asan kayo noong kailangan namin kayo? Asan kayo noong wala pang eleksyon?

Kasi, maraming mga kandidato, kung walang eleksyon, hindi naman tumutulong. Maraming mga kandidatong hindi nga natin makita kung hindi naman eleksyon. Pero dahil kampanya at humihingi ng tulong, bigla na lang magpapakita sa atin.

Pero ito, sa akin lang, kakaiba ang eleksyon na ito, ewan ko lang kung napansin niyo. Sino ba sa inyo 'yung first time na na-involve sa kampanya? Maraming first time di ba? At bakit ngayon tumataya kayo? Bakit ngayon tumataya kayo? Kasi alam niyo, marami na din akong eleksyon nadadaanan. 'Yung asawa ko, matagal na mayor sa amin bago siya nag DILG secretary. Anim na eleksyon 'yung dinaanan namin kasi six term siya nag mayor. Ako, pangatlong eleksyon ko na ito pero first time kong nakikita 'yung ganitong klaseng volunteerism.

Ewan ko lang kung nakikita niyo sa Facebook, everywhere gumagalaw ang tao. Alam niyo, kahit wala ako sa isang lugar, nagtitipon ang tao ng napakarami. 'Yung mga rallies, ewan ko lang kung nakikita niyo sa Facebook 'yung mga rallies natin, walang hakot pero napakaraming tao.

Kagabi lang, kagabi lang nasa Dipolog kami. Hindi namin inaasahan, hindi namin inaasahan na maraming taong pupunta. Sa backstage ako dumaan, ewan ko lang kung familiar kayo sa Dipolog, di ba may boulevard doon na mahaba. 'Yung rally, doon sa boulevard. Pag apak ko sa stage, ang tao as far as the eye could see.

Mahirap mag [mouth]– Ako, galing na din ako sa ibang kampanya. Noong 2016, admin candidate ako. Mahirap mag-ipon ng tao. Noong nag-rally kami sa Pasay, more than 400,000 people ang nandoon. Noong nag-rally kami sa Batangas, more than 200,000 people ang pumunta. Nag-rally kami sa Pampanga, more than 200,000 people.

Even in places na hindi namin inaasahan. Noong isang gabi, nandoon kami sa Baguio. 'Yung Baguio, heart 'yun ng north. Pero 30,000 people na walang hakot ang pumunta. Masasabi kong, masasabi kong walang hakot kasi halos wala kaming kakamping local official. Pero ang tao, kusang loob na pumupunta. Bakit pumupunta? Dahil nararamdaman, naiintindihan na ang eleksyon na ito, hindi lang simpleng laban ng mga kandidato, pero ang eleksyon na ito, ang pinagdedesisyunan natin, ang kinabukasan ng ating bayan.

Anong klaseng pamahalaan at politika ang gusto nating makita sa ating bayan in the next six years? Dahil klaro. Tingnan niyo ang track record naming mga kandidato. Alam niyo, madali lang kasing magsabi ng mga plano, madali lang mangako. Ibababa ko 'yung presyo ng gasolina. Ibababa ko 'yung presyo ng kuryente. Lahat naman kami mangangako niyan di ba?

Pero ang pinakamahalaga, tingnan niyo, karakter ng kandidato saka ang track record ng kandidato. Madali lang magsasabing aayusin ko 'yung bayan. Pero tingnan niyo, noong binigyan ba silang pagkakataon makapagsilbi noong nakaraan, papaano sila nagsilbi? Pag sinabi nila na ayaw ko ng korapsyon, tingnan niyo naman ang track record. Kasi, lahat na kandidato magsasabi, ayoko ng korapsyon.

Pero, tingnan niyo, kasi kung ang, ang politikong nagsasabing ayaw ko ng korapsyon, nadawit na sa anomaliya. Bakit naman tayo maniniwala sa kanila, di ba? Kaya sa akin, pinaka importante, ano 'yung track record? Kasi, 'yun 'yung pinakaresibo naming lahat. Ang pagpapangako madali lang 'yun.

