< Back to Transcripts

Message of Vice President Leni Robredo at the Meet and Greet with Bishop Jose Bantolo, Parish Priests, and Religious Leaders, Masbate City, Masbate

April 13, 2022
Masbate City, Masbate
No items found.

VP LENI: Good morning everyone! Maupo po tayong lahat. Maupo po tayong lahat. Bishop Bantolo, all the priests who are here, our dear Sisters, Congressman Bravo, Congressman Marvi, I was with Congressman Marvi and Congressman Scott sa 16th Congress, magkakaklase po kami. Everyone else, all the local officials who are present, sa inyo pong lahat, magandang magandang umaga.

It is good to be back in Masbate. [applause] Every trip to Masbate is an emotional one for me. Hindi lang dahil dito my husband breathed his last in Masbate, pero because when I was a practicing lawyer– kanina nakaupo ako iniisip ko kung anong year ako pabalik-balik dito, I think 2005 until 2007, I was here every week. I was here one week of every month because I was handling a project of our office. We partnered with Plan International. We were doing paralegal trainings for community leaders. Ano po 'yun, kami 'yung nagte-training. Hindi pa kami magkakilala ni Marvi dati pero 'yung mga trainings namin sa Circle E ginagawa. Nalaman ko lang noong nasa Congress na ako na kanila pala 'yung Circle E. Diyan po 'yung aming mga trainings pero 'yung mga participants namin were from Milagros, Mandaon, and Balud. 'Yun 'yung aming areas. We would go to as far as Balud also to train community leaders.

Ang pinakasadya po noong aming– ang pinakasadya noong aming trainings, para i-popularize 'yung mga batas saka 'yung justice. Sa paniniwala na if people know of their rights under the law, they will be in a better position to fight for their lives. So, we were training farmers, fisherfolk, women and children, iba-ibang mga sektor. Ang ginagawa po namin noon, 'yung mga batas patungkol sa sektor nila, tina-translate namin in the dialect. Hirap pa nga ako kasi 'yung Bicol ninyo iba sa Bicol namin. Kaya nagtatagalog ako ngayon just to make sure na nagkakaintindihan tayo.

Ginawa ko 'yun ng dalawang taon that I was in SALIGAN. 'Yung SALIGAN po was the NGO I worked with for 10 years. Lahat yatang klase ng pagsubok nadaanan ko dahil mahirap lang po 'yung aming opisina. So, minsan one man team ako. Dati hindi pa uso 'yung mga projector na mga maliliit. Ang dala pa namin 'yung napakalaking overhead projector. Ang mga laptop noon ang bibigat pa. Tapos bibiyahe kami, sumasakay kami sa Pilar. Usually 'yung biyahe po namin na kinukuha 'yung five o'clock. Di ba may five o'clock na fast craft. Ala una ng umaga aalis na kami ng Naga. Aalis kami ng ala unang umaga kasi hindi puwedeng mag-prebuy ng mga tickets, kailangan pumila ka talaga doon sa ferry terminal. So, ala una ng umaga babiyahe na kami, maghihintay kaming magbukas 'yung ticket booth, 'yung alas singko ng umaga kukunin namin on a Monday morning. Alas siyete ng umaga andito na kami, alas otso start na ng trainings.

Pero one of the things that I appreciated about our trainings in Masbate, which was unlike all our other trainings all over the Bicol Region was that, 'yung mga participants namin dito sobrang uhaw. Sobrang uhaw sa mga trainings. Sa ibang lugar lalo na sa mga mas cosmopolitan na mga lugar, taken for granted 'yung mga trainings. Meaning to say, may mga participants na tatakas, may mga participants na nandiyan lang, present, pero 'yung minds nila elsewhere. Pero 'yung mga trainings namin dito laging maaga 'yung mga tao. Mag te-training kami from eight o'clock in the morning until seven in the evening kasi kino-compress namin 'yung entire course for one week.

Tapos pagkakagabi, kasi lahat kami sa Circle E nakatira, pagkagabi after the training magdi-dinner kami. Ang pinaka-past time noong aming mga tine-train, videoke. Videoke, saka sayawan, saka inuman, 'yung iniinom namin hard. Nakikiinuman kami sa kanila, nakikikantahan, nakikisayawan because that was our way of, you know, bonding with them. Pero kahit natatapos kami ng hatinggabi, alas siyete ng umaga fresh na ulit sila. Walang natutulog during the trainings. Halos 10 to 12 hours 'yung trainings namin and we were doing that every week for two years.

