< Back to Transcripts

Message of Vice President Leni Robredo at Puso Tarlac Grand People’s Rally, Tarlac City, Tarlac

March 23, 2022
Tarlac City, Tarlac
No items found.

VP LENI: Magandang gabi Tarlac! Kumusta po kayo? Mula pawis hanggang ulan hanggang pawis ulit, pero nandito pa din kayo. Maraming maraming salamat po. Bago po ako magpatuloy– Medic! Okay na? Okay na ba? Meron na? Ayan. Bago po ako magpatuloy, ang akin pong pagbigay galang at pasasalamat sa mga opisyal na tumulong po sa atin saka sinamahan tayo kanina. Unang-una po sa lahat, ang ating minamahal na governor, Governor Susan Yap. Maraming salamat din po sa ating vice governor, Vice Governor Carlito David. [crowd cheers] Maraming salamat din po, Congressman Noel Villanueva ng Third District ng Tarlac. Maraming salamat din Mayor Christian Yap ng Victoria. Mayor Mayor Nora Modomo ng Santa Ignacia. Mayor ReyCat Catacutan ng Capas. Mayor Lita Aquino ng Moncada. Mayor Eloy Eclar ng Gerona. Ang atin pong mga board members, ang atin pong mga councilors. Pero aayain ko po ngayon ang ating pong minamahal na vice mayor ng Lungsod ng Tarlac, Vice Mayor Aro Mendoza. [crowd cheers] Nandito din po, Councilor Emy Ladera. Councilor Vlad Rodriguez. Councilor Ana Aguas. Ang atin pong paggalang sa apat na ito na talagang itinatayo ang kanilang prinsipyo. Kasama din po natin dito Mayor Rey Catacutan ng Capas.

Ayan. Pasensya na po gusto kong lumapit sa inyo kasi napaka layo ko. Ayan, lalapit ako ng kaunti ha. Ayun, nako ang tao pala hanggang doon sa dulo. Maraming salamat po sa inyo. Maraming salamat. Ito po, kanina po, nakita po natin dito si Ms. Kris Aquino kasama po si Josh saka si Bimby. Pero gusto ko pa din po magpasalamat sa kanyang mga kapatid na nandito din po ngayong gabi. Si Balsy, si Pinky saka si Viel. Nagpapasalamat din po ako siyempre, Senator Bam Aquino na taga dito din sa inyo sa Tarlac. 'Yung kanya pong magulang kasama din po natin ngayong gabi, si Tito Paul saka si Tita Melanie. Nandito din po, Former Congressman Peping Cojuangco. Pero, ang sunod ko pong papasalamatan 'yung mga nagpagod. 'Yung mga nagpagod para maging successful 'yung event natin ngayong gabi. Alam ko po marami sa inyo, walang tulog ng ilang gabi na kaaayos, hindi lang dito pero kanina sa mga mini rally natin. Gusto ko lang po paabutan ng pasasalamat: Tarlac Pink Army, RPC Tarlac, Youth for Leni Tarlac, RobreDocs–maraming salamat po sa ating mag doctor–Lawyers for Leni–maraming salamat sa ating mga abogado–Momshies for Leni, LGBTQIA+ for Leni, Bosconians for Leni.

Gusto ko din pong pasalamatan ang ating pong mga OFWs na nanonood po sa atin ngayong gabi through Facebook Live. Maraming maraming salamat po kahit alanganing oras diyan sa inyo, sinasamahan niyo kami.

Maraming salamat. Ayan. Alam niyo po– lapit ka dito. Ayan. Alam niyo po kanina, umikot po kami. Ayan, maraming salamat. Maraming salamat po. Salamat. Ayun pa. Maraming salamat. [speaks in local dialect 4:50:17]. Maraming salamat po, ayan. Alam niyo po, kanina, nag-umpisa po 'yung araw natin sa Capas. Pagkagaling po natin Capas, lumipat tayo ng Gerona. Pagkagaling pong Gerona, lumipat po tayo ng Moncada. Dumaan din po kami ng Camiling bago po kami pumunta sa Santa Ignacia, lahat pong pinuntahan, nandoon po 'yung ating mga volunteers, mga supporters, kaya maraming maraming salamat po sa inyo. Kanina po nag-aalala ako, sabi ko marami nang pumunta sa mga okasyon natin, baka hindi na kayo pumunta dito. Maraming salamat. Salamat po.

