< Back to Transcripts

Message of Vice President Leni Robredo during the Multi-Sectoral Talakayan in District 2, Canlubang, Calamba City, Laguna

April 29, 2022
Calamba City, Laguna
No items found.

[START]

VP LENI: Ayan, magandang hapon. Maraming salamat Father. Ayan. Magandang hapon. Ibabalik ko lang muna 'yung telepono sa organizers kasi hindi ko narinig 'yung mga issues noong mga sektor kanina, so isu-summarize para sa atin, para maka-respond tayo sa mga issues, maraming salamat.

REPRESENTATIVE: Isang karangalan ang makapagsalita sa harap ni VP Leni. Ngayong araw, narinig natin ang mga boses mula sa iba't ibang sektor: PWDs, fisherfolks, youth, kababaihan, frontliners, solo parents, senior citizens at LGBT community. Sa mga PWDs natin, hinahangad nila ang gobyerno na hindi selective at maaabot ang lahat kahit ang mga PWDs.

Sa ating mga fisherfolks VP Leni na natulungan niyo po dito sa Rongot, lubos po silang nagpapasalamat sa nai-abot niyo na tulong kahit ang lugar po nila ay napakalayo po mula sa siyudad, ay talagang kayo po mismo ang pumunta doon at nag-abot ng tulong sa kanila.

Sa ating youth, sa amin po VP Leni ang hinihiling po namin na gobyerno, ang gobyernong papakinggan kami at hindi kami patatahimikin. Ang gobyernong pagtutuunan ng edukasyon dahil ito ang paraan upang mapalitan natin ang bulok na sistema ng politika. Bilang youth, bilang kabataan maaasahan mo po ang buong suporta ng kabataan na nandito po ngayon.

Sa ating frontliners, kagaya nga ng sabi ng speaker kanina, ikaw daw ay tagapagpangalaga ng tagapagpangalaga dahil sa COVID response mo, narinig ang mga boses ng frontliners kung saan ang mga frontliners natin ay overworked at underpaid. At sa pamamagitan po ng COVID response mo ay nabigyang pansin ang ating mga frontliners, ang ating mga buhay na bayani.

Sa solo parents naman po, ang hinihiling nila ay tulong na pangkabuhayan kahit mag-isa lang nila itinataguyod ang kanilang pamilya, ay mapapag-aral at mapapalaki pa rin nila ang kanilang mga anak.

At para naman po sa LGBT, acceptance, respect and love. Maraming salamat po.

VP LENI: Ayan. Happy birthday! Birthday niya bukas. Ayan. Magandang hapon ulit. Ayan, bago po ako magpatuloy ang aking pagbigay galang at pasasalamat sa Don Bosco Community sa pag-host po sa atin ngayong hapon. Kasama po natin si Father Joel Camaya, ang ating rector. Father Martin Macasaet, Father [Ramon Garcia] at Father Paul Suarez, ang ating SVD administrator. Nandito din po ang ating coordinator, Mr. [Elbert Dela Resua], si Attorney Aleta hindi ko pa nakikita, Attorney Aleta Tolentino ang ating RPC provincial head. Mr. [Wilson Valles] ang head ng RPC Calamba. Mr. [John Michael Angoy] ang ating RPC Calamba coordinator. Magandang hapon din po. Nandito pa ba si Perci? Nandito pa si Perci ang ating Akbayan first nominee? Kanina yata nandito siya. Nandito din po si Board Member [Niño Lehara] ang aking inaanak, saka si Councilor [Carla Adahar], ayun mag-asawa sila. Sa inyong lahat, 'yung mga representatives galing sa iba't ibang sektor, 'yung mga galing sa transport, galing sa PWD– mamaya na tayo sumigaw kasi kapag sumigaw kayo hindi tayo magkakarinigan di ba? 'Yung ating frontliners, ating senior citizens, ating solo parents, mga kababaihan, fisherfolk, youth, Couples for Christ, sa inyo pong lahat, magandang magandang hapon mulli, maraming salamat po.

