< Back to Transcripts

Message of Vice President Leni Robredo at the Tanay Mini Rally Tanay Park, Yujuico St., Tabing, Tanay, Rizal

April 5, 2022
Tanay, Rizal
No items found.

VP LENI: Magandang Hapon, Tanay! Magandang Hapon, Second District ng Rizal. Grabe parang ‘di kayo inulan. Ngayon, ‘di na nga umulan. Ah bago po ako magpatuloy, meron pa, meron pa. Bago po ako magpatuloy, magpapasalamat lang po ako sa napaka-generous na introduction ng ating minamahal na board member, Board Member Dino Tanjuatco, saka po ang Tanay Youth for Leni-Kiko.

[CROWD CHEERING]

VP LENI: Grabe, basang-basa na kayo. Grabe, parang grabe ‘yung ulan parang grabe pa din ‘yung energy niyo.

[CROWD CHEERING]

VP LENI: Pupunta pa tayo sa Antipolo ha. Ayan, pagkatapos nito. Pero gusto ko lang pong paubatan ng aking pag-galang ang ating pong napaka-sipag, minamahal po nating Mayor, Mayor Rex Tanjuatco. Ang atin din pong Vice Mayor, Vice Mayor Lito Tanjuatco. Ang atin din pong Mayor ng Jala-Jala, Mayor Narsing Villaran, saka po ‘yung buong LGU Jala-Jala na kasama po natin ngayong hapon. Maraming Salamat po sa inyo. Kay Mayor Totoy Ocampo ng Cardona, saka ang buong LGU Cardona na kasama din natin ngayong hapon. Board Member Dindo Abueg, maraming Salamat po sa inyo. Ah ‘yung lahat ng ibang Local Official na kasama natin, ‘yung iba’t ibang mga grupo na, sila ‘yung dahilan kung bakit tayo nandito ngayon hapon. Marami sa kanila siguro wala pang tulog. Meron na ba kayong tulog.

[CROWD: Wala pa!]

VP LENI: Wala pa? Maraming Salamat sa lahat napagod. Nagpapasalamat po tayo kay Mr. June Fulgado ng Tropang Leni-Kiko Tanay. Maraming Salamat, June. Ayan kanina na-mention ko na, “Tanay Youth for Leni,”. Maraming Salamat din sa “Artists for Leni”. Balita ko po, maraming murals tayo dito. Dadaanan ko siya mamaya, para makita ko. Pero maraming Salamat, Nakita ko na siya sa Facebook. Napakagaganda, maraming salamat sa inyo. “LGBTQIA+ for Leni-Kiko”, maraming salamat. Lahat pong mga volunteers and supporters galing sa iba’t ibang bayan ng Second District. Ah maliban po sa Tanay, Cardona, Baras, Morong, Jala-Jala, Pililla, saka Teresa. So maraming salamat sa inyo.

VP LENI: “Dentist for Leni-Kiko,” maraming salamat din. Ayan. Hindi ko alam, hindi ko alam kung grabe ang energy niyo kasi nabasa kayo. Pero maraming salamat.

[CROWD CHEERING]

VP LENI: Ayun, ireserba niyo muna. Reserba niyo muna ‘yung energy niyo kasi ‘yung Grand Rally po natin nasa Antipolo. Pero ito po, bago lang ako magpatuloy. Alam ng marami sa inyo na pabalik-balik ako dito sa Tanay. Alam po ‘yun ni Mayor Rex kasi bawat punta ko dito, saka ni Vice Mayor Lito, nakakasama ko sila, dahil marami po tayong mga proyekto dito. Naalala ko po. Ano ‘yun?

[CROWD CHEERING: Catriona!]

VP LENI: Feeling ko nga, Maraming Salamat. Pero feeling ko nga Beauty Queen ako kasi may sash ko. Pagkadating ko, nilagyan ako ng sash akala ko “Miss Tanay” ang ilalagay. ‘Yun pala basahin niyo. “Madam President” pala. Maraming salamat, maraming salamat. Pero ‘yung sinasabi ko po, ‘yung pinaka-memorable sa akin na pagpunta ko dito sa Tanay, noon 2019, umakyat po kami nila Mayor Rex sa Sitio Makadtong dahil naglagay po tayo ng mga Solar Lights dahil walang kuryente doon sa taas.