So, inabutan na kami dito ng bagyo. Inabutan na kami dito ng laging walang kuryente. Parang hanggang ngayon ganoon pa din ano? Pero 'yung kakaiba, wala pang mga restaurants noon. Naalala ko every night, 'yung kinakainan namin, nakalimutan ko na 'yung pangalan, baka maalala niyo, merong parang isang native na restaurant na maliit diyan sa ano ito– diyan sa sentro. Ano 'yun? Basta meron siyang ano, folk singer pag gabi. Maliit lang siya, masarap 'yung pagkain, may folk singer siya pag gabi. Pag walang bonding session 'yung mga participants doon kami kumakain. Ano 'yun? Hindi eh. Pag narinig ko maalala ko.

Tapos, sobrang simple lang– naalala ko pag walang– noong one time na na-stranded kami dito, walang biyahe kasi bumagyo, ang pinroblema namin, hinahanap namin 'yung mga, kung saan merong generator kasi makiki-charge lang kami ng telepono. At ang nahahanap namin sa mga gasolinahan. Pipila kami sa gasolinahan para maki-charge lang ng telepono. Wala pang mga restaurants kaya laging pag umuuwi ako dito, pag pumupunta ako dito, pag nakikita ko 'yung McDonald's, parang sabi ko, grabe na 'yung binyahe ng Masbate. At that time parang dalawa lang 'yung bangko. So, pag nawawalan kami ng pera, tatawag ako sa asawa ko, para mag de-deposit siya sa Landbank tapos pipila kami, magbabangko kami dito.

Pero life was so simple then. Kahit mahirap siya, masaya. Naalala ko 'yung trips namin to Mandaon and to Balud na sobrang ganda ng– di ba sobrang ganda ng terrain. Talagang parang wala ka sa Pilipinas eh. Parang nasa Australia ka. Kasi, ano, 'yung rolling hills saka 'yung dagat. So, tama si Bishop na sobrang ganda ng Masbate. Pero, having said that, pinag-usapan na namin ito ni  Congressman Bong, sabi ko pag Governor ka na at pag sinuwerte ako na ako 'yung maging presidente– [crowd cheers]

Sabi ko puwede ba ayusin naman natin 'yung Masbate? Kasi parang you have been so blessed. You have been so blessed, wala akong nakikita na any other place in the entire region na with the resources that you have. Pero, sabi ni Bishop, bakit kahit binibigyan tayo ng resources na ganito, isa pa din tayo sa pinakamahirap? Baka meron tayong ginagawa na hindi tama. So, pag may nangyayaring ganito, 'yung eleksyon, is always a chance for us to do a reset button. 'Yung eleksyon pinapaalala sa atin na ang tunay na kapangyarihan nasa kamay ng ordinaryong mamamayan. Tayo 'yung pipili, sana 'yung– kasi marami na din na mga Masbateño na kausap ko at I have so many friends here, na pag sinasabi ko 'yan sa kanila, parang ang laging sagot sa akin, ganyan na talaga kasi 'yung politika sa amin. And I refuse to accept that, kasi sa akin hindi naman– [applause].

Hindi 'yung politiko 'yung magdidikta kung ano 'yung mangyayari sa atin, pero tayo 'yun. Bibigyan ko lang kayo ng example, when I was running as congressman for the third district of Camarines Sur, just after my husband died, ang kalaban ko incumbent. Walong munisipyo, seven towns and one city, 186 barangays 'yung distrito ko, ang kakampi ko lang isang mayor, 'yung pito kalaban ko. Of the 186 barangay captains, 25 lang 'yung kakampi ko. Wala akong pera, I was not able to mount a single rally dahil tinitipid ko kung ano 'yung meron ko, ayokong magastos para sa rally. 'Yung kalaban ko talagang sobrang bongga. Laging may pa-extravaganza, may mga singers, may mga dancers, bawat sortie nila merong mga, ano ito? Meron mga raffle, ang lalaki ng raffle, ako wala.

Alam ko na sa Naga kasi walang bilihan ng boto. Sa loob ng Naga walang bilihan ng boto. Tapos tatanungin niyo, noong nasa Congress ako, naalala ko, kausap ko 'yung mga kasama ko sa Congress, hindi sila naniniwala. Kasi apparently, all over the Philippines, vote buying has become endemic. And the reason why walang bilihan ng boto sa Naga– may mga nag-attempt pero 'yung nag-attempt, natalo. Pero the reason why hindi siya nagpo-prosper, kasi highly empowered ang mga tao. Meaning to say, pag merong nag-attempt, kinukuha pa din nila pero binoboto nila kung sino nasa konsensya nila. And noong–  'yung kung anong nangyari sa Naga noong kumakandidato ako, 'yun 'yung ginawa ko. Alam ko na mamimili sila ng mga boto sa labas, and lagi kong sinasabi, sinabi ko na ito and I got into trouble, pero sasabihin ko ulit. Sasabihin ko ulit ngayon, lagi ko rin sa kanilang sinasabi kasi wala akong capacity to stop them: “Kunin ninyo. Kunin ninyo 'yung pera kasi galing din 'yan sa inyo.” [crowd cheers]