Pangatlong lugar ko na ito ngayon sa Laguna. Kanina po nasa Paete kami, lumipat kami ng Pagsanjan, ngayon nandito na kami. Pagkatapos po nito, may isa pa akong pupuntahan bago noong rally. Kaya po nakiusap ako kay Senator Kiko, mauna ako sa kanya dahil meron pa po akong isang meeting after this. But I hope to see everyone sa rally mamaya. Pupunta ba kayo? [crowd cheers] Buti na lang huminto 'yung ulan, pero 'yung ulan kasi lagi blessing 'yun di ba? So, I hope to see everyone po mamaya sa rally. Promise masaya 'yung magiging rally natin.

Bago ko sagutin 'yung mga issues na ni-raise kanina, gusto ko lang magpasalamat dahil marami dito mga volunteers and supporters. Alam ko po, nakikita ko sa mga picture, nakikita ko sa videos na grabe 'yung ginagawa niyo to support our campaign. nag-umpisa kayo sa mga lugawan, nalipat ito sa mga motorcade, ngayong nagha-house-to-house na 'yung karamihan at nag-aattend ng mga rallies, maraming maraming salamat po. Please know na napakahalaga ng inyong participation dahil ito, hindi lang ito nagpapalakas loob sa ating mga volunteers, pero ito po 'yung nagpapalakas ng loob saka nagfu-fuel ng energy ng lahat, ayun.

Hindi ko lang alam kung merong mga– nakakakita ba ‘yung mga nasa likod? Okay lang kayo? Okay lang, okay lang, sige. Sagutin ko muna 'yung mga PWDs, ayun, magandang hapon sa inyong lahat. Ang dapat na programa sa mga PWDs parang hindi lang compliance na magkaroon ng programa, pero ang dapat nating sinisiguro number one, na 'yung PWDs natin may access sa lahat ng serbisyo ng pamahalaan na hindi kayo nahihirapan. Number two na tingin natin mas importante, dapat 'yung pamahalaan gumagawa ng mga programa para productive pa din kayo despite your limitations, di ba?

Papaano kayo magiging productive despite your limitations? Dapat doon sa mga bagay na nahihirapan kayo, dapat tinutulungan kayo ng gobyerno na makasabay. Ang example ko nito, sa amin po sa Naga, 'yung pinaka-advocacy ng pamilya ng asawa ko, advocacy para sa PWDs. Ang dahilan po nito dahil 'yung disability runs in the family. Sa in-laws ko po, 'yung father in-law ko completely blind. Tapos every other child in the family, blind din. 'Yung asawa ko po, napapagitnaan ng dalawang blind siblings. So, naging advocacy ng pamilya nila na talagang asikasuhin 'yung mga may kapansanan. Pero 'yung pag-asikaso, hindi na pinaparamdam sa kanila na may kapansanan sila, pero pinaparamdam sa kanila na despite their limitations, kaya pa din nilang maging productive.

Halimbawa, meron po kami mga programa for the blind na kahit hindi ka nakakakita, puwede kang magtrabaho like any normal person kasi nag-invest 'yung foundation sa mga gamit para sa blind. Halimbawa, meron po ngayon na mga gadgets na pag nag-scan ka ng libro, lalabas 'yun na braille na. Meron ding mga gamit na nagiging– nata-taranslate sa audio 'yung mga nababasa natin, nababasa natin online, nata-translate sa audio so kung anong natututunan natin, natututunan din ng blind person.

Ang sunod, 'yung accessibility, marami tayong mga infrastructure na hindi pa din sila accessible, di ba halimbawa ma'am sa'yo, naka-wheelchair ka ngayon, I am sure marami kang hindi naaabot dahil hindi lang mga ramp, pero 'yung pag-build ng mga, pag-build ng mga ano ito, mga daanan, hindi talaga siya friendly para sa inyo. So, ano ang programa natin for PWDs? Ang programa natin, kailangan ma-mainstream lahat, hindi siya parang special program, pero dapat naka-embed siya sa each and every program para sa lahat na sektor para kahit may disability ka, nagiging produtive ka pa rin, 'yan.

