< Back to Transcripts

Message of Vice President Leni Robredo at the Liwanag at Pag-Asa: Iftar Para Sa Mga Muslim Filipino, Golden Mosque, Globo de Oro St., Quiapo, Manila

April 22, 2022
Quiapo, Manila
No items found.

VP LENI: Magandang gabi po sa inyong lahat. Bibilisan ko lang po ang aking mensahe dahil papasok na po tayo. Sa atin pong Grand Imam, maraming salamat. Sa inyo pong lahat, maraming salamat. Nakikiisa po kami sa inyo, gaya ng lagi naming pakikiisa, suporta, sa lahat na pinagdaanan niyong mga kahirapan. Bukas po birthday ko pero sa umaga nandoon po ako sa Cotabato. Papunta po ako sa Cotabato. Papunta po ako sa Maguindanao para makiisa po sa mga kapatid nating Muslim. Kaya bukas pong umaga nandoon ako, pagpapahayag na 'yung laban niyo ay laban din namin, kagaya po ng mahabang panahon na kabahagi ako ng lahat na laban na pinagdadaanan ninyo. 'Yun lang po 'yung aking mensahe. Ayaw po naming masyadong maka-istorbo. Ay, maraming salamat. Maraming salamat po. Pero ang amin lang pong pakikiisa sa selebrasyon na ginagawa ninyo. Ang amin lang pong pangako sa lahat na oras, kasama niyo po ako sa inyong mga pangangailangan at inyong mga kahirapan. Maraming salamat po.

[END]