< Back to Transcripts

Message of Vice President Leni Robredo During her Visit to Masbate City Hall Masbate City Hall, Masbate City, Masbate

April 13, 2022
Masbate City, Masbate
No items found.

VP LENI: Mayor Owen, Mayor Ates, Vice Mayor Ruby, nasaan na si Vice? 'Yung mga councilors, mga department heads, barangay officials na yaon. Maray na aga po sa inyo gabos! Masaya po akong nakabalik ulit ako sa Masbate. I was here December. Pabalik-balik naman ako. Pero over the course of the six years that I was Vice President, kadalasan bumabalik ako pag may sakuna. I think 'yung last na punta ko was Tisoy? Pero hindi po dito sa Masbate City. I was in Ticao saka sa Burias.

I was here again, December of last year. Marami pang ibang beses Mayor Owen ano? Marami pang ibang beses na bumalik ako. Pero I think not many of you know na noong mayor pa po ng Naga 'yung asawa ko, na-assign ako dito sa Masbate. I was here for two years, one week every month, nandito ako. Binilin ako ng asawa ko kay Mayor Ates. Si Mayor Ates, in-assign si Mayor Owen na sasamahan ako pag nandito ako. So, kadalasan nagkikita kami. Ikaw Mayor Owen 'yung nagturo sa akin 'yung masarap na kainan. Anong pangalan noon? Amperez. Nandiyan pa ba siya? Wala na. Hindi ko maalala kanina, kinukwento ko doon sa Bishop's Residence 'yung kinakainan namin.

Pero I was here kasi ako po 'yung nag-handle noong paralegal formation na programa namin with Plan International. Nagte-train kami ng mga community leaders from Milagros, Mandaon, and Balud. Two years po akong pabalik-balik dito sa Masbate. So, 'yung Masbate has always been special to me. Lalo na noong namatay 'yung asawa ko. Dito siya namatay. So, every time na bumabalik ako dito, it is like coming home. Kahit nakuha na 'yung katawan niya, nadala na namin, parang pakiramdam ko nandito pa din siya sa dagat ng Masbate. And over the years, dahil natutunan kong mahalin 'yung lugar, at the same time nasasayang din ako. Nasasayang ako in the sense na tingin ko maraming potentials 'yung Masbate na hindi nama-maximize.

'Yung Masbate City has always been a– parang crown jewel of the province, always known for good governance, innovative programs. Pero ang problema ng Masbate City pareho ng Naga City, na sa Camarines Sur, Naga City din 'yung crown jewel pero 'yung labas ng Naga parang untapped din. Hindi nama-maximize 'yung resources. And parang– wini-wish namin na mag-reverberate 'yung nangyayari sa city sa mga katabing lugar kasi we all know na ang way to progress talaga is good governance.

Dito sa Masbate marami nang pagbabago sa City. Noong panahon na pabalik-balik ako, Amperez lang 'yung nakakainan namin, wala pa 'yung mga fast food. 'Yung bangko noon dalawa pa lang. Ngayon, ibang-iba na. Pero siyempre 'yung gusto natin mag-expand sa labas ng city 'yung progress. And pag binigyan ako ng pagkakataon manalong Presidente, isa ito sa tututukan ko. [applause] 'Yung tubig saka ilaw, 'yun 'yung isa sa mga pinakamalaking problema ng Masbate. Kailangan mag-invest ang pamahalaan. Nandiyan na si Senator Kiko, our Vice President. Yes, okay lang Sen.  Ayan.

Kanina during the rally 'yun 'yung sinisigaw Mayor Ates ng tao. 'Yung kuryente. Pero ito kasi kung hindi mag-iinvest ang pamahalaan ng malaking pera, hindi po maayos. And hindi ito kaya ng Local Government. Kailangan talaga tumulong 'yung National Government para maayos 'yung tubig saka 'yung kuryente. 'Yung kuryente all over the region 'yung problema pero mas mahirap dito sa inyo kasi isla. Ito pinapangako ko ito pero more than promising you particular programs, mas pina-promise namin ni Senator Kiko 'yung matapat na pamamahala. Dahil palagay natin 'yung sustainable progress mangyayari lang pag maayos 'yung pamahalaan. And maaayos lang natin 'yung pamahalaan if we have the people behind us.  

Napakita niyo naman 'yun dito sa city. Pag akyat ko pa lang punong-puno kayo ng awards. Kailangan lang mahawa natin 'yung mga katabi. And pag binigyan niyo kami ng pagkakataon,  siguro hindi ko naman kayo kailangang kumbinsihin na mahal ko 'yung Masbate [applause] kasi I have shown that many times over already. Pero ito hindi lang Masbate pero 'yung mga lugar na napapagiwanan, 'yun 'yung mas bibigyan natin ng priority, knowing na walang real progress pag may naiiwan pa din.

We have a lot of dreams and aspirations for our region. Ang inaasahan ko lang na pag ang tao binigyan ng pagkakataon to choose between what is good and what is not, parati niya pa ring pipiliin 'yung makakabuti sa kanya. Kaya ako I am very hopeful pero ang hihingiin ko sa inyong tulong hindi lang para sa akin, pati din sa aking Vice President, Senator Kiko Pangilinan, saka sa aming Senatorial candidates. Hindi lang po  kami makakatagal masyado kasi katatawag lang noong pilot namin while we were on the way here, katatawag lang noong pilot namin na magko-cover daw 'yung Naga airport. So, we have to take off before 2:00 pm. May tatlo pa po kaming lakad after this. So, hihingi lang kami ng paumanhin that we can not stay long. Pero 'yung paghingi naming paumanhin, pakikiusap din na sana masamahan niyo kami sa laban na ito. [applause]

Mga punong barangay, kung mga punong barangay ang nandito talagang nasa kamay ninyo 'yung pag– kayo 'yung pinapaniwalaan sa mga lugar ninyo. So, sa amin lang po, hindi lang sa dahil Bikolano ako, pero sana 'yung maging basis ng pagpili ng mga  kababayan natin 'yung katotohanan. Ang dami nang kasinungalingan ngayon na nasa social media. Sana mapalitan lang natin 'yung kasinungalingan ng katotohanan. Tingin ko po pag kayong mga kapitan ang magsasabi what is true and what is not, maniniwala 'yung tao. So, maraming salamat po. Maraming salamat sa inyo.

[END]