< Back to Transcripts

Message of Vice President Leni Robredo at the LeniWanagMarawi: Lanao Del Sur People’s Rally, Marawi City, Lanao del Sur

April 1, 2022
Marawi City, Lanao del Sur
No items found.

VP LENI: Ayan, magandang umaga, Marawi! Magandang umaga, Lanao del Sur! [crowd cheers] Kumusta kayo? Ayan, sandali lang, ha? Kaninang nakaupo ako may nagre-request kung puwede daw munang ibaba 'yung mga placards. Mamaya iaakyat ulit natin para lang makakita 'yung nasa likod.

HOST: Pababa po muna ng mga placards.

VP LENI: Sasabihin natin kung puwede na ulit i-akyat. Mamaya po babasahin ko 'yan. Pero ngayon baba muna natin saka huwag muna tayong maingay para magkarinigan tayo, puwede? Ayan, ayan. Unang-una, gusto ko pong magpasalamat at palakpakan natin sa ating Former RVG, Momoy Lucman, palakpakan po natin sa pag-asikaso nitong ating pagtitipon ngayong umaga. Magpapasalamat din po ako kay Cong. Ami Sangcopan ng Anak Mindanao, kay Mayor Nash Sumagayan ng Taraka, saka kay Vice Mayor Oden Sumagayan ng Taraka. Maraming salamat din po kay Vice Mayor Macapodi ng Ganassi. Maraming salamat kay Vice Mayor Maruhom ng Pualas. Nagpapasalamat din po tayo– maraming salamat. Kapag nahulog ako, sasaluhin niyo ako. [crowd cheers] Hindi ako mahuhulog.

Ayan, maraming salamat din po kay Former DSWD Regional Director, Sarah Tanggol. Maraming salamat, RD Sarah. Kay Former Vice Mayor Popoy Pangadapun saka buong pamilya. Hindi ko na po mababati lahat kasi dapat tapos na ako magsalita ng 11:15. Pero kumusta kayo? Ilang oras na ba kayong naghihintay? Kanina pa kasi marami na po akong pinuntahan pero nakita ko kaninang maaga papunta na kayo dito. Kaya maraming, maraming salamat.

Simple lang po ang aking mensahe para sa inyo. Alam niyong lahat na nandito kung gaano ko kamahal ang Marawi. [crowd cheers] Alam niyo lahat kung gaano ko kamahal ang Lanao del Sur. Hindi lang po ako nakapunta dito ng dalawang taon noong nagkaroon ng pandemic. Pero bago niyan, sampung beses ako pabalik-balik dito sa inyo. Ang tanong ko nga sa mga kausap ko, sino kaya makakatalo sa record ko kung gaano ako kadalas nandito sa inyo? Palagay ko, wala.

At bakit po sinasabi ko 'yun sa inyo ngayon? Dahil maraming ibang kandidato pupunta dito sa inyo o pumunta na dito sa inyo para ligawan kayo. At lahat po sila magsasabi na aasikasuhin kayo, mahal kayo. Pero 'yung dapat na tanong niyo sa kaniya– ano 'yun? Huwag kayong sigaw nang sigaw kasi hindi tayo magkakarinigan. Di ba sabi ko nga, alam ko nang mahal niyo ako. [laughs] [crowd cheers] Ayan, uulitin ko lang ha? Huwag munang sumigaw, mamaya na sumigaw. Sasabihin ko kung puwede na kayong sumigaw.

Kaya ko ito sinasabi kasi maraming pupunta dito, liligawan kayo, sasabihin nila, “Mahal ko ang Marawi, mahal ko ang Lanao del Sur,” aasikasuhin nila kayo. Pero 'yung dapat na tinatanong ninyo sa kanila, noong wala pa bang eleksyon nasaan kayo? Noong dumadaan kayo sa matinding kahirapan lalo na noong Marawi siege, nasaan sila? Ako po hindi naman sa paniningil pero alam niyo nasa evacuation centers pa ang marami sa inyo, pabalik-balik na ako dito.