Noong umulan ng malakas, saan kayo pumunta? Hindi kayo gumalaw? So, kanina pawis na pawis kayo tapos nabasa kayo ng ulan, ngayon pawis na pawis na naman ulit. Ang iba sa inyo, ilang oras na nakatayo Pero bakit ba kayo nagtiya-tiyaga ng ganito ka-grabe? 'Di ba? 'Yung nagbibigay sa atin ng energy para magsakripisyong ganito, pag-asa. Pag-asa na nasa puso natin, pag-asa na pag pinagtulong-tulungan natin, pag pinaghusayan natin nitong darating na eleksyon, maraming magagandang pagbabago ang mangyayari sa bayan natin. At 'yung pag-asang 'yun, pagtitiwala sa mga leader na sa tingin niyo ito 'yung magiging leader na titiwalaan niyo at susundin pero pag-asa din sa sarili. Dahil parati nating inuulit ulit, kung ang lider wala sa kanya ang tiwala ng mga Pilipino, wala ding pagbabagong mangyayari.

Kanina po inuulit-ulit niyo, gobyernong tapat– [crowd responds] angat buhay lahat, pero ano ang gustong sabihin? Pag ang gobyerno matapat, malinis, mahusay na pamamalakad ng mga lingkod bayan. Walang korapsyon. Alam po natin na pag walang korapsyon, mas maraming pera ng bayan ang mapupunta sa serbisyo sa taumbayan. Pinakita po namin 'yun sa Office of the Vice President. Kahit po kaunti lang ang pondo namin, lahat na bagyo nauuna kami. Noong pandemya, napakarami naming nagawa. Lahat na sakuna, nandiyan kaagad kami. Pero papaano po namin 'yun nagagawa kahit maliit 'yung pondo namin? Dahil pinapangalagaan namin ang pera ng taumbayan. Wala pong napupunta sa korapsyon. Pag sinabi po naming malinis kami, marami kaming resibong ipapakita sa inyo.

Alam na alam niyo na ito, hindi po kami 'yung nagsasabi na hindi kami korap. COA na mismo, tatlong magkakasunod na taon, ang sabi po ng COA, malinis ang aming pamamalakad, walang korapsyon na nangyayari kaya pinakamataas na COA Audit Rating, nakukuha ng aming opisina. Pag ganyan po ang opisina ng pamahalaan, hindi lang na marami siyang serbisyong mabibigay sa taumbayan pero kuha niya din 'yung tiwala ng tao. Kanina po, meron dong may hawak na placard na parang Bayanihan E-Konsulta volunteer siya, di ba nandoon kayo? Hindi naman po kami magkakilala pero nagvo-volunteer sa aming mga programa para makatulong sa tao. Bakit nagvo-volunteer? Dahil sa tiwala, di ba? Bakit ka magpapagod kung wala ka namang tiwala sa pamahalaan. Maraming tumutulong, halimbawa po pag bumagyo, talagang tambak na donasyon ang dumadating bakit ganoon? Ganoon po dahil alam ng tao na kung ano ang ibigay nila, siguradong mapupunta kung saan dapat mapunta 'yung kanilang pera. Ganoon po 'yung gusto nating sabihin ng gobyernong tapat.

Pag sinabi po naming pangangalagaan namin 'yung ating mga magsasaka, marami kaming resibo dahil napakarami na naming programa para sa magsasaka. Kanina po, pag sinabi naming priority natin ang kalusugan, marami po tayong medical saka health programs sa Office of the Vice President. In fact, may mga ospital po dito sa inyo sa Tarlac na tinutulungan ng ating opisina, hindi lang po pondo pero noong pandemic, PPE sets, medical supplies. Nagagawa po natin 'yan dahil marami sa amin 'yung tumutulong dahil marami 'yung tumitiwala sa amin. Ano po 'yung pangarap natin? Na bawat isang Pilipino, may hanapbuhay na magbibigay ng dignidad sa buhay ng bawat isa. Pangarap po natin na 'yung mga kabataan, makakatapos ng eskwela, makakakuha ng dekalidad na edukasyon kahit kinukulang ng pondo ang kanyang mga magulang.

Dito po sa Tarlac, ano po 'yung ating pangarap at pinapangako sa inyo? Unang una po 'yung 100% na support natin sa New Clark City, na kabahagi diyan 'yung Capas saka Bamban para po ito, maglilikha ng maraming trabaho para dito sa inyo. Ang suporta sa pag-modernize ng agriculture saka iba pang bagay, dahil ito, makakatulong sa lalong pag-transform ng inyong probinsya. Dito po sa Tarlac City, ano po 'yung matagal nang pinapangarap? Sariling ospital. Pangarap na magkaroon na ng sariling ospital ang lungsod ng Tarlac. At pinapangako ko po sa inyo na pag kami po ang inyong tinulungan, sisiguraduhin natin na makakamtam niyo 'yung pinapangarap ninyo.

