< Back to Transcripts

Message of Vice President Leni Robredo at Parini Na!: Marinduque People’s Rally, Boac, Marinduque

April 18, 2022
Boac, Marinduque
No items found.

VP LENI: Ayan, Magandang hapon, Marinduque. Kumusta kayo? Ilang oras na ba kayo naghihintay? Alam ko matagal tagal na kayong nakatayo, matagal tagal ng naiinitan pero tumatiyaga pa rin dahil sa pagmamahal sa ating bayan. Bago lang po ako magpatuloy, ang akin lang pagbigay galang sa mga opisyal na kasama po natin ngayong hapon, andito po si Board Member Jojo Leva, maraming salamat. Nandito din si Board Member Mel Encobo, nandito sila sa tabi. Andito din po si Board Member Adeline Angeles, maraming salamat. Babatiin ko din po si Bishop Marcelino Maralit, galing po kami sa kanya kanina, and all the members of the clergy.

Nagpapasalamat din po ako kay Governor Presby Velasco saka kay Speaker Lord Allan Velasco sa lahat na tulong. Ang atin pong– ang ating iba't ibang grupo, sektor, at supporters na nandito, hindi ko na po iisa-isahin 'yung mga grupo na tumulong dahil sinabi na kanina ni Senator Kiko, pero maraming maraming salamat kay Mr. Eddie De Chavez, ang ating convenor ng Marinduqueños for Leni, palakpakan natin si Sir Eddie. Maraming salamat din kay Ninay Festin-Tan, ang ating provincial head ng ground operations ng Marinduqeños for Leni. Alam ko marami sa inyo 'yung kulang tulog dahil nag-ayos ng ating stage, nag-ayos ng lahat na preparations.

Maraming salamat din kay Alliah Malinao, ang ating Youth for Leni lead convenor dito sa Marinduque. Gusto ko lang po malaman, asan ba dito 'yung mga taga-Boac? Asan ba dito 'yung mga taga-Mogpog? Asan po 'yung mga taga-Torrijos? Asan 'yung mga taga-Gasan? Asan 'yung mga taga-Buenavista? At asan 'yung mga taga-Sta. Cruz?

Ayan. Alam niyo po, kanina pag lapag namin ang saya saya ko dahil pangatlo o pang-apat na beses ko na itong nakabisita dito po sa inyo sa Marinduque. Kadalasan, hindi ko masyadong na-eenjoy 'yung kagandahan ng inyong lalawigan dahil andito po ako tuwing pagkatapos ng isang sakuna. Kaya ngayon na bumalik ako, masaya ako kasi walang sakuna ngayon, andito tayo para sa isang masayang okasyon.

At ito, naalala ko po nandito ako, bagong upo pa lang ako bilang vice president, parang pangalawang beses na punta ko, pumunta po ako sa Santa Cruz saka sa Torrijos dahil ito 'yung tinamaan ng malaking Typhoon Nina, ano? Ayan, "Happy Birthday VP Leni." Maraming salamat, sa Sabado pa ang aking birthday. "Pera lang ang hindi wini-withdraw, hindi si VP Leni." Uy, napakarami niyo palang prinepare, maraming salamat. "Pink ang boto namin." "You empower girls like me." "Kulay rosas ang puso ng Pilipinas." Ang ganda naman niyan. "Pink ang—" Anong gustong sabihin niyan? Ano? "VP Leni, kung number 10 ka sa balota, ano naman ang number ni Doc. Tricia?" "I just want to ask VP Leni, will you be the 17th President of the Republic of the Philippines?" Pambihira naman ito, ang pipilian, pareho yes walang no.

Ayan, "Sa gobyernong tapat—" Ano ito? "Threatened lahat ng—" Ay, oh my god! Hindi ako makakalabas dito pag binasa ko 'yan. "I just wanna ask Leni to be our President." "Wala ako dito para sa shawty, andito ako para kay Kiko at Leni." "Hindi kadakilaan ang pagbubulagbulagan, kaya mulat akong kayo ang iboboto sa halalan." Meron dito, "Tumawid ng dagat para kay Leni at Kiko kahit takot sa barko." Saan po kayo galing?

AUDIENCE: Las Piñas po.

VP LENI: Ang layo naman ng pinanggalingan mo, galing siya sa Las Piñas. "Mga di crush ng crush niya for Leni." Sino ang miyembro nito? May mga hugot. "Di bale ng walang jowa basta may Leni-Kiko sa Malacañang." "It is such an honor to see the next President of the Philippines." Ako, may isisingit lang ako doon. Dapat ang presidente, laging makikita, 'di ba? Ako, 'yung mapapangako ko sa inyo, ako 'yung presidente na lagi niyong makakasama. Ako 'yung presidente na pareho niyo lang, hindi problema ang malapitan.