Pero at the end of day, iboto niyo kung sino ang tingin niyo makakabuti sa inyo. And, pag tiningnan natin, nasaan ba 'yung mga mahihirap na mga lugar sa buong Pilipinas? May isang common doon.  Ang isang common doon, number one, hindi empowered 'yung tao. Gustong sabihin, parang tinanggap na ng tao na ang may kapangyarihan 'yung mga namumuno sa kanila. 'Yung pangalawa, hindi politically mature 'yung community na parang– pag sinabi kong hindi politically mature, related siya doon sa una na ang tao parang may feeling of helplessness. Na ganyan na kasi, di ba? Tapos papaano naku-cultivate 'yung ganyan? Patronage politics. Paano naku-cultivate? Halimbawa, walang masyadong maayos na programa, social services. Pag ako, ordinaryong mamamayan, nagkasakit 'yung aking magulang, lalapit ako kung sino naka-upo. Kung sinong lalapitan ko, bibigyan ako, and I would feel indebted to that person, and that's patronage. 'Yung mga kailangan mo, 'yung naka-upo 'yung sasagot. Pero that should not be the case, dapat ang– masusukat mo kung maayos 'yung pamamahala, when people don't have to beg anymore.

Gusto kong sabihin, nagkasakit 'yung magulang ko, hindi ko kailangan magmakaawa o magpalakas sa kung sino 'yung naka-upo kasi may programa for us, di ba? And sa akin, marami pa tayong kakainin na bigas. Pero dapat 'yun 'yung goal eh. Di ba 'yung goal na 'yung mga naka-upo sila 'yung magme-make sure na 'yung mga pangangailangan ng tao, naka-set in place. Para 'yung tao, mahirap ka man o mayaman, hindi ka nade-deprive ng mga services na kinakailangan mo.

I remember when my husband was still mayor of Naga, he was mayor for six terms. Noong mayor pa ng Naga 'yung asawa ko, ang sinabi niya: “Hindi ako dudukot sa sarili kong bulsa para ibigay sa tao, kasi oras na dumukot ako sa sarili kong bulsa, magiging never-ending cycle siya na maja-justify na 'yung pagkuha ko dahil ang sasabihin ko para sa tao lang naman ‘yan, pero hindi mo na nakikita 'yung limits.” So ang ginawa niya, nag-set siya ng mga programa in place. Namatayan ka, hindi mo kayang magbayad sa punerarya? Merong programa para doon. Merong sakit 'yung family member mo, hindi mo kayang magbayad? Merong programa para doon. Pero hindi galing sa sarili kong pera. Kasi 'yung sweldo ko, kaunti lang, para sa pamilya ko 'yun. Pero maraming mga lugar na hindi ganoon.

Pero dapat tayo, ina-aspire dapat natin na ganoon. Kasi pag ang tao, hindi niya nararamdaman na indebted siya sa politiko, 'yung participation niya sa governance, mas maayos. Meaning to say, pag nagkakamali 'yung politiko, hindi siya natatakot magpuna, kasi wala naman siyang utang na loob. Ang pakiramdam ng tao, pinapahiram namin sa inyo 'yung kapangyarihan. So, kung may mali kang ginagawa, karapatan namin punahin ka. And bakit maganda ito?

Kasi kami na mga nakaupo, kung alam namin na 'yung constituents namin ganyan, lagi kami naghahanap ng paraan para pagbutihin 'yung aming serbisyo para hindi kami punahin pero kung lahat na sa akin, ako na 'yung nakaupo, lahat sa akin may utang na loob kahit masama na 'yung ginagawa ko sunod ako ng sunod sasabihin ko, quiet na lang ako kasi marami kasi akong utang na loob, never-ending cycle siya, talagang hindi na tayo magpo-progress, 'yung buhay natin ganito na lang na feeling natin, “Sobrang buti niya kasing tao kasi siya 'yung nalalapitan ko pag meron akong problema.” Dapat hindi ganoon eh, dapat hindi ganoon, dapat hindi mo na kailangan lumapit kasi merong programa para sayo. So, the only reason why I'm telling you this is magagawa lang namin ito, kaming mga public servants kung kasama namin kayo sa laban. Kasi, kahit pa anong subok namin na baguhin ang sistema, kung hindi naman namin kayo [kalaban] wala naman kami magagawa, di ba? Kasi now kami, politiko kami, para makapagsilbi kami kailangan naming manalo sa eleksyon. Kung 'yung mga tao pinipili niya kung sino 'yung pinakamataas na magbibigay sa kanya, wala eh parang ang tingin lang sa inyo ng mga politiko, highest bidder, pero hindi dapat ganoon di ba? Hindi dapat ganoon.

