< Back to Transcripts

Message of Vice President Leni Robredo at the Covenant Signing with Transport Sector, Leni-Kiko Volunteer Center, Katipunan Ave., Quezon City

April 22, 2022
Quezon City
No items found.

VP LENI: Maraming salamat, maraming salamat. Ayan. Tinitingnan ko kanina 'yung video noong caravan ninyo, maraming salamat sa pag-participate. Magandang hapon po sa inyong lahat. Pasensya na kayo, medyo paos-paos ako kasi mahaba 'yung aming naging linggo, pero nagpapasalamat po ako sa suportang binigay ninyo. Siguro, bigyan ko lang kayo ng kaunting konteksto kung bakit mahalaga para sa akin, personal, 'yung transport sector. Bago po ako naging politiko, abogado ako ng isang NGO, ang pangalan: SALIGAN. 'Yung SALIGAN tumutulong sa mga magsasaka, mangingisda, mga urban poor.

[microphone interference] Ayan. 'Yun nga sinasabi ko, 'yung tinutulungan po namin mga basehang sektor. Kaya marami akong mga pagkakataon na tumutulong sa transport sector. Noong ako po naging Vice President na, maraming mga grupo, hindi ko alam kung kabahagi kayo doon, pero marami 'yung mga grupong kausap namin lagi. Lalo na 'yung ang pinag-uusapan na 'yung modernization. Maraming mga grupo 'yung nakakausap namin tungkol sa modernization, kaya medyo pamilyar ako kung ano 'yung kahirapan na dinulot noon.

Halimbawa, 'yung pinakamahirap sa umpisa, ito yung pagkakaintindi ko, hindi naman kayo tutol pero ang gusto niyo lang na mabigyan kayo ng pagkakataon na maka-comply na mas magaan. Unang una, 'yung ibibigay ng pamahalaan na kontribusyon doon sa bibilhin na bagong– 'yung mga e-jeepneys, masyadong mababa. Tapos 'yung terms sa pagbayad na binibigay sa inyo, masyadong maiksi. Ito, pinagmulan itong pag-usapan, hindi pa pandemic. So, noong nagkaroon ng pandemic, parang lalo pang lumala ‘yung sitwasyon kasi nawalan ng hanapbuhay ang marami sa inyo.

'Yung para sa akin, puwede sanang hindi naging ganoon ka grabe 'yung sitwasyon kung napagplanuhan ng maayos saka na-implement ng maayos. Noong nagkaroon po ng pandemic, 'yung amin sina-suggest noon: parang mag-relyebo. Mag-relyebo na 'yung pamahalaan, nagse-service contracting para 'yung mga frontliners natin, may nasasakyan kahit naka-lockdown tayo. Matagal namin 'yun na tinutulak, pero hindi nangyari. Nangyari lang noong nagkaroon na talaga ng total shutdown ng mga public transport. Parang masyadong kulang 'yung planong ginawa, kaya ang ginawa po ng opisina namin, nakipag-partner kami– naglagay kami ng mga shuttle buses. Pero kung ako tatanungin, ito kasi–  

[microphone interference] Pasensya na kayo, sumasabay sa boses ko 'yung mic. Okay na, okay na. Ayan. 'Yung sinasabi ko lang na noong pandemic,nagsa-suggest kami nang nagsa-suggest ng mga paraan na kahit sana naka-lockdown, may hanapbuhay 'yung mga drivers, pero hindi siya na-implement ng maayos. So, ang ginawa po noong opisina namin, dahil marami 'yung mga frustration na naramdaman namin dahil 'yung mga tinutulak, 'yung mga suggestions hindi naaayos, tiningnan namin 'yung napakaliit namin na pondo, at naisip namin, itulong na lang. Kung ano 'yung kaya namin, itulong na lang.