Pangalawa, 'yung sa fisherfolks, nandito pa ba sila? Nandito pa ba 'yung ating fisherfolks? Nandoon sila? Nandiyan pa ba kayo? Nabisita ko na kasi sila, nabisita ko sila I think noong 2020 o 2019. Nagbigay po tayo sa kanila ng livelihood, livelihood grants. Isa po ito sa patuloy na programa ng opisina namin na sinisiguro 'no, 'yung mga nasa basehang sektor na nahihirapan, na tutulungan sila para makahabol. Kanina po, kaya galing kami sa Paete kasi kausap po namin doon, mga magsasaka, mga mangingisda sa Laguna Lake, saka 'yung mga wood carvers. Pinag-uusapan, papaano ba sila matutulungan?

Sa Pagsanjan naman, 'yung mga kausap natin maliban sa mga kababaihan, 'yung mga bangkero, kasi noong nag-COVID, nawalan na sila ng mga turista at wala na sila ng hanapbuhay. So, 'yung mga kabataan, ano ba 'yung issue na sinabi sa mga kabataan? Ang sinabi, papaano ba kayo, papaano ba magiging mainstream 'yung mga hinaing ninyo, di ba? 'Yun 'yung pag-summarize noong sinabi kanina, papaano natin masisiguro na 'yung boses ng kabataan nalalagay sa tama?

Ito, hindi lang ito obligasyon ng gobyerno pero obligasyon din ito ng kabataan. Gaya ngayon, sobrang active ninyo sa kampanya, di ba? Marami ngayong kabataan sobrang active sa kampanya pero hindi siya sapat kung hindi natin ito masu-sustain beyond the elections. Kailangan, whatever the result of the elections, kailangan 'yung mga kabataan, patuloy na nakikilahok, patuloy na binibigyan ng boses at ito, sinasabi ko ito pag kami 'yung nanalo, 'yung ma-eensure ko na bibigyan kayo ng mechanism saka platform.

Yung SK Reform Law, co-author ako noong nasa 16th Congress ako, napakahalaga noon, kasi 'yung SK Reform Law, ang pinaka-intent niya mas ma-empower 'yung mga SK. For the first time pinaglaban natin na magkaroon ng anti-dynasty provision 'yung SK Reform Law, ewan ko lang, meron bang mga SK dito? Wala? Walang mga SK? Gustong sabihin, 'yung mga kabataan dito, hindi kayo mga SK? Meron din, meron din. Kung hindi kayo familiar sa SK Reform Law, nalagyan natin 'yun— 'yung mga authors noon sa house of representatives, nalagyan 'yun ng anti-dynasty provision. Napakalaking start nito para mapunta tayo sa instead na patronage na klase ng politika, mas empowering na klase ng politika, pero kinakailangan natin na 'yung pakikilahok niyo, mas maging meaningful.

Hindi lang ito happy happy, ano? Sana 'yung pag-join sa mga rally, hindi lang para maging masaya, pero para mag-contribute sa solusyon. Kailangan, 'yung mga kabataan, magkaroon siyang ownership sa problema para nakakapag-contribute siya. Hindi ko alam if I make sense, tama ba? [crowd cheers] Alam kong mainit, mahirap makinig pag mainit.

'Yung frontliners, totoo na noong pandemic, kami yata 'yung opisina na naging very consistent, kami 'yung opisina na 'yung nagkakawalaan ng PPE sets, kami 'yung nagpo-provide, 'yung nagkakawalaan ng mga medical supplies, kami nagpo-provide. Noong kailangan, noong nahihirapan tayong i-push 'yung vaccination, nagkaroon kami ng Vaccine Express, noong nag-shutdown 'yung public transportation, nagkaroon tayo ng shuttle buses, noong nahihirapan 'yung mga frontliners na wala silang uuwian, nagbigay tayo ng free dorms. Pero ito, bakit namin ito nagawa? Nagawa namin ito despite our very limited mandate kasi kami, babad na babad sa communities. Alam namin kung gaano ka-urgent 'yung mga pangangailangan.

