< Back to Transcripts

Message of Vice President Leni Robredo in the Gathering of Supporters at Capital Square, Siquijor

April 20, 2022
Siquijor
No items found.

VP LENI: Kumusta po kayong lahat? Ayun, magandang hapon Quezon! Magandang hapon. Magandang hapon po kay Mayor Richard. Magandang hapon sa Barangay Sabang. Magandang hapon– magandang hapon buong Siquijor! Masayang-masaya po ako, nakabalik ako dito sa inyo ngayon.

Pero bago po ako magpatuloy, ang akin pong pagbigay galang sa uulitin, kay Mayor Richard Quezon. Kay Vice Mayor Junnie. Vice Mayor Junnie, magandang hapon po. Kay Board Member Nanding. Board member Nanding, magandang hapon po. Kay SK Brylle Tumarong, sa atin pong mga SB members. SB Beeboy, maraming salamat. Councilor Jayson, marami pong salamat. Councilor Eric, maraming salamat. Kay Councilor Jap, maraming salamat po. Kay Councilor Joel, maraming salamat. Mayor Leonardo Daculba, naiwan ko yata doon sa kabila. Vice Mayor Ruth Bon Aque. Councilor Jose Jimenez. Councilor Mitchelle Legaspi. Councilor Abner, Councilor Rey, magandang hapon po. Councilor Gerold, magandang hapon. Councilor Wilfredo, magandang hapon. Magbibigay galang din po ako sa ating minamahal na governor, kay Governor Jecoy Villa, magandang hapon at maraming salamat. Kay Vice Governor Mei Ling ayan, Vice Governor Mei Ling Quezon-Brown, magandang hapon.

Ayun, gaya po ng sabi ko kanina, masayang-masaya po ako nakabalik ako dito sa inyo sa Siquijor. Ilang beses na din po ako nakapunta dito pero bawat bisita ko, lagi ako namamangha sa ganda ng inyong lalawigan. Napansin ko lang po, pinakahuli ko pong bisita dito bago pa mag-pandemic. Pinakahuli ko pong bisita, 2019. Pero pagbalik ko po ngayon, nakita ko napakarami nang pagbabago. Napakaraming pagbabago na natutuwa po ako na nabibigyan ng atensyon 'yung kagandahan ng inyong lugar. Napakasarap mangimbita ng mga kakilala na bumisita dito.

Pero ako po ngayon nagpapasalamat po ako kina Mayor Richard. Nagpapasalamat po ako sa buong LGU sa pagbigay po sa atin ng pagkakataon na maka-usap kayo ngayong hapon at makilala kayo ngayong hapon, mabigyan kami ng pagkakataon para marinig niyo po ang programa namin ni Senator Kiko. Ang amin pong pinaglalaban, ang pinapangako, isang gobyernongg tapat para umangat ang buhay ng lahat. Ano pong gustong sabihin ng gobyernong tapat? Isang gobyerno na galit sa korapsyon, isang gobyerno na nangangako na ang mga lingkod bayan matitino at mahuhusay. Ang pakiramdam po namin, ang paniniwala po namin, hindi aangat ang buhay ng lahat pag ang gobyerno natin hindi maging matapat.

'Yung akin pong panunungkulan bilang Vice President, pinakita po namin at pinaramdam kung ano 'yung mangyayari pag ang gobyerno matapat, sunod-sunod na taon po 'yung opisina namin, nakukuha po namin 'yung pinakamataas na COA audit rating. Sinasabi po ng COA na malinis ang pamamahala namin sa Office of the Vice President. 'Yung kakaunti naming pera, nagagamit 'yun para tumulong sa pinakamahihirap. Walang perang napupunta sa korapsyon kaya marami po kaming proyektong na nadadala sa kanayunan.