Pag panahon ng eleksyon, maraming mangangako. Maraming mga politikong pupunta dito, liligawan kayo. Ang sasabihin, mahal ko kayo pero ang dapat nating itanong sa kanila, nasaan kayo noong wala pang eleksyon? Pag panahon ng kampanya, nag-uunahan sa pagbisita sa atin, pero noong hindi pa kandidato at wala pang kampanya hindi man lang naisipan na silipin tayo at alamin kung ano 'yung pangangailangan natin.

Dito po sa Tarlac, ang opisina namin may eleksyon o walang eleksyon, may mga programa tayo dito. Kanina, 'yung sinasabi ko po noong nandito pa si Kris, noong panahon ng pandemya, nagkaroon po tayo ng Vaccine Express sa Capas. Ang atin pong mga binakunahan, 'yung mga kapatid nating mga Aetas at hindi lang po pagbabakuna, pero pagbibigay din ng ayuda para tulungan sila sa mga kahirapan ng kanilang pang araw-araw na buhay. Nagbukas din po tayo ng Community Learning Hub para po kahit sarado 'yung mga paaralan, may napupuntahan 'yung mga estudyante na may mga gadget, may tutors. Medic, request po ng medic dito sa gitna. Bigyan lang po ng daan. Ayan, papunta na po. Maraming salamat, maraming salamat, thank you po.

Ayun, ito po pakiusap ko lang sa inyo, pakiusap ko lang sa inyo, kanina bago po ako nakaakyat ng stage, marami po 'yung may placard na naghahanap ng jowa. Pero meron, mataas naman 'yung standard, ang sabi nila naghahanap daw sila ng jowang kakampink. Pero di ba, 'yung ligawan parang eleksyon din. Pag ligawan, maramin din 'yung mangangako, pero wag tayo basta basta naniniwala. Ang titingnan po natin, ang karakter ng nangangako, ang titingnan po natin ang track record ng nangangako.

Dito po sa Tarlac, kilala kayo na bumoboto kayo nang maayos. Lahat po tayo, hinahanap ngayon si President Noy. 'Yung pinakahuli ko pong rally dito, kasama ko pa siya doon po sa may Capitol. Ngayon, wala na siya, pero sana 'yung aral ng kanyang buhay ay isabuhay natin lahat. Bilang mga lingkod bayan, ang pagiging simple, ang pagiging malinis, ang pagiging mahusay. Dito po sa Tarlac, gaya ng sinabi ko kanina, panalo po ako dito noong 2016. [crowd cheers] Maraming salamat. Noong tinulungan niyo po ako at pinanalo niyo ako dito, hindi niyo pa ako masyadong kilala. Wala pa akong napakitang resibo sa inyo noon. Nangako pa lang ako sa inyo noon pero tiniwalaan niyo na ako.

Ngayon po, mas malakas na 'yung aking loob humingi ulit ng tulong ninyo dahil matitingnan ko po kayo, mata sa mata. Masasabi ko po sa inyo na lahat ng pinangako ko, tinupad ko. Masasabi ko po sa inyo na 'yung anim na taon na binigay niyo sa akin, ginawa ko 'yung aking pinakamahusay para magampanan ko 'yung mandatong ipinahiram niyo sa akin. Ngayon po, napakahalaga ng eleksyon na ito. Ang akin pong hinihinging tulong hindi lang na iboto kami nina Senator Kiko, pero magkampanya. Marami pong mga kasinungalingan ngayon. Pagtulungan po natin palitan ang kasinungalingan ng katotohanan para po 'yung eleksyon, ang magiging basehan naman nito, katotohanan.

48 days na lang po, eleksyon na. Ang hinihiling po namin sa inyo, kung nakapagsakripisyo na kayo ng pawis, ulan, pawis ulit, baka po puwedeng 48 days na samahan niyo po kami sa laban na ito. Hindi lang po ako pero ang atin pong Vice President, Senator Kiko Pangilinan; ang atin pong mga Senatorial Candidates: Attorney Alex Lacson, Dean Chel Diokno, Senator Dick Gordon, Senator Leila De Lima, Senator Sonny Trillanes, Attorney Sonny Matula, Senator Risa Hontiveros, at Congressman Teddy Baguilat.

Maraming salamat po sa inyong lahat. Mabuhay po kayo.

[END]