At 'yung pabalik-balik po natin dito hindi lang tayo sumisilip. Hindi lang tayo bumibisita, pero marami tayong binababa na mga proyekto dito kahit po napakakaunti lang ng pondo ng aming opisina. Tinitingnan po namin, more than 100 million pesos ang binaba namin na projects dito sa inyo. [crowd cheers]

Noong pandemic lang po naglagay tayo ng pera sa Amai Pakpak para 'yung mga nagkakasakit hindi na kailangan humingi pa ng tulong sa amin dahil 'yung pondo nandiyan na. Ang binaba po namin na pondo, 17 million pesos. Ito pong Area 7 dito sa Barangay Sagonsongan, alam niyo po na project 'yan ng opisina namin. At 'yung pera pong 'yan– ang pera niyan, pera po 'yan ng partners natin. Mga private 'yung mga donors niyan para 'yung mga nasa evacuation centers magkaroon na ng bahay dito sa loob ng Marawi at makabalik na.

Noong kasagsagan po ng siege, hindi lang po tayo nagdadala ng pagkain sa mga evacuation centers pero nagdadala din po tayo ng kabuhayan. In fact, halimbawa po sa Saguiaran, naglagay na po tayo ng mga livelihood programs habang nasa evacuation centers pa sila. Nagdala din po tayo ng mga kabuhay sa Piagapo, sa Balindong. Kanina lang po galing po kami sa Buadiposo para ulit bisitahin 'yung mga recipients ng programa natin.

Meron po tayong mga Community Learning Hubs. Tatlo 'yung Community Learning Hubs po natin dito sa Lanao del Sur. Ang isa doon sa Kapatagan, napakalayo. 'Yung dalawa nasa Lumba-Bayabao, Barangay Dialongana saka Bacolod. Meron po tayong Community Learning Hubs doon. Pagkatapos nang pagkatapos po ng Marawi siege– akala ko may dumaan na kung ano man. Kaway kayo, kaway! Oh! Ayun.

Pagkatapos nang pagkatapos ng Marawi siege, nagpatayo po tayo ng mga school buildings sa apat– nagpatayo tayo ng mga school buildings sa Mapandi Elementary School, sa Sikap Elementary School, sa Harat Medina Central Elementary School, saka hindi ko alam kung papaano pag-pronounce nito. Bai Inomba Blo Bacarat Central Elementary School, tama ba? Tama 'yung pag-pronounce ko.  

Lahat ko po 'yun nabisita. Lahat ko 'yun nabisita noong tayo ay nag turn-over. Pero bakit ko ito sa inyo sinasabi? Dahil ang ating tema, gobyernong tapat, [crowd cheers - "Angat buhay lahat!"] 'Yun 'yung pinaka-resibo natin. Na kahit kaunti 'yung pera ng gobyerno, pag matapat ang pamamahala, maraming tulong ang nabibigay sa ating mga mamamayan. At ito po 'yung nais nating ipaabot sa inyo. Na ang pangako namin ni Senator Kiko, magiging matapat ang aming pamahalaan, para po maraming tulong ang lalong maibigay, lalung-lalo na dito sa Lanao del Sur.

Kahapon po may mga kausap akong mayors dito. Marami na po akong nabisitang mga bayan sa Lanao del Sur, pero hindi pa lahat. Sabi ko po sa kanila, ang pangako ko, pag ako 'yung naging pangulo, pupuntahan ko 'yung bawat isang bayan dito sa Lanao del Sur.  [crowd cheers] Bakit po mahalaga 'yun? Mahalaga 'yun dahil pag ang pangulo 'yung nagbibisita, nabibigyan ng karampatang atensyon 'yung mga bayan na nangangailangan ng tulong. Ngayon po nasa ilalim pa tayo ng Marawi rehabilitation. Sisiguraduhin ko na mapapabilis 'yung rehabilitation para makabalik na kayo sa mga bahay ninyo. [crowd cheers]

Alam po natin na napakatagal nang panahon ang hinihintay niyo. At 'yun po 'yung aking pinapangako sa inyo. Meron pa pong isa. Meron pong panukalang batas na finile si Congressman Hooky Adiong. Ito po 'yung Compensation Bill. Ito po nakalabas na ito sa Kongreso. Pinagdadasal natin na sana mapirmahan na siya. Ang aking pong pangako sa inyo, sisiguraduhin natin, pag ako po naging Pangulo, na mabigyan kaagad ng pondo itong Compensation Bill kasi alam ko na napakarami sa inyong naghihintay na nito,'di ba? Marami na naghihintay dahil ang dami 'yung tiniis niyo ng ilang taon pagkatapos ng Marawi siege.