"Ang tatay ko, lumaban sa diktadurya noon. Ako, tumitindig para kay Leni at Kiko, at sa gobyerno para sa lahat ngayon." Maraming salamat. "Crammers for Leni." "Mga dapat piliin: Leni, Kiko, at ako." "Ma'am Leni, payakap naman, heart broken pa man din ako." Ano ito? "Lawyer, Ekonomista, naninindigan. I miss you Whoon Kim." Sino si Whoon Kim? Ano ito? "Akagalit baga ng nescafe kung para kay Leni-Kiko ang bangon ko for today's video." Ayan, "Leni-Kiko pa-hug naman mamaya." Oh ito, agree ako, "Ang ganda talaga ng Marinduque–” pero ito 'yung gusto ko, “–kasing ganda ng susunod na Presidente."

Ayan, maraming salamat. Ito, "Matataas ang sugar for Leni." Wag magpagutom ha? "Hindi bale ng hindi aesthetic, basta ang track record ay hindi minimalist." Tama 'yun, 'di ba? Pag eleksyon, wag basta basta maniniwala sa pangako. Ang titingnan, ano ang track record? “Kung gaano kataas standards mo sa lalaki, sana ganoon din sa pagpili ng Presidente." "Leni-Kiko na ang latik sa ibabaw ng sinukmani ko."

Oh, ito, "Palainom pero Dean's Lister for Leni." Sana all 'di ba? "Gamers for Leni-Kiko." "No to mining, [inaudible]." Pagod na panganay for Leni." Ano ito? "Let you go Leni." "We want Leni-Kiko to be in charge." Nursing students for Leni-Kiko." "LGBTQIA+ for Leni-Kiko." "Makipaglaban for Leni para sa future ng BBM kong family." Meron pang 19 days, meron pang 19 days to convert your family.

"#LeniKiko Man din, ipanalo na nabaya natin ito." "Sa gobyernong tapat, all too well lahat." "Mine, gobyernong tapat Leni-Kiko plus Tropang Angat." "VP Leni, pa-picture po, 2016 pa ako nakapila." Grabe, anim na taon, mamaya. "Lugaw is essential, just like VP Leni's credentials."

"Sa gobyernong tapat may concert lahat," "KPop stans for Leni," "Hindi ako bayad, mahal ang lipad. Aviator for Leni," salamat. "Comm students for Leni," "SSCSTE for Leni," "Piliin mo si Leni tapos ako," "17th President right here," "Pa-shout out po sa mama kong MLGOO for Leni," ayan kumusta sa mama mo.

"Leni-KIko sa 2022," "Ilang beses man kmaing na red tag, ngunit ang aming determinsasyong maipanalo si Leni at Kiko ay hindi matitinag," maraming salamat. "MSC STEM 2-E for Leni-Kiko," "Isang tamad nagsisipag for Leni," "Linguists for Leni-Kiko," "Bobo man sa taxation, at least di boboto sa taong convicted sa tax evasion," "VP Leni, penge ng liwanag, dito kasi laging brownou." Ayan. Pangako po namin 'yan ni Senator Kiko. Tututukan natin 'yung lahat na lugar na laging brown out.

"Leni be the one," "Ang ninja way ay–," ano 'yan? Hashtag ano 'yan? Sorry ha maliit so hindi ko nakikita. "Good luck to the next President whoever she may be," parang isa lang 'yung she? "Yapusin mo ako VP Leni," mamaya. "Mga na on-call sa duty for Leni," "Ma'am Leni we love you,"  maraming salamat. "#LetLeniLead,"

"VP Leni mag withdraw ka na raw po, magkano na po ba laman ng bank account niyo? Mga 50 Million po ba?" sana. "Kiko is my VP, bakit si Belle ang jowa ni Donny?," masama loob? "Sa gobyernong corrupt, pink can't relate to that," "Ang cravings po natin for today ay ipanalo ang Leni-Kiko sa Mayo," "Mga puro bukas na lang for Leni-Kiko - Procrastinators for Leni-Kiko," "Kiko is the only VP candidate that matters," tama!

"Electrical engineering students will elect Leni-Kiko," "Ga-graduate kami na si Leni at Kiko ag nakaupo," "Mama Leni pahingi allowance, balita ko pinag withdraw ka," "Leni-Kiko ipanalo niyo na may iapapsa pa ako mamaya," ipasa mo muna.

"Katapat ng–" ay nako. Baka mapagalitan ako. Basahin niyo na lang. Hindi ko na babasahin. Baka awayin ako. Ah five minutes na lang daw kasi kailangan po makalabas ay maka take off 'yung aming eroplano. Pero ako po hindi ko mababasa 'yung lahat na pinrepare niyo pero may nagpi-picture po niyan kaya siguraduhin niyo na na-picturan 'yung inyong ginawa kasi kino-compile namin.

