< Back to Transcripts

Message of Vice President Leni Robredo during her Koronadal City Hall Visit City Hall, Koronadal City, South Cotabato

March 15, 2022
Koronadal City, South Cotabato
No items found.

VP LENI: Maraming salamat. Maraming salamat. Ang atin pong pagbati at pagbibigay galang kay Mayor Ogena, kay Vice Mayor Miguel, sa lahat po ng ating mga Councilors, mga Department Heads, mga Kawani ng LGU Koronadal, sa inyo pong lahat magandang, magandang hapon.

Ang una po gusto ko pong magpasalamat kay Mayor, kay Vice Mayor, sa City Government sa pagtanggap sa atin– sa mainit na pagtanggap sa atin saka pagbukas ng City Hall para po mabigyan tayo ng pagkakataon na makita kayo ngayong hapon. Ang Koronadal naman po hindi bago sa akin, pang-apat ko na yata itong punta dito. Meron po kayo special place in my heart dahil ito lang po yata 'yung natatanging local government unit na merong kalsada na ipinangalan sa yumao kong asawa.

'Yung pinaka-una ko pong pagpunta dito ay labis niyo pong pinasaya. Kamamatay lang po ng asawa ko noon, Congresswoman pa po ako. Labis niyo po akong pinasaya na dito na napakalayo po sa amin, inaalala 'yung asawa ko hanggang ngayon at in-immortalize 'yung kaniyang mga nagawa sa pagpangalan ng inyong kalsada para sa kaniya. Kaya ito po 'yung habangbuhay naming tinatanaw na pasasalamat at pagmamahal ng mga tao ng Koronadal.

Ilang beses na din po akong pumunta for many different reasons. At ngayon po na kandidato tayo pagka-Pangulo nabigyan uli tayo ng pagkakataong makabalik, kaya nagpapasalamat po tayo. Nagpapasalamat po tayo na dito po sa City Hall, Mayor, malayang nakaka-express 'yung mga tao ng kanilang saloobin. Pagpapakita na 'yung mga choices ng bawat isa ay hindi lang binibigyan ng daan pero iginagalang. Malaking bagay po 'yun sa atin dahil 'yung nakaka– kayo pong mga nakakakilala sa akin ever since naman alam niyo 'yung lagi kong pinaglalaban. Ang pinaglalaban po natin isang matino at mahusay na pamamahala at isang klase ng pamamahala na nagbibigay ng daan para ma-empower 'yung lahat. At nakita ko po 'yun ngayon sa pagbisita ko, labis niyo po akong pinasaya.

Kaya hindi na po kami magtatagal pero 'yung iba yata ay pupunta doon sa susunod natin na pagtitipon. So, magkita-kita po tayo doon. Galing na po kami sa Kidapawan. Pagkatapos po ng ating event mamaya ay lilipat naman kami sa Gen. San. 'Yung masipag pong magbiyahe imbitado din po kayo sa Gen. San. para po magka-isa tayong lahat. Pero maraming, maraming salamat po sa pagmamahal na ipinakita niyo po sa amin ni Senator Kiko. Mabuhay po kayong lahat.

[END]