So, ako ang pakiusap ko sa inyo, tulong-tulong tayo, tulong-tulong tayo. Hindi natin ito kaya in one elections, paunti-unti ito pero pag ngayong eleksyon pinakita niyo na, na hindi magwo-work 'yung pera, hindi na 'yun— halimbawa sa amin, sa Naga ano din eh, it took a lot of years for us to transform the kind of politics that we have. Pero halimbawa, 'yung first time na lumaban 'yung asawa ko, nanalo siya only by 800 votes, 800 votes lang, 24% lang yata kasi anim silang mga kandidato, ang nanalo lang sa line-up niya tatlo out of 10, lahat na gusto niya sinasalungat. Lumapit 'yung asawa ko sa simbahan kay Archbishop Legaspi pa Bishop dati, tinulungan siya ni Archbishop Legaspi. 'Yung social action center, nag-form ng people's council and 'yun 'yung trigger. Noong meron ng people's council na laging pumupuna, pati asawa ko pinupuna, 'yung mga public officials talagang they tried to put their best foot forward.

'Yung succeeding elections, five other elections of my husband, landslide win not just for him but for the entire ticket. Hanggang ngayon, hanggang ngayon nag-nine years na si Mayor Bongat, parating landslide, bakit ganoon? Kasi bago piliin 'yung mga kandidato, 'yung people's council involved, merong vetting kahit incumbent ka, hindi ka pa sure na sigurado na 'yung seat mo kasi ive-vet ka muna. There have been instances na may mga incumbent na hindi nakakandidato sa team Naga kasi hindi sila pinili. 'Yung pinakahuling eleksyon, si Mayor Legacion na may nakapasok na isa na hindi team Naga pero 'yung team Naga number 11, pero independent 'yun. Pero ang gusto ko lang sabihin, pag ang political landscape naging mature, ang benefit naman nasa tao eh, di ba? Pero ako unfortunately, sa probinsya namin parang ang Naga odd man out, sa labas ng Naga hindi pa ganoon and pag tiningnan niyo, 'yung Camarines Sur as a province is also not doing well and— poor governance.

So, sa akin, 'yung governance is directly related to how a particular place performs so, kaya ko siya kinukuwento sa inyo hindi para mag-lecture pero ito 'yung gusto kong gawin. Pag binigyan ako ng pagkakataon ang gusto ko talagang gawin, ayain ang tao na sabay-sabay natin baguhin, sabay-sabay natin baguhin 'yung governance, sabay-sabay nating baguhin 'yung politika, kasi pag hindi natin 'yun ginawa, kahit anong pangako 'yung sabihin namin sa inyo wala ding mangyayari. Mangyayari lang 'yun kaya sinasabi namin, gobyernong tapat para angat buhay lahat, 'yun 'yon, 'yun 'yung essence ng pagiging tapat ng pamahalaan and ako tinatanong ako, ang tanong nila sa akin— “Eh lone voice ka lang eh, siguradong ang mga politiko hindi sayo magsasang-ayon,” ako hindi ako naniniwala doon.

Ako ang paniniwala ko, karamihan sa mga politiko gusto din mabuting pamamahala pero kadalasan ang nagkukumpas kasi nasa taas. So, ako tingin ko pag sinabi ko sa mga politiko na ito 'yung gagawin natin, most of them not all of them, most of them gusto din, gusto din ayusin. So, nasa leadership eh pero pag sinabi kong nasa leadership, it's a leadership that should inspire people to participate kasi pag ang tao hindi inspired sa leadership, ayaw niyang mag-ambag, wala siyang gana, di ba wala siyang gana to take part kasi hindi niya naman nararamdaman 'yung importance ng kanyang contribution pero pag naramdaman ng tao na mahalaga 'yung aking inputs, magpa-participate siya.

So, ito hindi ko ito masasabi during the rally kaya sa inyo ko na sinasabi. [applause] During the rally, mahirap mag-plea na ganito kasi iba 'yung gusto nilang pakinggan. So, ang pakiusap ko sa inyo because you are leaders in the community, ang pakiusap ko sa inyo, samahan niyo kami sa laban na ito. Ako, I look forward to— pag nanalo ako, I look forward to visiting Masbate more often. [applause] Naikot ko na ang Masbate, naikot ko na ang Masbate. I've been to Ticao Island, many many times. I've been to Burias, once, once pa lang ako nakapunta after typhoon Tisoy because we did relief operations there. Itong buong isla, hindi ko pa nararating lahat kasi ang pinakamalayo pa lang narating, Balud, pero I can honestly say that your province is one of the most beautiful in the entire country and 'yung kagandahan ng physical attributes ng province, tapatan natin ng kagandahan ng pamumuno. So, maraming salamat sa inyo, Bishop, thank you for giving us your time.  

[END]