Pero sa bawat pagpunta po namin dito, nakikita natin na talagang ‘yung pagbabayanihan likas sa ating mga Pilipino. Marami po tayong nadala ditong proyekto hindi lang dahil sa Opisina naming, pero dahil po sa partnerships natin with the private sectors. Hindi lang po sa – hindi lang po dito sa Tanay. Hindi lang po ako dito pabalik-balik pero sa iba pa pong bahagi ng Rizal. Halimbawa po sa Talim Island ilang beses na akong pumunta doon dahil – Taga-Talim ba kayo?

[CROWD CHEERING]

VP LENI: Nagkita ba tayo pagpunta ko don? Hindi yata eh. Tinatanong ko kayo kung nagkita kayom sumigaw lang kayo. Kaya tingin ko hindi tayo nagkita. Pero ‘pumupunta po kami ng Talim. Ano ‘yun?

[CROWD CHEERING]

VP LENI: Maraming salamat.

[CROWD CHEERS]

VP LENI: Ma’am, thank you ha. Akala ko lahat pang-bagets, may mga ka-edad din pala ako dito. Pero ‘yung sinasabi ko po, ‘pag pumupunta ako saTalim Island, sumusakay kami sa Binangonan, lumilipat po kami sa Cardona, bumabalik kami ulit sa Binangonan. Pero kaya po tayo pabalik-balik don, dahil meron don ilang grupo na tinutulungan po natin pagdating sa livelihood. Ito po mula pa noong pre-pandemic, pero during the pandemic, malaking tulong po sila sa’tin dahil ‘yung grupo natin don sa Cardona, don sa Talim Island nagtatahi po sila ng mga PPE sets natin. Pero maliban po, maliban po sa mga sewing groups natin sa Cardona, meron din po tayong tatlo pang sewing groups sa Taytay. Kaya sa Taytay po ay pabalik-balik din tayo, meron din po tayo doong mga Community Learning Hubs.

Pero 'yung sa atin po, 'yung mga livelihood programs, kalat po 'yun dito sa Rizal. Meron po tayo sa San Mateo, meron tayo sa Cainta, meron po tayo sa Antipolo, meron tayo sa Rodriguez, meron tayo sa Angono. Ito po, bakit natin ito ginagawa? Ginagawa po natin ito dahil ang pinaka sadya po ng ating opisina, ang tulungang 'yung pinaka nangangailangan. Kaya ito po, ito 'yung ating mapapangako sa inyo. Pangako po namin ito ni Senator Kiko, "Gobyernong Tapat para Aangat ang Buhay ng Lahat." Ano po ang gustong sabihin na ito? Gobyerno na hindi hinahayaan 'yung korapsyon na ubusin 'yung pondo ng kaban ng bayan dahil pag pinapangalagaan po ng matitino at mahuhusay na lingkod bayan, 'yung pera ng ating gobyerno, mas maraming naitutulong sa mga mahihirap.

Lahat din pong sakuna, mag baha, mag bagyo, mag sunog, nandito po tayo. In fact, pagkatapos po ng Typhoon Ulysses, kinabukasan meron pang baha, nandiyan na po tayo sa San Mateo, nandiyan na tayo sa Rodriguez, gumagawa tayo ng relief operations.

At bakit ko ito sa inyo kinukuwento? Dahil naipakita po namin sa Office of the Vice President kahit hindi marami 'yung aming pondo, sa oras ng kinakailangan kami, nandiyan kami. At hindi dahilan 'yung kawalan ng pera para hindi makatulong.  