So, example, nag-aannounce pa lang na merong pandemic sa China, ay ano pa lang 'yun, virus. Nag-aannounce pa lang na merong COVID sa China, pinaghandaan na namin. Wala pang nakakapasok dito, nagre-ready na kami, just in case, just in case may makapasok. Ang hindi namin inaasahan, kahit naghanda kami, kulang pa din 'yung paghahanda because of the enormity of the problem, pero bakit namin na-sustain ito? Noong nagkakaubusan ng mga PPEs na ini-import because we were competing with the rest of the world, nagpagawa na kami locally.

Dito sa Calamba, meron tayong mga sewing communities na tinap, meron ditong sewing communities, nandito ba kayo? Wala? Wala 'yung mga partner natin na sewing communities. 'Yung mga sewing communities na nagtatahi, kayo ba 'yan? Kayo 'yan? Ayun, ayun pala sila. Nabisita ko na 'yung tahian nila, ayun, sila 'yung isa sa mga dahilan kung bakit naproteksyunan natin ang ating mga frontliners, pero bakit napakabilis namin 'yun na-rollout? Napakabilis namin na-rollout kasi dati na kaming babad sa ground.

So, halimbawa, the day na hininto 'yung mga, mga public transport, the following day, meron na kaming shuttle buses, bakit namin 'yun nagawa? Unang-una, marami na kasi kaming mga partnerships with the private sector. Pangalawa, pinangalagaan namin 'yung reputation ng Office of the Vice President, kaya noong lumapit kami sa mga partners, at once nagsabi 'yung mga partners, “ Oo, handa na kami.” Pangatlo, marami sa amin, commuters din. So, alam namin kung gaano kahalaga na magkaroon sila ng sasakyan.

So, bakit ko siya sinasabi sa inyo? Kasi, while 'yung mga ginawa namin nakatulong, kami frustrated pa din kami kasi alam namin na mas malaki 'yung problema, ang naitulong lang namin portion doon sa problema dahil 'yun lang 'yung kaya namin, pero pag mabigyan kami ng pagkakataon mamuno ng bansang ito, mas mabibigyan kami ng malaking mandate, mas mabibigyan kami ng malaking pondo, mas kaya naming gawin na programmatic lahat and kaya ko ito, kaya ko ito sinasabi sa inyo kasi healthcare napakahalaga, di ba? 'Yung healthcare napakahalaga, 'yung role ng frontliners napakahalaga pero 'yung tanong natin, are we treating them fairly, di ba? Tama ba 'yung treatment natin sa frontliners natin?

Pangalawa, naging ugali na kasi sa atin 'yung patronage. Ang gustong sabihin, pag merong nagkakasakit, kailangan ng tulong, 'yung mga nangangailangan, pabunggo-bunggo kung saan saan na opisina, humihingi ng tulong, hindi dapat ganoon, di ba? Dapat, hindi ka kailangan pupunta ka kay mayor, pupunta kay congressman o pupunta ka sa OVP para humingi ng tulong. Dapat, kung efficient 'yung pamahalaan, hindi mo na 'yun kailangan gawin dahil may programa na para sa mga nangangailangan ng tulong.

Ang aming pangako, ang aming pangako sa inyo na pag nagkasakit kayo, hindi magiging hadlang ang kahirapan, pag nagkasakit kayo at mahirap kayo, sasaluhin kayo ng gobyerno na hindi niyo kailangan, hindi niyo kailangan bumunggo-bunggo para humingi ng tulong, kasi bakit masama siya? Bakit masama 'yung kailangan pupunta tayo kung kani-kanino?

Kasi ito 'yung nagbi-breed ng patronage politics. Pag lumapit tayo at tinulungan natin– tinulungan tayo, may utang na loob na sa amin, na pag utang na loob ang pinagmumulan, hindi magta-transform 'yung bansa natin. Dapat– kasi anong nangyayari? Kung may utang na loob na tayo sa politiko kahit merong hindi magandang ginagawa 'yung politiko na may utang na loob tayo, tikom na 'yung bibig natin. Kasi pakiramdam natin may utang tayo sa kanila.