Pero ako po ito lang ang aking mensahe para sa inyo. Ngayon pong panahon ng eleksyon, maraming 'yung pupuntang kandidato, liligawan kayo. Para mapasagot kayo, maraming ipapangako, maraming magsasabi aayusin nila 'yung Marinduque. Marami 'yung magsasabi, mahal nila 'yung Marinduque.

Pero di ba 'yung pagmamahal pinapakita hindi sa salita kundi sa gawa? Ang tanong ko lang, ito pong mga nanliligaw sa inyo, sa oras ba ng krisis nakikita niyo ba sila? Ang tanong ko sa inyo, pag nagkakaroon ba ng sakuna dito, sinisilip man lang ba kayo? Kaya po pag may nangako, 'yun muna 'yung tatanungin, asan kayo noong kailangan namin kayo?

Ang Office of the Vice President po alam niyo na kakaunti lang ang pondo. Pero ilan na po 'yung aming mga proyekto dito sa inyo. Noong panahon ng pandemic, nagpapadala po tayo tuloy tuloy ng mga PPE sets, mga medical supplies, hindi lang sa mga ospital pero pati sa mga RHU sa iba't ibang bayan dito sa lalawigan ninyo. Naglagay din po tayo, ewan ko lang kung nandito sila, naglagay po tayo ng Community Learning Hub sa Mogpog. Nandito ba 'yung ating volunteer tutors? Na-meet ko na sila kanina. Naglagay po tayo para 'yung mga estudyanteng kailangan ng tutors at kailangan ng gadgets merong mapupuntahan.

Pag oras po ng bagyo nandito kami, nagkakaroon po ng relief operations. Hindi lang nagbibigay ng relief goods pero nagbibigay din ng mga housing materials. Kahit po kaunti ang aming pera basta gustong tumulong laging may paraan.

Bakit po ba nakakaya ng opisina namin na kahit kaunti 'yung pondo namin, lahat na sulok ng Pilipinas nandoon kami pag merong suliranin? Nakakaya po namin dahil pinapangalagaan namin 'yung pera ng taumbayan. 'Yung kakaunti, sinisiguro namin na makakarating sa lahat na nangangailangan. Kaya po pag kami ni Senator Kiko, nangako na walang korapsyon pag kami ang naging pangulo at pangalawang pangulo, mahaba na po ang listahan namin at ang resibo.

Si Senator Kiko mula 2001 walang anomaliyang nadikit sa kanyang pangalan. Kami po sa Office of the Vice President, sunod sunod na taon, nakukuha po namin ang pinakamataas na COA audit rating. Hindi na kami ang nagasabi na ang proseso namin malinis, COA na mismo.

Bakit po mahalaga itong ipakita sa inyo ngayon? Dahil sa lahat na pangako, ito 'yung resibo na tutuparin namin ito. Kaya po 'yung sa akin, nagpapasalamat ako sa inyo. Na kahit mahirap ang panahon, nandito kayo, tumataya. At sigurado ako tumataya kayo hindi lang para sa amin ni Senator Kiko pero tumatayo kayo para sa ating minamahal na bayan.

Kaya sana po, huwag kayong mapanghinaan ng loob. Mula ngayong araw, mula pala bukas, 19 days na lang ang puwede nating ikampanya. Gaya po ng sabi ni Senator Kiko kanina, kailangan pa nating pag trabahuhan. Kailangan po kung meron tayo mga kapamilya na hindi pa kumbinsido, kailangan nating kumbinsihin. Pero 'yung pagkukumbinsi sa mahinahon na pakiusap. Dapat malakas 'yung loob natin dahil ang dala dala natin katotohanan lang. At ang katotohanan parati siyang mangingibabaw kumpara sa kasinungalingan.

Kaya po ang pakiusap namin sa inyo, nag sakripisyo na kayo ng ilang buwan para suportahan po ang ating bayan. Sana in the next 19 days, handa pa din tayong mag sakripisyo. Kaya ba? Dahil kung kaya pa, baka po 'yung susunod naming punta dito, victory party na.

Nagpapasalamat po ako sa inyo dahil noong 2016, hindi pa po ako kilala, kumandidato ako, pumunta ako dito sa inyo, humingi ako ng inyong tulong, tinulungan niyo po ako, panalo ako ng malaki dito sa Marinduque. Ngayon pong bumabalik ulit ako, hindi lang sa kilala niyo na ako pero mahaba na 'yung aking resibo. Kaya po hindi ako nahihiyang bumalik dito para sabihin sa inyo, tinupad ko ang aking mga pangako sa inyo.

Kaya po hihingi ulit kami ng tulong, hindi lang po para sa akin pero Senator Kiko for Vice President. Ang atin pong mga senatorial bets, tulungan niyo po lahat para po sabay sabay nating pagpapaguran ang pag-ayos ng ating bansa. Umuulan na. Mabuhay po kayong lahat. Maraming maraming salamat.

[END]