High School
Universidad de Sta. Isabel, Naga
Noong 1982, nagtapos si Leni ng high school sa Universidad de Sta. Isabel. Sa taon din na ito, lumipat siya sa Maynila para makapag-kolehiyo.
Mula 1986 hanggang 1987 nagtrabaho si Leni bilang researcher at ekonomista sa Bicol River Basin Development Program kung saan nakilala niya ang Program Director noon na si Jesse Robredo, na naging asawa niya.
Naging teacher naman siya sa Economics sa Universidad de Sta. Isabel mula 1987, habang nag-aaral ng abogasiya, hanggang makapasa ng bar exam noong 1997.
Inilunsad noong October 2016, hangarin ng programa na gawing magkatuwang ang publiko at pribadong sektor para tugunan ang mga pangangailangan ng mga pamilya sa mga komunidad sa pinakamalalayo at pinakamahihirap na bahagi ng Pilipinas.
Dahil walang iisang solusyon para tugunan ang kahirapan sa iba’t ibang lugar, sinusuportahan at binibigyang lakas ng OVP na kumilos ang mga mahahalagang sektor sa komunidad (tulad ng mga pamilyang naapektuhan ng sakuna, grassroot stakeholders, urban poor, kababaihan at kabataan) sa pamamagitan ng pakikipagkonsultasyon at pagbuo ng mga programang angkop sa kanila.
Determinadong ilapit ang Office of the Vice President sa mga tao, pinangunahan ni Leni ang pagbuo ng kanilang programa laban sa kahirapan, ang Angat Buhay – isang adhikaing nakatuon sa anim na key advocacy areas: Education, Food Security and Nutrition, Healthcare, Housing and Resettlement, Rural Development, at Women Empowerment.