Supporta galing sa celebrities at influencers

Adrian Lindayag

#AngatBuhayLahat dahil ang kalusugan at kabuhayan ng bawat Pilipino ay protektado ng gobyerno. Nakakapag-aral nang libre at walang pangamba ang bawat batang Pilipino.

Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa Gobyernong Tapat, may trabaho at kabuhayan ang lahat.

Adrian Lindayag
Akiko Thomson Guevara

Leni Robredo gives me HOPE for the country. She is the leader that we need at this time who walks the talk. Who is humble and has the interest of our people top of mind. Who is transparent and trustworthy, equipped by her experience to lead our country. Most importantly, whose moral compass and values are grounded on what is true, right and just. Isn’t that what we desperately need right now?

Akiko Thomson Guevara
Aljon Mendoza

Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa gobyernong tapat, magkakaroon ng mas maayos at transparent na serbisyo publiko lalo na sa pagharap sa COVID-19 pandemic at  iba't ibang mga kalamidad at trahedya na darating pa. Dapat masiguro ang kaligtasan ng LAHAT.

Aljon Mendoza
Andoy Ranay

Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa Gobyernong Tapat, babalik ang tiwala nang lahat. 2. Angat Buhay Lahat sa gobyernong tapat babalik ang tiwala nang lahat.

Andoy Ranay
Angel Aquino

Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa Gobyernong Tapat maisusulong ang tunay na pagbabago para sa kapakanan, kaunlaran at kasaganahan ng lahat.

Angel Aquino
Arlene Muhlach

Sama-samang iaangat ni Leni Robredo ang kalidad ng buhay ng bawat Pilipinong nangangarap na mamuhay nang matiwasay. Hinihikayat nya tayong magtulungan, kasama ng suporta niya, para sa ikauunlad ng bansa para sa susunod na henerasyon, ang kabataan, ang mga anak natin… higit sa lahat, siyang walang bahid ng korupsyon.

Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa Gobyernong Tapat, walang korupsyon at maayos ang pamamalakad para sa lahat.

Arlene Muhlach
Arman Ferrer

#AngatBuhayLahat para sa akin ay ang pagtutulungan ng bawat isang Pilipino para magkaraoon ng mas magandang kinabukasan ang lahat. Walang pinipiling kulay o partido. Walang maiiwan. Iisa ang adhikain sa ilalim ng pamumuno ni Madame Leni Robredo. Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa Gobyernong Tapat, manunumbalik ang pag-asa at tiwala ng lahat.

Arman Ferrer
Astarte Abraham

Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa Gobyernong Tapat, tataas ang antas ng pamumuhay at matutugunan ang mga pangunahing pangangailangan--pagkain, tubig, pabahay, kalinisan, seguridad, edukasyon, at kalusugan--ng lahat."

Astarte Abraham
Bella Racelis

Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa Gobyernong Tapat, may malinaw na stratehiya at mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat.

Bella Racelis
Bianca Gonzalez

Ang boto ko ay sa mahusay, masipag, matapat, makatao at tunay na lingkod-bayan na inuuna ang kapakanan ng Pilipino. Ang Presidente ko ay si Leni Robredo.

Bianca Gonzalez
Bodjie Pascua

Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa Gobyernong Tapat iiral ang katarungan, proprotektahan ang ating mga karapatan, at liliwanag ang kinabukasan ng ating kabataan.

Bodjie Pascua
Cedrick Juan

Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa gobyernong tapat. Pangangalagaan ang kalikasan, handang makinig at makipagtulungan para sa ikabubuti ng lahat.

Cedrick Juan
Arrow back to select