< Back to Transcripts

Message of Vice President Leni Robredo Nasugbloom: Multi-Sectoral Assembly Plaza de Roxas, Nasugbu, Batangas

April 30, 2022
Nasugbu, Batangas
No items found.

VP LENI: Maraming salamat.

CROWD: Leni! Leni! Leni!

VP LENI: Salamat. Grabe ang aga aga, ramdam na ramdam na namin ang inyong pagmamahal. Magandang umaga, Nasugbu. Magandang umaga po sa first district ng Batangas.

Bago po ako magpatuloy, ang akin pong pasasalamat at pagbigay ng galang sa ating minamahal na mayor, palakpakan po natin Mayor Tony Barcelon, Vice Mayor Renante Macalindong ng Calaca, Board Member Jun Rosales ng District 1. Kasama din po natin, former Congressman Tom Apacible at former Mayor Charito Apacible. Nandito din po si Councilor Jude Suayan ng Lemery at 'yung ating vice mayoral candidate ng Lian, Ronin Leviste. Nandito din po 'yung ating congressional candidate, Jenny Manalo.

CROWD: Ang ganda mo Miss Leni.

VP LENI: Maraming salamat. Buti pala dito– maraming salamat. Buti pala dito sa Nasugbu napupuri tayo. Ayan. Maraming salamat po sa ating organizers, ang RPC Batangas. Maraming salamat Nasugbueños for Leni-Kiko, Lian for Leni-Kiko, Calatagan for Leni-Kiko, Tuy volunteers for Leni-Kiko.

Maraming salamat din po sa pagtulong sa atin dito sa assembly natin, MDRRMO Nasugbu, Red Cross Batangas - Nasugbu Chapter, ang Alert Rescue 316, BFP Nasugbu, PNP Nasugbu, ang Magdalo at ang ating iba't ibang mga grupong nandito. Pasensya na kayo. Pasensya na kayo sobrang init ngayon.

[crowd cheers]

Kasing init ng  pagtanggap niyo sa amin. Alam niyo po–

CROWD: I love you!

VP LENI: Maraming salamat. Pagkakataon din po ito para sa akin magpasalamat sa inyo. Dahil noong tumakbo po akong Vice President noong 2016, napakalaki ng pinanalo ko dito sa Batangas.

CROWD: Leni! Leni! Leni!

VP LENI: Maraming salamat. Kaya ba nating ulitin?

[crowd cheers]

Pero pag inulit natin, kasama si Senator Kiko Pangilinan. At kasama din ang ating mga senatorial candidates. Alam niyo po, kukwentuhan ko lang kayo ng kaunti, ngayong araw po marami kaming lugar na pupuntahan dito sa Batangas. Dito kami sa Nasugbu pinaka-una. Alam niyo kagabi dito na ako natulog. Natapos po 'yung rally namin sa Laguna gabing-gabi na pero dumiretso na po ako dito sa Nasugbu para po sa pagtitipon natin ngayong araw.

Pero pagkatapos po dito, lilipat kami sa Tuy, lilipat po kami sa Lemery, lilipat po kami sa Sta. Teresita, may dadaanan po ako sa Lipa, may dadaanan sa Batangas City, pero magkita-kita tayo mamayang gabi sa Bauan.

Pero bakit po ba ganito 'yung aming lakad? Bakit pinapahirapan namin 'yung sarili namin imbes na imbitahin na lang lahat sa Bauan, iikot pa kami ng napakaraming lugar ngayon? At ito po hindi lang po ito ngayon pero pang ilang ikot na namin ito dito sa Batangas.

Ako po mismo, kami ni Senator Kiko, pangatlo na namin ito. 'Yung mga anak ko pabalik-balik din dito, pumupunta po sa ibang mga bayan. Gusto po namin sa inyong iparamdam kung anong klase ang aming magiging pamahalaan. Isang pamahalaan na gobyerno ang lumalapit sa tao.

Alam ko po mas madali na lang para sa amin na magkita-kita na lang tayo sa isang malaking rally. Pero kami po, sasadyain namin kayo kahit maliliit na pagtitipon lang para ipakita sa inyo na ito 'yung puwede ninyong asahan sa amin. Na pag kami po– pag kami po ni Senator Kiko ang maupo bilang pangulo at pangalawang pangulo, madalas niyo po kaming makikita sa mga komunidad.

Dahil 'yung amin pong paniniwala, pag ang mga lingkod bayan nararamdaman 'yung kahirapan na pinagdadaanan ng ating mga kababayan, mas mahusay 'yung kanilang magiging pamumuno.

Marami po kaming programa para sa mga magsasaka, para sa mga mangingisda, para sa mga kabataan, para sa mga manggagawa, para sa mga urban poor, para sa ma kababaihan at kabataan. Matagal na po namin itong kinukwento kung ano ang mga ito.

Sigurado po ako 'yung mga kandidatong mga pang presidente saka pangalawang pangulo, bibisita din dito sa inyo. Bibisita po dito sa inyo may mga pangako din. Sasabihin– ano sabi mo? Hindi daw pangako, utang daw. Sisingilin ba natin?