Halimbawa, maraming mga kandidato o lahat na kandidato sasabihin, mahal ko ang mahihirap. Pero bakit tayo maniniwala sa kanila? Pag tiningnan natin 'yung buhay nila, masyadong marangya di ba? Kasi kung mahal mo 'yung mahihirap, maiintindihan mo 'yung hirap na pinagdadaanan nila pag ikaw 'yung mismo ang bumaba.

Ako, ito 'yung pinaka-lesson ko sa public service: Makakapagsilbi ka ng maayos pag nararamdaman mo 'yung hirap ng pinagsisilbihan mo. Pero kung lagi ka lang nandoon sa air conditioned mong bahay o opisina, naghihintay ka lang ng mga report, wala kang maayos na appreciation ng problema kaya hindi ka makakagawa ng maayos na programa.

Tinatanong kami, "Bakit ang bilis niyong umaksyon pag may sakuna?" Ang parati naming sagot, "Kasi lagi kaming nasa ground." Lagi kaming nasa community, alam namin kung gaano ka-urgent. Hindi puwede dito 'yung mga one-size fits all na solusyon. Ang dapat, ang solusyon na binibigay natin 'yung akma sa problema.

Pero, kung hindi naman tayo nakikipagkuwentuhan sa mga mahihirap, papaano naman 'yun? HIndi mo maa-appreciate 'yung kahirapan kung mga adviser mo lang o mga– di ba– mga reports lang ang binabasa mo. Kailangan bumababa ka, ikaw 'yung nakikiusap, nakikinig ka ng maayos.

SUPPORTER: Correct!

VP LENI: Tapos ang dapat na pag buhay mo simple para ang mga tao mararamdaman nila na magkapareho lang kayo. Pero kung ang pagkatao mo para kang nasa pedestal, papaano ka makakapagsilbi ng maayos? Kaya sa akin, ano ba 'yung pinapangako namin sa inyo?

Ang pangako namin sa inyo, ang ibibigay namin sa inyo, gobyernong tapat. At pag sinabi nating gobyernong tapat, maraming gustong sabihin 'yun: mga lingkod-bayan na matitino at mahuhusay. Dahil pag ang lider matino at mahusay, mapipilitan 'yung iba na tumino din. Pero pag ang lider hindi matino at mahusay, magkakanya-kanya na 'yung ibang mga lider. Matino at mahusay saka talagang binababad 'yung sarili sa problema ng komunidad. Kaya sa akin, ito 'yung lagi naming sinasabi: pag gobyerno tapat, aangat ang buhay ng lahat. Ang iba, ang pangako lang aangat ang buhay nga lahat. Pero sasabihin ko sa inyo hindi 'yun mangyayari. Walang pagbabagong mangyayari kung hindi magiging tapat ang pamahalaan.

Kaya ako– ito last na ito, sobrang nagpapasalamat ako. Sobra akong– sobra kong naa-appreciate 'yung suportang binibigay niyo kasi gaya nga sabi ko kanina, hindi madali 'yung laban na ito. Pero kahit hindi madali 'yung laban na ito, sige lang kayo. Kahit hindi madali ang laban na ito, nagsasakripisyo kayo.

Wala akong laban na naging madali. Hindi ako naging kontento kung hindi madali– kung hindi mahirap 'yung laban. Dahil ang aking palagay, ang pinakamahuhusay na public servants galing sa pinakamahihirap na laban dahil naramdaman nila kung gaano kahirap manalo.

Kaya ako, maraming salamat for being with us in this fight. Gusto ko lang i-recognize 'yung mga kasama natin ngayon galing sa iba't-ibang mga grupo at sector. 'Yung MisOc for Leni-Kiko District One, Oroquieta for Leni-Kiko, 'yung mga farmers, fisherfolks, religious, mga kabataan, senior citizens, mga tricycle drivers, mga IPs, LGBTQIA+, mga PWDs, saka 'yung mga delegates galing sa iba't-ibang mga bayan.