Pero kung ang mga problema natin lalo na ng mga mahihirap, meron nang programa para doon hindi na ito kailangang gagawin. So, bakit ko ito sinasabi? Kasi ito 'yung ino-offer namin sa inyo. Ang ino-offer namin sa inyo, talagang ita-transform natin how things are being done para ang pino-promote natin hindi patronage politics na utang na loob 'yung nagfu-fuel, pero mas empowering na klase ng politika. Pag mas empowering na klase ng politika parang 'yun 'yung nangyayari ngayon sa kampanya. Hindi kami ang nasusunod. Taumbayan 'yung nagpaplano dahil alam niya na mahalaga ang papel niya in the larger scheme of things.

So, pang-apat, solo parents. Ako solo parent din ako. Si [Mylene] solo parent din. Masuwerte 'yung mga solo parents na ang suweldo nila kasya na pampa–  pang-edukasyon, pang-health care ng mga anak. Pero majority sa solo parents hindi ganoon ka-privileged. So, ano dapat ang programa ng pamahalaan?

Ang dapat na programa ng pamahalaan, iniintindi niya kung ano ‘yung kahirapan ng solo parents para 'yung mga programang ginagawa niya, para maibsan 'yung kahirapan. Halimbawa, sa pagpaaral ng mga anak dapat priority sa government scholarships 'yung mga anak ng mga solo parents na kaunti lang 'yung income.

Pangalawa, 'yung mga paid leaves. Ano, 'yung mga paid leaves, meron naman ngayon sa Solo Parent Act pero kulang. Pag nagkakasakit 'yung anak, pag meron kang ka-partner puwedeng salitan kayo. Pero pag mag-isa ka lang at naramdaman mo na 'yun ilang beses, solo flight ka, dapat tinutulungan ka.

Halimbawa, 'yung cash assistance. 'Yung mga meron na kahit hindi na masyadong bigyan ng cash assistance pero 'yung mga solo parents na minimum wage o below minimum wage, dapat kabahagi sila sa Social Protection Program ng pamahalaan para natutulungan sila na kahit solo parent sila, ang mga anak nila makakapagtapos pa din sa pag-aaral. Na maglagay ng mga programa para natutulungan siya na kung hindi siya puwede merong sasalo sa kaniya.

Halimbawa, meron dapat na libreng daycare services na kung wala siyang mapapag-iwanan ng anak niya, maiiwan niya doon. Pangalawa, 'yung sana merong parang shuttle buses para sa mga pagsundo ng mga anak na puwede naman itong community led para hindi nagiging– kasi ewan ko lang kung naramdaman– sino ba 'yung mga solo parents dito? Meron ba ditong solo parent? Di ba ang hirap pag nagtatrabaho ka tapos magsusundo ka ng anak mo?

Patakas-takas ka sa– ewan ko [Mylene] kung dinaanan mo 'yan, sa mga shooting siguro. Kung merong okasyon 'yung anak mo, di ba ang hirap? So, dapat 'yung community ang gumagawa ng paraan siyempre, fueled by government na 'yung mga dapat na roles na pine-play ng asawa, merong nagpa-partner sayo para magawa 'yun.

Mahaba 'yung ating listahan pero 'yung pinaka-number one dito, parating ang pinaka-target matapos 'yung mga anak, mabigyan ng disenteng tirahan saka nakakakain tatlong beses sa isang araw 'yung mga anak, 'yun 'yung dapat nating asikasuhin.

Tapos 'yung panglima, LGBTQIA+. Marami 'yung nagsasabi na ang Pilipinas daw better off na pagdating sa LGBTQIA+ na treatment. To a certain extent tama 'yun lalo na pag kinumpara tayo sa ibang mga bansa who are not doing well. Pero kung ang tanong enough ba 'yun? Ang sagot, hindi kasi grabe pa din 'yung discrimination na nararamdaman.