Pag ganitong klaseng gobyerno 'yung pinapakita sa tao, ang tao mismo inspired tumulong 'di ba? Pag nakikita ng tao na 'yung gobyerno mismo tintipid ang sarili para makatulong sa iba, ang tao ganoon din 'yung ginagawa. Pag nakikita ng tao na 'yung gobyerno sa oras ng pangangailangan nandiyan kaagad, ang ordinaryong mamamayan ganyan din 'yung ginagawa. Kaya po hindi niyo napapansin, sino na ba dito naka-attend ng iba nating mga rallies? Meron na ba? Nakarating kayo sa Pasig? Mga lakwatsero, lakwatsera kayo. Pero hindi niyo ba napansin sa Pasig? Sa Pasig pinakita natin 'yung pagiging mabuting mamamayan, 'di ba? Walang hakot pero nagtutulungan papunta. Walang pagkain–

[crowd chants]

'Yun nga hindi kayo bayad, abonado pa kayo. Pero 'di ba nakita niyo doon, wala kaming pagkain, [inaudible 10:52] pero lahat may dala at magshe-share ng pagkain. Ilang oras lang pagkatapos ng rally, malinis na 'yung buong Emerald Avenue? Dahil tayo mismo 'yung naglilinis. Pero bakit pinapakita natin 'yung kabbutihan bilang Pilipino? Dahil sa pag-asa at inspirasyon. Pag nakikita natin 'yung kabutihan, magiging mabuting mamamayan din tayo. Kaya ito po, ako'y di ko na pagkakatagalan kasi parang lumalakas 'yung ulan,  hindi ko po pagkakatagalan pero nagpapasalamat kami sa inyo. Na kahit maulan, andito kayo. Alam kong marami sa mga kasama natin nasa Antipolo na ngayon. Pero magkikita din po tayo doon, pero nagpapasalamat po ako lalong lalo na sa organizers nito na talagang walang pagod. Napakaganda ng stage natin, palakpakan natin. Kahit maulan, napakaganda ng stage. Kahit maulan, na-pull off pa rin natin,

Nagpapasalamat po tayo kay Mayor Rex, kay Vice Mayor Lito, sa buong LGU, sa lahat ng suporta na kinakailangan ng ating mga volunteers na talaga pong hindi naman ito mapu-pull off kung hindi nila tayo sinuportahan. Ano 'yun? Maraming salamat, maraming salamat. Thank you po. Sa Pililla, taga-Pililla ba kayo? [12:38 inaudible] din. "Leni-Kiko for the win." 'Yun.

Heto po ang hihingiin ko sa inyo na tulong hindi lang po para sa akin, pero lalong lalo na po sa aking nag-iisang vice president, palakpakan po natin, Senator Kiko Pangilinan. Ang atin pong mga senatorial candidates, palakpakan po natin, Congressman Teddy Baguilat, Attorney Alex Lacson, Attorney Sonny Matula, Dean Chel Diokno, Senator Leila de Lima, Senator Risa Hontiveros, Senator Sonny Trillanes, Senator Dick Gordon. Ayun, maraming maraming salamat po. \

"Sa puso ng Baraseño, si Leni ang panalo," maraming salamat. "Dentists for Leni-Kiko," maraming salamat. 'Yung mga nag-leave ngayong araw, maraming salamat sa inyo. "Ang kakampink ay parang tax ng mga Marcos: hindi bayad." Salamat. Ano 'yun? Pasabi ha? Pasabi. "[inaudible 14:09]" idol daw ako ng may-ari. Maraming salamat sa kanya [inaudible 14:14]. Ayan. "Research lang ang nirerevise hindi history." "Recycle Teenagers for Leni." "Rizaleño akong may paki, para kay Leni-Kiko ang boto ko." "Hindi man ako pinayagan sa Antipolo rally, pero ang boto ko ay Leni-Kiko." Di bale na, nandito ka naman, nagkita naman tayo. "VP Leni your love feels like magic." "VP Leni pa-picture sabi ng manager ko." Nasaan 'yung manager mo? Ayan. "Kakampink in your area." "Nandito–" ano 'yan? Ano 'yun? "Nandito ang– nandito ako para ilaban ang kinabukasan ng bayan." Galing sa momshies for Leni-Kiko, "Ang tanglaw ng buong bayan, ilaw ng tahanan." Lumalakas na ang ulan. Maraming salamat po sa inyong lahat. Mabuhay po kayo. Maraming salamat.

[END]