Meron ba ditong taga-Aloran? Meron? Meron? Baliangao? Maraming salamat. Calamba? Maraming salamat. Concepcion? Meron bang Concepcion? Ayan, maraming salamat! Lopez Jaena? Panaon? Ayun, nasa likod. Plaridel? Sapang dalaga? Saka Oroquieta.

[Crowd cheers]

Nagpapasalamat din ako sa ating local officials na kasama ko sa meeting kanina: kay Governor Phillip Tan, kay Congressman Nonoy Ty, kay Mayor Samson Dumanjug, kay Mayor Jenny– Mayor Jenny Tan ng Tangub City, sa lahat pong mga volunteers na kayo ang dahilan– kayo po 'yung dahilan kung bakit nandito tayo ngayon. Siguro kung wala tayong volunteers, wala tayong lakas ng loob pumunta dito sa home stretch ng kampanya. Maraming-maraming salamat sa inyo. Laban lang po tayo. Ipanalo natin ang ating bayan. Maraming salamat.

VP LENI: Kailangan na daw kami umalis kasi papunta pa po kaming Ozamis. Papunta pa kaming CDO. Papunta pa po kaming Prosperidad, Agusan del Sur. Pero i-acknowledge ko lang, "Mga ginhost ni Neil for Leni-Kiko," "VP Leni, mukhang may sakit ako sa puso. Baka si Doc Tricia lang ang gamot nito." "Dalton for Leni-Kiko," "Pinagpalit sa malapit for Leni-Kiko," "Gobyernong sapat, di pa ba ako sapat?"

"Calamba MisOc for Leni-Kiko," "UCC-CYF for Leni-Kiko," "Above all, elegance sa tapat na governance #JSLsForLeni," "Mga dapat piliin: number one Leni, number two Kiko, number three ako." "Future lawyers for Leni," "TRoPang Angat at VP Leni, birthday ko po sa May 20. Pa-hug and selfie," mamaya. "Inclusivity, integrity, transparency, intelligence. - aughter raised by single mothers for Leni Kiko," "Mga nag-absent sa klase para may Kiko with Leni."

"[reads placard in local dialect 1:24-1:28]," "Mga gwapo mga gwapa pud ang gipangita for Leni." Ano ito, "Pag inggit, pink it." "Walay local endorsements tungod kay na hadlok sila sa Full Disclosure Bill ni Mama Leni." Uy, meron tayong local endorsements. Di ba, kanina nagtaasan tayo mga kamay. Importante 'yun kasi tunay na kapangyarihan nasa kamay ng taumbayan.

"VP Leni, puwede pa-pic para sa mga pinsan kong BBM?" Ano ito, "Leni-ndi pero di jinowa." "Calamba market vendors for Leni-Kiko," "Oo, Leni ako. Lenit go mo ako," may hugot. "Maagang naligo for Leni-Kiko." "Furmom for Leni," "Baklang breadwinner for Leni." Uy, "Naga City scholars Leni 2022," anong ginagawa niyo dito? Sorry, hindi ko mabasa 'yun.

"Volunteers for Leni and Kiko," ano 'yun? Hindi ko nababasa 'yung baba. "Concepcion. Conception, MisOc." Hindi– huwag niyong galawin kasi hindi ko nakikita. Ano 'yun? "K-Pop stans for Leni," "Pang-fourth rally ko na ito, VP Leni. Pa-hug naman," mamaya. "Mga hindi pa botante for Leni," "Absent sa klase for Leni," "Leni sunbaenim for 2022," "Leni, pa-pic. Bday ko kahapon."

Wala na tayong masyadong oras pero ito lang po-- ay ito, "Baliangao for Leni-Kiko," maraming salamat. Ang pakiusap ko lang po sa bawat Leni sana may Kiko for VP. Ang atin pong mga Senatorial Candidates: Senator Risa Hontiveros, Senator Leila de Lima, Senator Sonny Trillanes, Senator Dick Gordon, Dean Chel Diokno, Congressman Teddy Baguilat, Attorney Alex Lacson, saka Attorney Sonny Matula.

Maraming, maraming salamat po. Mabuhay po kayong lahat

[END]