Noong member ako ng 16th Congress, co-author ako ng Anti-Discrimination Bill, na 'yung Anti-Discrimination Bill binabawal niya 'yung any act na magdi-discriminate sa kahit sino man on the basis of age, on the basis of choices made, on the basis of gender, na dapat hindi ginagawang katanggap-tanggap sa society 'yung masamang treatment sa iba dahil lang sa choices na ginawa nila.

So, ito lang masyado itong patse-patse dahil nagre-respond lang tayo sa mga issues na ni-raise ninyo. Pero ano ba 'yung gustong sabihin ng overarching promise natin na gobyernong tapat, angat buhay lahat? Ang gustong sabihin nito, ang pinakatarget ng ating pamahalaan upliftment ng lives ng lahat ng mga Pilipino. Pero ang sinasabi natin, hindi natin maiaangat 'yung buhay ng lahat pag hindi natin inayos 'yung pamahalaan. Papaano natin aayusin 'yung pamahalaan?

Magsisimula 'yun sa isang gobyernong tapat. Hindi katanggap-tanggap na hindi maayos 'yung gobyerno. Hindi katanggap-tanggap na hindi malinis 'yung gobyerno. So, ang ating promise sa lahat matino at mahusay na pamumuno. Ang ating promise sa lahat, na bibigyan kayo ng pamahalaan na magiging proud kayo na Pilipino kayo dahil pag ang tao proud kung nasaan siya ngayon, nagko-contribute siya. Parang kayo, karamihan sa inyo dito abonado, di ba? Pero bakit ba maluwag sa kalooban niyo kahit abonado kayo?

Maluwag sa kalooban niyo kasi proud kayo sa ginagawa ninyo. Maluwag sa kalooban niyo kasi alam niyo para sa tama 'yung pinaglalaban natin, di ba? So, tayo kung ano 'yung nararamdaman niyo ngayon, ganoon 'yung gusto naming iparamdam sa inyo pag kami 'yung namumuno. Na masaya kayo na ito 'yung gobyerno ninyo. Na ang pakiramdam ninyo ito 'yung gobyernong dini-deserve namin. And dahil masaya kami, magiging– may ownership kami sa ginagawa ng gobyerno.

Napakita po namin 'yan sa Angat Buhay Program ng Office of the Vice President. Kakaunti lang ang mandato namin, kakaunti lang 'yung budget namin pero bakit ang dami naming nagawa? Dahil ang private sector may tiwala sa amin, tumutulong sila. So, ako po ganoon 'yung aking plano. Pagkatiwalaan kami ng private sector para 'yung nasa private sector na nakakaluwag, katuwang namin sa pag-asikaso noong mga nahihirapan. So, ito pag tinanong kayo, ano 'yung gobyernong tapat, angat buhay ang lahat? Ito 'yun. Sisiguraduhin natin na mas hirap ka, mas tutulungan ka.

Kanina po sinasabihan kami bakit pa kayo pupunta sa Paete? Bakit pa kayo pupunta sa Pagsanjan? Kakaunti lang naman 'yung kausap niyong mga sektor doon. Dahil gusto naming ipakita na pag kami 'yung namuno, walang malayo, walang maliit, walang mahirap puntahan. Mas lalo kayong hirap, mas lalo namin kayong pupuntahan. Mas lalo kayong malayo, mas lalo namin kayong pupuntahan dahil ang papel ng gobyerno, 'yun. Ang papel ng gobyerno, sinisiguro niya na 'yung mga Pilipino nagtutulungan, na 'yung mga nakakaluwag, 'yun 'yung tutulong sa mas nahihirapan.

Hindi na po ako magtatagal. Maraming, maraming salamat sa inyo. Magkikita po tayo mamaya sa Sta. Rosa. Ayan, ang susunod po sa ating magsasalita ay ang ating susunod na magiging Vice President. Ang atin pong Vice President, Senator Kiko Pangilinan.

[END]