[crowd cheers]

Ano 'yun? Kayo ha! Ang aga-aga nangangantyaw kayo. Pero tama 'yun di ba? Kung sino 'yung pinuno, siya dapat ang mabuting halimbawa. Hindi puwede na ang ordinaryong mamamayan pinapasunod natin sa isang bagay na 'yung pinuno mismo hindi sumusunod.

Kaya po 'yun 'yung sinasabi natin. Ang sinasabi po natin, ang aasahan niyong pamahalaan sa amin ni Senator Kiko, kami 'yung unang-unang magiging mabuting halimbawa. Hindi po namin kayo– hindi po namin kayo papagawain ng isang bagay na hindi namin kayang gawin.

Sa mahabang panahon po, bago pa ako pumasok sa politika, ako po ay isang abogado para sa mga mahihirap. Ang akin pong buhay ay talagang pag babad sa mga komunidad ng mga magsasaka, ng mga mangingisda, ng mga naghihirap. At ito pong mahabang karanasan ko na babad ako sa mga komunidad na ito, ito 'yung nakatulong sa akin para maging mabuting lingkod bayan.

Noong ako po ay nasa kongreso, pag tiningnan niyo po 'yung mga panukalang batas na inihain ko, karamihan dito ay pagtulong sa mga basehang sektor at karamihan dito ay mga batas na para magbawas o maalis na ang korapsyon sa ating pamahalaan.

Kami po ni Senator Kiko, pag tiningnan niyo po 'yung aming record, ang record po namin malinis, walang anomaliya kahit po mahaba na 'yung aming panunungkulan. Dahil kung kami po ang record namin meron ng anomaliya o korapsyon, papaano namin aalisin ang korapsyon sa pamahalaan kung kami mismo hindi malinis ang aming pangalan?

Kanina po may sumisigaw ng resibo. Totoo 'yun. Wala po kaming ipapangako sa inyo na wala kaming resibo na ipapakita na gagawin namin ang aming mga pangako.

Noong ako po naging Pangalawang Pangulo, napakaliit lang ng budget ng aming opisina. Pero 'yung maliit po naming budget, marami kaming natulungan lalo na 'yung pinakamalalayo, pinakamahihirap, pinakamahirap puntahan na mga kababayan natin.

Bakit po namin ito nagawa? Dahil 'yung kaunti po naming pera, pinangalagaan namin. Walang bahagi ng aming pondo ang nahulog sa korapsyon. At ito po 'yung aasahan niyo sa aming pamahalaan. Pag sinabi po naming walang korapsyon, kami po mismo ni Senator Kiko ang magiging halimbawa niyo.

Ang amin din pong pangako: na lagi po kaming andito para makinig sa mga hinaing ninyo. Kanina po, nandiyan po ako sa likod, pinapakinggan ko 'yung ibang mga issues na inihain, ang aming pong pangako: bibigyan kayo ng malaking boses pag kami po ang naupo.

Hindi po kami magbabase ng aming mga polisiya sa mga sinu-submit lang sa amin na papeles, pero ang aasahan niyo po, bababa kami dito, kami mismo ang makikinig. Dahil 'yung lingkod bayan kailangan ganyan.

Noong anim na taon kong Vice President ko, ang halos lahat na panahon ko nasa komunidad ako– nakikinig, tumutulong, tumutugon sa mga pangangailangan. At ito po 'yung ating maaasahan.

Tinitingnan ko lang 'yung mga placard niyo, gaya niyan, "VP Leni, puwede ka gang mag-ninang sa kasal namin?" Alam niyo, pagkatapos ng kampanya, marami akong ni-ninang-an. Aasan 'yung mapapang-asawa mo? Pag nakalapit kayo dito, ang sagot ko, oo.

[crowd cheers]

Ayun na kaagad, ayun. I-lista niyo kung kailan, ha? I-lista niyo kung kailan. Dito? Dito ba sa Nasugbu? O, di babalik– Kailan 'yun? Ha? June 18? Ha? Kukunin natin ang number niyo. Gustong sabihin, babalik ako dito sa Nasugbu sa June 18.

Gusto niyong umakyat dito? Maiipit kayo diyan. Akyat kayo dito, halika. Meron ditong dalawang bata na mukhang naiipit. Dito, dito, dito. Ayan, "Hindi umabot sa Quezonduan kaya dumayong Batangas." Ito pa, samahan niyo muna ako dito kasi maiipit na itong dalawang bata diyan. "Mamamayan, pinapahalagahan, maging ang laylayan inaalagaan, dapat lang bantayan ang boto ng bayan."

[crowd cheers]

Taga Nasugbu ba kayo? Barangay Kwatro. Ikaw, oo din? Ha? Barangay? Ah ito, Barangay Kwatro, Barangay Singko. Huwag muna kayong bababa kasi naiipit kayo, dito muna kayo. "VP Leni, ikaw na bahala sa Pinas, ako na bahala kay Tricia." "VP Leni, tara barik, balita ko marami kang ambag."