So merong mga grupo, hindi namin malahat kasi kakaunti 'yung aming pondo, may mga grupo na tinulungan tayo. Hindi lang po ito limitado doon sa mga pagkain, kasi marami tayong mga pagkain na binibigay doon sa mga nawalan ng hanapbuhay para lang 'yung mga pamilya hindi magugutom. Pero, maliban doon sa mga pagkain, marami tayong sinimulan na mga livelihood programs para doon sa mga jeepney, mga trike operators, na hindi na nakakapag-operate. So, maraming, maraming– mahabang panahon na hindi maayos 'yung hanapbuhay. Nakausap ko si Tatay noong nag CAMANAVA kami, nagku-kwento niya na hanggang ngayon hindi pa nakakabalik ng maayos sa rota. Matagal 'yung kwentuhan namin. So, sabi ko: bakit nangyayari 'yung ganito? Kasi kung mas maayos sana 'yung pag-roll out saka implementasyon, hindi sana– [microphone cuts]

Gaya noong panahon na kakakaunti lang yung nakaka-biyahe, matagal na nating sinusulong na mag-service contracting na, para swelduhan na lang. 'Yung mga drivers siguradong may sunud-sunod na kita. Nagkaroon naman ng roll-out, merong– kung hindi ako nagkakamali parang 5.5 billion pesos 'yung nakalaan para sa service contracting. Pero as of last month, hindi ko lang alam kung may updated na figures, pero as of last month, parang 1 billion palang 'yung nagagastos doon. So sa akin, nasasayang ako dahil may pera naman. 'Yung pera, 'yung 4 billion pang hindi nagagastos, puwede sana iyon itulong sa mga pamilya na nawalan ng hanapbuhay sa transport sector, pero hindi nangyayari.

So, yung aming pakikipag-usap sa iba't ibang grupo sa inyo ay tuluy-tuloy. In fact, naglabas ako ng ilang statements, hindi ko alam kung napanood ninyo, pero naglabas na ko ng ilang statements sa ilang interviews, nasabi ko na 'yung saloobin ko kung papaano tutulungan ang transport sector. Pero, natutuwa ako na meron na tayong covenant, di ba? 'Yung covenant ay pipirmahan natin ngayong hapon. At 'yung covenant ay produkto siya ng mga pag-uusap natin. Pag-uusap natin [inaudible] kayo saka 'yung sa amin, at kami, hindi natatapos sa covenant 'yung pangako namin para sa transport sector. Pero 'yung gusto ko lang natin ipahayag: hanggang may nakikita pa kayong puwede pa naming itulong o puwede naming ipangako na pag kami 'yung nabigyan ng pagkakataon mamuno sa ating bansa, ano pa 'yung ibang puwedeng magawa para tingnan 'yung transport sector bilang kabahagi ng pamamahala, kasi para sa akin, ganoon naman.

Hindi ko iisa-isahin 'yung pipirmahan natin covenant kasi meron yatang portion sa program na babasahin natin 'yun, pero 'yung akin lang commitment sa inyo: nandito kami, kaisa niyo kami. Kahit pa hindi pa ako Pangulo, ginawa ko 'yung mga puwedeng gawin para kahit papaano maibsan 'yung kahirapan na pinagdadaanan ninyo. Alam ko na 'yung sektor ninyo, isa sa pinakatinamaan during the pandemic, na marami tayong puwedeng gawin para makaahon ulit kayo. Pero 'yung kailangan nating gawin para makaahon kayo, huwag na nating ibalik doon sa dati, huwag na tayong makuntento na maibalik lang 'yung sa dati lang, pero gawin natin: papaano pa natin aayusin saka paiigtingin na 'yung mga miyembro ng sektor niyo napo-protektahan.

Nagpapasalamat ako sa suporta ninyo, nagpapasalamat ako sa pakikiisa ninyo. Makakaasa kayo na po-proteksyunan namin kayo sa abot ng aming makakaya. So, maraming, maraming salamat sa inyo.

[END]