Dito po sa Siquijor, pag panahon ng kalamidad nandito po kami para tumulong. Halimbawa na lang po noong panahon ng pandemya, nagpapadala po kami dito ng mga PPE sets saka medical supplies para po matulungan 'yung mga ospital natin saka mga frontliners, saka mga RHU para po 'yung mga kababayan natin saka mga frontliners natin ay hindi naman nalalagay sa alanganin. Sa lahat pong lugar, pag merong sakuna, 'yung opisina namin 'yung nauuna. Kanina po nagsalita si Senator Kiko, ang pinakadahilan po kung bakit si Senator Kiko 'yung napili natin dahil pareho ko, si Senator Kiko po, mahabang panunungkulan bilang senador, ni minsan hindi nakabit sa anumang anomalya, ang pangalan ni Senator Kiko.

'Yung amin po, hindi lang sa hindi nakabit sa anumang anomalya, pero 'yung kakaunting pera ng taumbayan ay napapangalagaan namin kaya marami po kaming programa sa pinakasulok na mga lugar dito sa ating bansa. Kanina po, nandoon po kami sa Negros Oriental, galing po kami sa dalawang lugar doon, mamaya po papunta din kami, meron pong dalawang rallies doon po sa Dumaguete. Balita ko 'yung iba sa inyo dito ay pupunta din doon, ayun sina tourism officer natin pupunta doon, excited po kaming makasama kayo. Ito po kahit mainit 'yung panahon, nagpapasalamat kami sa inyo kasi nandito kayo. Kaya po nagpapasalamat kami doon sa mga kababayan natin dito sa Siquijor na wala pa man po kaming pagbibisita, marami na 'yung ginagawa para po matulungan ang ating kandidatura.

Ano 'yun? "[speaks in local dialect 7:03 - 7:05]." "Ikakagalit ba ng Nescafe kung para kay Leni ako bumabangon?" "Barangay Sabang--" ay nabasa ko na, "Barangay Sabang for Leni." "Hindi pa ako nanananghalian kaya masarap 'yung burger kainin." "Mama Leni pa-hug and picture, Ipanalo na natin ito." "Siquijor is Pink." "Leni-Kiko 2022." "Pang-resibo lang po sa jowa."

Ang akin pong pangako dito sa Siquijjor, alam po natin na meron tayong mga kahirapan na pinagdadaanan, 'yung kuryente isa doon, 'yung internet connection isa doon, 'yung amin pong pangako ay tututukan natin 'yun dahil 'yung progress mangyayari lamang pag maayos ang ating kuryente, maayos ang ating internet connection. Kanina po nag-uusap po kami ni Gov Jecoy, pinag-uusapan po namin na pag binigyan tayo ng pagkakataon, aasikasuhin natin 'yung international port dito para magbigay ng trabaho at investments dito sa Siquijor.

Ang gusto kong sabihin, pag binuhusan po ng pera ng national government ang isang lugar gaya ng Siquijor, ang pinakapangako nito trabaho, mas magandang buhay para sa lahat. Si Senator Kiko po kinuwento sa inyo 'yung programa namin para sa agrikultura, magbibigay po tayo ng malaking focus para sa ating mga magsasaka saka mga mangingisda dahil matagal na panahon sila 'yung naghihirap lalong-lalo na ngayon dahil sa Rice Tarrification Law, talong-talo tayo sa imports kaya aasikasuhin po natin 'yan.

Maraming salamat po, “The right choice, Leni Robredo.” Maraming salamat sir, balita ko si sir galing pang Negros Oriental, dumayo dito para makiisa sa atin, so maraming salamat. Hindi po kami masyadong magtatagal dahil po marami pa po tayong iikutan saka meron po tayong dalawang rallies sa Dumaguete. Pero iniimbitahan po namin, iniimbitahan po namin lalo na 'yung mga kabataan na puwedeng lumipat doon to join us tonight, marami po tayong mga special guests. Saka ‘yung lahat na mga kandidato natin nandoon tonight para po maging masaya 'yung ating pagkakaisa. Pero Mayor Richard, maraming maraming salamat po sa pagbigay sa atin ng pagkakataong ito. Sa buong leadership, LGU, maraming salamat.

Maraming salamat sa bayan ng Siquijor, sa lalawigan ng Siquijor, sa inyo pong lahat, mabuhay po kayo, mag-iingat po kayong lahat.

[END]