"Ganito ba ang feeling ng pag-asa?" "VP Leni, paranas po ng yakap ng isang nanay." Mamaya. Ayan, may mga magpapapirma, mamaya. "VP Leni, salamat po sa medical assistance na ibinigay mo sa amin." Okay na kayo? Ayos? Ayan, maraming magpapa-picture.

"B-day po ng nanay ko ngayon, kasama ko po siya ngayon." Nasaan nanay mo? Ha? Bakit malayo ka sa– Ikaw? Ikaw 'yung nanay? Siya? Mali 'yung tinuturo mong nanay. Hala? Sino, ikaw 'yung nanay? Nasaan 'yung nanay mo? Maria? Nasaan si [Maria Katalina?] Lalaki ka, hindi ka si [Maria Katalina]. Teka muna, nasaan si [Maria Katalina]? Ah ikaw? Happy birthday po, happy birthday. Bakit magkahiwalay kayo? Bakit nanay mo nasa init, ikaw 'yung nasa lilim? Dapat baliktad.

"Mga anak ng BBM supporters for Leni-Kiko." Meron pa tayong walong araw para kumbinsihin ang magulang. "Mga bumaba galing bundok para kay Leni-Kiko. #MountBatulaoForLeni." "Mga hindi pinayagan for Leni. #SaBauan #PinkPanties." Anong klaseng– "Swifties for Leni." "Iboto Leni-Kiko. Oo 'yan, nanginginig pa."

"Future Architects for Leni." Maraming salamat. "Miski mga pandak kay Leni-Kiko ay aangat." Parang marami tayong kabahagi niyan. "Mga laging galit for Leni." "Birthday ko sa May 3, wish ko manalo ka. VP Leni, payakap." Mamaya. "Okay lang walang jowa basta Leni-Kiko ang mamamahala."

[crowd cheers]

"Umaasa ang pag-asa. #TheNation’sHope." "Kahit grado ay delikado, basta Leni-Kiko ang iboboto." Ay, grabe ito. "Nag-taxi galing Maynila for Leni-Kiko." Nag-taxi ka papuntang Nasugbu? Grabe naman 'yun. "Mas kinakabahan pa ko sa eleksyon kesa sa deadline. #LaSalliansForLeniKiko."

Oh, ito, alam niyo, ako, napakarami ko ng mahihirap na laban, ito 'yung sikreto kong hindi ako nas-stress. Pag meron tayong kailangan gawin, ibuhos natin lahat, ang Diyos na ang bahala papatapos. "Sa bawat Leni sa balota, may Kiko na kasama." "Future teachers for Leni." "Mga hanggang plaza for Leni." "Future Engineers for Leni."

"VP Leni, my mama passed away last February and I will graduate in June, hopefully Laude. Puwede po bang ikaw ang magsabit ng medal sa akin?" Saan ka nag-aaral? Ha? Hindi ko naririnig. Ano 'yung– BSU, ayan. Papakuha ko na 'yung number mo sa staff natin. "Isabelina 84, taga Nasugbu for Leni." Ka-batch niyo 'yung kapatid ko. Ha? Ayun, batch 84 'yung kapatid ko. Schoolmate ko po sa Naga pero taga dito na.

"Attorney Chel, binago mo ang buhay ko. Baguhin mo rin ang Pilipinas." Alam niyo po si Dean Chel Diokno maraming buhay ang binago dahil nagbibigay ng libreng serbisyo panligal. "Finals namin pero rally muna. #Priorities."

Okay, malapit na, malapit na ang deadline ko sa kaunti nalang. "Mga broke kpop stans for Leni." "Unang boto ko para kay Leni-Kiko." "Chemical Engineers for Leni." "Sikolohista for Leni-Kiko." "Mga Maangas ng Nasugbu for Leni." "Estudyante ng professor na BBM supporter for Leni-Kiko." Kaya mo bang kumbinsihin?

Ayan, "Puwede bang pa-picture?" Okay po. "BBM kami, Batangueñong Boboto kay Madam Leni." "Humanista for Leni-Kiko." "Ang Presidente ko parang kapeng barako, matapang." "Future Marino, Leni-Kiko." Ayan, focus na natin na tutulungan 'yung mga marino.

"Hindi pinayagan sa Bauan for Leni-Kiko." Di bale, nandito naman kayo. "Mga delikado this second sem for Leni." Ito, "Past actions predict future behavior." Tama. "HR Interviewers for Leni. Mrs. Robredo, you're hired." "Hindi pa tapos ang thesis for Leni-Kiko." "Future CPA for Leni-Kiko." Oh, ito, "May itsura kaunti, kahit papaano, for Leni-Kiko." Ayan isa na lang, isa na lang. "Say the name, Seventeen. Si Leni-Kiko ang panalo sa atin."

Maraming, maraming salamat po. Mabuhay po kayong lahat.

[END]