Hindi pa tayo nakakabalik sa normal dahil marami pa tayong mga kababayan na nasa evacuation centers pa hanggang ngayon. Pero po lahat kami, lahat po kaming mga kandidato mangangako. Pero uulitin ko lang, huwag na huwag po tayo madaliang sumunod sa mga pangako. Hingian natin sila ng resibo. [crowd cheers]

Ano 'yung resibo ng pagmamahal namin sa inyo dito sa Marawi? Lagi kaming nandito. Na kahit napakahirap pumunta dito, napakalayo, lagi po kaming andito. Hindi lang ako, pero 'yung team namin sa Office of the Vice President, kaya napakarami ko nang kaibigan dito. Sabi ko nga, parang pangalawang bahay ko na 'yung Marawi. [crowd cheers]

Pag sinabi po namin na ayaw namin sa korapsyon, magiging matapat ang gobyerno namin, ano 'yung aking pruweba? Ano po 'yung resibo ko? Taun-taon kami po 'yung nakakakuha ng pinakamataas na COA audit rating. Hindi na lang po kami ang nagsasabing malinis ang aming opisina, pero COA na mismo ang nagsasabing malinis ang aming mga transaksyon sa Office of the Vice President.

Marami pa po kaming pending projects dito. At kahit po ako kumakandidato, hindi po namin kayo papabayaan. Vice President pa po ako hanggang June 30 ngayong taon. Pag nanalo po ako ng Presidente, mas lalo pa kong makakatulong sa inyo.[crowd cheers]

Kung ngayon nga po, kung ngayon nga na napakakaunti ng aming pondo marami na tayong naitutulong, lalo na pag nabigyan tayo ng mas malaking pagkakataon. At sana po, kahit ako manalo, kasama ko pa din kayo sa patuloy na pakikipaglaban na pagbutihin natin 'yung kabuhayan ng mga tao dito sa inyo. Kailangan ko na pong tapusin dahil mag-eeleven fifty na, magpe-prayer time na po tayo.

Pero– ito lang po, sandali. Sandali. Bago lang po ako magtapos, bukas maguumpisa na 'yung taunang pag gunita natin ng holy month of Ramadan. [crowd cheers] Nakikiisa po kami sa napakahalagang yugto ng buhay ninyong lahat. At sa inyo pong lahat, Ramadan Mubarak. Ayan.

Meron pa tayong kaunting minuto, babasahin ko na 'yung inyong mga hinanda. "Recoboda Partylist", maraming maraming salamat po sa patuloy na pagtulong. "Magdalo Partylist” "Strict ang parents for Leni."  "Incomplete man sa school, wala akong pake basta magpa-picture lang kay VP Leni." Mamaya. "Si Leni para sa Pilipinas, at si Tricia para sa akin." [crowd cheers] "From abroad, to Marawi. Analyst for Leni-Kiko. Please pa-picture", maraming salamat. "Sa gobyernong tapat, makaka-laps lahat"?

["Ato Ka Leni"?] "LENIwanag Marawi," "Leni del Sur," "MSU-Marawi," "Debate Varsity for Leni-Kiko." Ano ito? "Isang bayan, Marawi City Chapter," "Sa gobyernong tapat, kulong ang mga korap." "Iniwan ko anak ko para lang makita kita, VP Leni." "Leni ako dahil mahal ko ang nanay ko."

"Tanging pag-asa 2022", "Welcome to Marawi City, Liberal Leni-Kiko 2022 from [Amela Pagay Haji Sirad?] " "Solid Leni", "Gobyernong tapat, may serbisyong sapat para sa lahat", "'Di bale nang onion, huwag lang puro respect my opinion." "Buong pamilya ko para kay Leni-Kiko", maraming salamat. "Some leaders are born women." "President Leni, kasama mo kami sa laban para sa kinabukasan ng mga kabataan." "President Leni, kaming mga taga-MAS U, ipaglalaban ka hanggang dulo."

"Thank you VP Leni for being with us before, during, after Marawi Siege." "Akin na si Jungkook." Akin 'yun. [crowd cheers] May COVID siya ngayon. "Akin na si Jungkook, boto ko na lang para sayo." Sige na nga. "Maranaos for Leni-Kiko." "Open minded ka po ba, ma'am? 'Yung 18 hours mo, gawin nating 6 years."

"From 16% to 17th President." "[Gimbor Gunang Family] for Leni." "[Team Baraka?]", maraming salamat. "Kung walang solid north, mas walang solid sa Lanao del Sur." Dapat may solid, solid for Leni-Kiko. [crowd cheers]

Ayan, kailangan na daw nating magpaalam dahil 11:50 na. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Mabuhay po kayo. [crowd cheers]

HOST: Leni ako!

[END]